5

56 3 1
                                    


Robin says: enjoy reading!

***

I am so overwhelmed! The movie date was really a movie date. Pagkatapos ng movie ay nagyaya si Connor sa isang Bistro bar malapit sa mall kung saan kami nanuod. I agreed. Sino ba naman ako para hindi pagbigyan ang sarili sa matagal ko nang pangarap na may maka-date man lang? Kahit nga pamamasyal lang sa Luneta at kahit simpleng isaw-isaw ay masaya na ako, siguro sobrang nanabik lang ako na magkaroon ng isang romantic interaction sa isang lalaki. In fact, kahit hindi gwapo okay na, kahit hindi gasinong matalino, basta 'yung eksakto lang, hindi sobrang chaka, hindi rin eng-eng.

And yes, I got more than I asked. This man was prolly smarter than me. Malaking bagay 'yon para sa akin. Sa wakas ay nakahanap na rin ako ng taong makakausap ko sa paraang nakakausap ko ang aking tito. Ngayon lang ako nakaranas na makipag-usap sa ganitong lebel ng intellectual.

He's everything a girl could ask for!

Lalong napukaw ang interes ko nang malaman ang buong ngalan nito- Connor Ashley Figueroa. Kaya pala parang pamilyar ito. He is a businessman. Bagama't wala akong alam sa mga business ng pamilya namin dahil iba naman ang passion ko ay naririnig ko na ang lalaki na ilang ulit na ring na-feature sa mga business news. In fact, he's always featured in the social pages of newspaper and magazines.

I have no idea why he's talking to me but I sure am glad. Hindi na nga ako makapaghintay na ikwento ito kay tito. O well, ano naman ang ikukwento ko? For sure papagalitan lang ako nun. Ayaw pa naman niyang nakikipagdate ako. Bawal pa raw akong makipag-date hangga't hindi pa ako nakakapagtapos ng kolehiyo but hey, that's only 2 months from now. Kapag nalaman niyang sumama ako sa isang lalaki na nakipagkilala lang sa akin sa isang resto ay baka umusok lang ang tenga niya sa galit. He's always telling me how disappointed he is with some of my distant cousins who grew up abroad. Napaka-liberal daw masyado, but what can you expect?

They aren't conservative enough, hindi raw tulad ko. Matagal ko na ngang gustong sabihin kay tito na malayo talaga ako sa mga pinsan ko dahil ligawin naman talaga ang mga 'yon at talagang magaganda pa, samantalang ako, hindi talaga makikipagdate dahil wala namang nag-aaya!

And if everything went well wit us, maybe I could introduce Connor to my tito on my graduation day. Of course, I'm just fantasizing. This is just a fluke. Maybe it's only full moon and people are just acting strange. I'm sure bukas kapag nagising ito, saka lang nito marerealize na isang pagkakamali ang pakikipag-date sa akin.

"So, did you enjoy the movie? Are you enjoying the night so far?"

"I did. Thanks to you," nakangiting sabi ko kay Connor.

Hindi ito sumagot at nakamasid lamang sa akin na may ngiti sa mga labi. Tila ba aliw na aliw ito sa akin na ikinailang ko naman. Hindi ko ba alam pero sa tuwing may tumititig sa mukha ko, naaasiwa talaga ako. Baka naman nakakaagaw ng atensyon ang malaking ilong ko o kaya ang kutis ko na maraming peklat ng tigyawat. Pimple infested kasi ang mukha ko noong nagsisimula palang akong mag-puberty and those left marks on my face.

"What's wrong?" tanong ko rito dahil kanina pa ito titig na titig sa akin.

"I'm just suprised they still make women like you."

Napakunot ang noo ko. "What do you mean? Is that a good thing or a bad thing."

He chuckled lightly. "Good, definitely. The world needs more women with class like you."

I could feel my cheeks suddenly grow hot. Likely because of his sweet gaze. So he thinks I'm a refined woman. Siguro ay hindi lamang ito sanay na makipag-usap sa isang mahiyaing babaeng katulad ko. Marami rin itong tinanong sa akin, mga bagay na personal, bagaman hindi naman iyong masyadong malalim para mailang ako. Basically, he asked about personal things to get to know me better. At least that's what I felt when he's asking me.

"There's a rumor that you were a military man," maya-maya'y untag ko. Nabanggit kasi sa isang panayam dito sa isang business channel na nag-training nga raw ito sa Military noon.

"That's what you find interesting in me?" nagtatakang tanong nito, "not my body?" dagdag pa nito sabay tawa.

"That too, but let's talk about your military background first."

Ang lakas ng tawa nito sa sagot ko. So we talk. And I'm getting more and more impressed. Ayon dito ay hindi naman talaga ito nakapag-aral ng military, sa katunayan ay Economics ang kinuha nitong pre-law dahil may balak ito noong mag-law. Pero after nitong grumaduate ay naiatang dito ang lahat ng responsibilidad dahil maagang namatay ang papa nito at ito na ang naatasang mag-manage ng mga business ng mga ito sa tulong na rin ng lola nito. Pero kumuha raw ito ng self defense training program sa America dahil marami na itong natatanggap na death threats. He's now 24, five years my senior. Marami nga raw ang nagsasabing pumasok ito sa PMA. Well, he has the making of a general so it was a wonder why he didn't pursue military and continued on their business instead.

"One day you'd just wake up realizing a thing isn't really for you," sabi ko.

"Something like that," anito at tumango.

"Interesting," I replied back.

"Not as interesting as you."

"Oh please, shut up."

"Why would I when I like seeing you blush like that?"

My heart starts to race even more, and my face goes completely red. Is this for real? Baka naman tama ang tito noong sinabi niyang hindi lahat ng tao ay nakikita na isa akong mamahaling bato. Kapag daw natuklasan na iyon ng mga tao ay mahirap na akong pakawalan. Maybe it is the same with this man. Maybe he realizes that I'm decent, funny, and kind woman, despite the looks that tell the opposite.

"I'm really having a great night, Connor Ashley. Thank you for accompanying me."

"No problem at all, I enjoyed talking to you, too. Maybe we can do this again some other time?"

Omg! And now my heart skips a beat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Captive: Connor AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon