Matagal akong nakatitig sa message nya bago naisipang mag-reply ng 'Yup, I'm with my family.' kaso binura ko rin kaagad

Natural Tiara, kasama mo family mo kasi invited sila

Ako:

Yup

Tipid akong nag-reply dahil ayokong may masabi s'yang masama sa akin o asarin nya ako

"We're here." sabi ni Ate at automatic na lumingon ako sa malaking gate ng mga Johansson.

Nakabukas ito ngayon dahil may party at may dalawang guard sa gilid para i-check ang mga guest

"Tyson Family." sabi ni Dad sa guard at umatras ito para papasukin kami

Unang tumambad sa amin ang malaki at buhay na buhay na garden nila, may gazebo sa gitna. Hindi ako sigurado kung ang nakita ko ba ay isang maze. Sa kabilang gilid naman ay malaking swimming pool na may jacuzzi sa tabi.

Dinaanan namin ang malaking fountain na may umiihing anghel sa taas tulad ng sa amin

Nakapunta na ako dito noon, birthday party rin ni Tito Adam o ni Johansson at ito lang ang masasabi ko. Every year ay nagpapa-renovate sila.

Inayos ko muna ang dress ko bago bumaba kasama si Ate. Agad naman nakakita ng kakilala sina Daddy dahil walang maskara ang mga 'yun. Nag stay sila sa labas kaya nagpaalam kami sakanila at sa mga kausap nila para dumiretso kami ni Ate sa loob.

Maskara ang una kong napansin sa mga tao, halos hindi ko sila mamukhaan. May mga bumabati at kumakausap sa amin at malalaman lang namin kung sino sila sa kanilang boses

"Tiara, right?" tanong ng nakapulang babae

"Revenna?" hindi ako siguro dahil sa maskara pero pamilyar ang kanyang boses

Tumawa sya at malapad ang ngiti, I guess I'm right

Kaklase ko sya noong high school at pinsan s'ya ni Johansson. Ang balita ko ay sa US na sila nakatira ng kanyang pamilya

"Sabi na nga ba't ikaw 'yan eh! You see, you're an attention seeker at alam kong ikaw agad 'yan dahil sa akin nagpatulong si Zeeyan sa mga masks nyo." sabi n'ya pagkatapos naming magyakapan

"Sorry sa istorbo, Johansson doesn't have to do it but thank you." sabi ko at nginitian sya

"You must say thank you to him, he really did a lot of efforts to find a perfect mask for you." sabi nya, lumingon sya sa lalaking humawak sa braso nya at may binulong

"Got to go, may mga babatiin lang ako." sabi nya at bineso ako

Perfect mask for me? Baka for us? Bigla tuloy akong nahiya, he really did a lot of efforts base on the design of the masks.

"Tiara?" napalingo ako sa naka-all black na mask, dress at heels

"Maxxine!" sabi ko at niyakap sya

"Glad I know the designs of our masks, hindi ako nahirapang hanapin kayo." sabi ni Maxxine at tinuro ang ilang kaibigan namin na hindi makaalis sa tabi ng mga magulang dahil pinapakilala sila sa ibang businessman.

Maraming lumapit sa aming mga lalaki at kinausap sila ni Maxxine habang ako at hanggang ngiti at tango lang.

"Drinks anyone?" tanong ng naka-champagne na tuxedo na kakulay nung sa akin.

Kumunot ang noo ko at tinignan ng maigi ang naka-mask na lalaki sa harap namin, his voice seems familiar but only when it's softer

"Nick?" tanong ko, nagbabakasaling si Nick na bakla naming kaibigan ang kumausap sa amin

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now