3

48 4 3
                                    

4 years ago

"But you said you're gonna accompany me, tito."

Gusto ko nang maiyak sa restaurant na kinaroroonan ko dahil hindi na naman ako masasamahan ni tito, may biglaan kasi itong meeting. Magkikita sana kami upang manuod ng sine dahil may showing na  namang bagong indie movie at mukhang maganda 'yon base sa mga reviews ng mga blogger na pina-follow ko sa wordpress.

Mahilig talaga ako sa mga ganoong genre ng movie. Maybe it's my tito's fault for letting me watch such movies ever since I was a child. Si tito na kasi ang itinuturing kong bestfriend dahil marami talaga kaming bagay na pinagkakasunduan. Sobrang tindi ng attachment ko sa kanya dahil na rin siguro sa wala akong maraming kaibigan. Kahit noon pa man ay hindi ako 'yung tipo ng bata na nilalapitan ng iba pang mga bata upang makipaglaro. It was probably because of my looks, and the fact that I homeschooled when I was in grade school 'cos I was often bullied by my classmates.

Kung may  roon mang gustong makipag-kaibigan sa'kin, natatakot na ring ma-bully tulad ko. Super dami ng mga naging bansag sa akin nang dahil sa hitsura ko o kung minsan nawi-wierd-an sa mga hilig ko.

My social life suffered gravely. At dahil nga sa mga pangyayaring 'yun, hindi nahulma ang self-esteem ko. Katulad na lang ngayon na kahit pwede namang manuod mag-isa ay nagdadalawang isip ako.

"But, tito, you promised me--"

"I'm sorry, hija, it's an urgent matter, I really can't."

"I understand, tito," I said in frustration.

Nang matapos ang call ay pinilit kong 'wag mapaluha sa disappointment. It's my fault for inviting a very busy man, bukod kasi sa pagpapatakbo ng mga negosyo ay judge din si tito, 'wag pang isamang may girlfriend na rin siya. Kung sana lang marami akong kaibigan or boyfriend man lang.

Yes, I'm thinking about my love life, or rather, my lack of it. Nakakahiya man, pero sa edad na disi-nueve, ni isa ay wala pang nanligaw sa akin. Siguro ako lang 'yung nakaranas na hindi naligawan buong high school, ni textmate wala. No nothing, zero experience in relationships. Syempre gusto ko namang magkaroon ng  sariling pamilya or ng mga chikiting balang araw. Kahit kasi maaga pa upang pindutin ang panic button para sa pagiging matandang dalaga, parang nabi-visualize ko nang 'yun ang kahihinatnan ko.

Kung bakit ba naman kasi masyadong superficial ang mga tao sa mundo. I'm sure kung papipiliin ang isang lalaki sa pagitan ng isang matalinong babae na kayang harapin ang mga malalaking problema sa buhay at sa isang babaeng walang utak ngunit maganda, walang dudang ang pipiliin ng lalaki ay iyong magandang babae. It is a common fact in life, that the beautiful girls have a lot of friends. That the beautiful girls all have the admiration and attention. No wonder the world's falling apart.

Napabuga na lang ako ng hangin at tinignan ang dalawang movie tickets na hawak ko. Siguro ipapamigay ko na lang ang mga ito sa makakasalubong kong couple na papuntang sinehan. Patayo na ako nang mapasulyap ako sa lalaking umu-order sa counter. Biglang nagtama ang aming mga paningin. I don't know but it feels like my heart is racing. The man possesses the kind of face that would make all girls go gaga.

He looks familiar, though I can't quite place his face. Maybe he's a model. His looks certainly is a model's  though his sophistication is not.

Mas lalo pang rumigudon ang malandi kong puso nang ngumiti ito sa akin. Bigla tuloy akong napatingin sa likuran ko dahil baka hindi naman ako ang nginingitian nito. The man laughs and his laughter is like a music to my ears. Hindi ko ma-get kung parte lang ba ng charm nito iyon o talagang pinagtatawanan lang ako ng lalaki. Since I don't have an idea, umupo na lamang uli ako at iniyuko ang aking ulo, tinawag na rin naman ng crew ang pangalan nito. Nang makuha ng lalaki ang order na inumin ay lumakad na ito pabalik sa kinaroroonan nito kanina.

Triny ko uling pasadahan ang contacts sa phone ko. Baka sakaling may mapilit pa akong sumama sa akin.

"Hello."

Napalingon ako sa nagsalita. Muling bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang may ari ng boses. It's the demigod from the counter!

His Captive: Connor AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon