CHAPTER 10: TRUTH OR DARE

4.7K 83 0
                                    


*SHAR POV*


Magkausap kami ni Francis ngayon, tungkol sa sched namin. Kasi di kami magkaklase eh.. Pinaguusapan namin yung mga teachers at yung mga kaklase namin.



Habang nakikipagusap ako, napansin ko si Jai, tahimik.


Wala siyang magawa kaya naisipan ko na lang na bumalik sa room. Para naman makapagbonding kaming lahat. Kasi kanya kanyang grupo eh..



"Guys! Balik na tayo sa room, tapos na naman tayong kumain eh."-Ako


"Cge, tara na."-Paul at Nash


Tumayo na kaming tatlo nina Nash, tapos nasitayuan na lang din yung iba.


Habang umaakyat kami papunta sa room namin.


Tinabihan ko si Jai. Lunglot kasi eh, parang ang lalim ng iniisip.


"Jai!"-Ako


"Oh?"-Jai, halata sa muka niya na nagulat siya


"Lalim ata ng iniisip mo, ano ba yun?"-Ako


"Wala to.. Yaan mo na lang ako."-Jai


"Jai sabihin mo na saakin para matulungan kita. Nagaway ba kayo ng gf mo?"-Ako


"Ha?!!! Hindi ah."-Jai


"Eh ano?"-Ako


"Kasi sh-shar ano eh.. Nagtataka ako, kung paano tayo naging magkapatid.?"-Jai


Nabigla naman ako dun sa sinabi niya.


Ha? Bakit siya nagtataka.. Ayaw ba niya ako na maging kapatid.


Ayos naman akong kapatid ah.? :(


Napatagimik na lang ako.


"Kasi tingnan mo, hindi tayo sabay pinanganak, hindi tayo makamuka. Pero magkaage tayo.? Halos isang buwan lang ang tanda ko sa iyo diba??"-Jai


"Ah. Oo nga. E-ewan ko nga rin eh."-Ako


Nakapasok na kami sa room namin.


Habang naguusap kami ni Jai, si Mika naman biglang sumingit.



"Baby, ano gagawin mo today?"-Mika



Tsss.. Pumunta na lang ako sa higaan ko, tas humiga.



Narinig ko naman na sinabi ni Jai na dito lang daw siya, magpapahinga.



Bigla namang si Lexa sumigaw.


"AH!! ANO GAGAWIN KO DITO! ANG BORING!"-Lexa


Sa totoo lang ang boring ng day ngayon, kasi wala pa kami masyadong ginagawa eh.


Kaya naisipan ko na maggame na lang kami. Hahaha!!


"GUYS! gusto niyo TRUTH OR DARE??"-Ako



Haha! Sinabi ko yun. Nakakamiss din kasi maglaro nun.



Nagagree naman silang lahat.



Nagcircle kami sa sahig...



"Ala.. Wala tayong bote.... Saglit manghihingi lang ako dun sa janitor baka meron. Wait lang ha."-Ako



Tatayo na sana ako ng may humawak sa kamay ko.. O_O

Tinignan ko ito, nakahawak saakin si Nash.. Umm..



"Ah. Nash....."-Ako


"Wag na, umupo ka na jan. Meron ako sa bag."-Nash


"Yun mas ayos, di na ako maghahanap. Dali bes, kunnin mo na..."-Ako



Umupo na ako tas tumayo na siya.



Katabi ko sina Lexa sa left then sa right ko si Nash. Katabi naman ni jai yung gf niya! Answeet nila.!


Haaay!!



Binigay na saakin ni Nash yung bottle, then umupo na siya sa tabi ko.


"Oh, game na!"-Ako



"Wait!!!"-paul


"Ano?"-Ako


"Walang KJ ah. Kung anong dare gagawin ah. Tsaka kung anong tanong man yun, kailangan sasbaihin ng totoo."-Paul


"Cge..! "-Kaming lahat.



Nagstart na, pinaikot ko na yung bote.



Yung una... Tumapat kay Patty..



Ako muna yung magbibigay ng truth or dare sa kanya. Kasi ako daw ang nagpasimula nito eh. Pero pwede kahit sino magtanong. Ako lang daw muna.



"Ahmm. Patty, truth or dare??"-Ako


"Dare"-Patty


"Okay! Ano kayang dare?"-Ako


May binulong saakin si Lexa na "Sabihin mo ikiss si Francis, kasi nalaman ko sa kanya na may gusto siya kay Francis. Dali...."



Hala, baka magalit saakin yun....



Pero wala na akong maisip eh..



Kaya yun na lang.



"Patty, dare diba.. Ikiss mo si francis sa cheeks ng 5 seconds."-Ako


"Ha?? A-an-ano k-ka-kase."-Patty, mautal niyang sabi..


Tinulak naman ni Lexa si Patty kay Francis..



Tas kaming lahat nag "YIEEEEEEE.......!!"


Kiniss na ni Patty si Francis within 5 seconds.



Grabe, umpisa pa lang intense na kaagad ang mga nangyayari.. May gamon ganon agad.


"Ehem.. Ehem.. Francis, baka mabalitaan ko na lang na kayo na ni Patty.. Yieee."-Ako


"Hindi no, may laman na tong puso ko.."-Francis



Napatingin kami lahat sa kanya?


"Bro! Sino yan"-Jai



"Oo nga bro! Ikaw ha naglilihim ka na saamin.!"-Nash



"Aba, secret..! Game na! Dali. Ako pa iniintriga niyo eh."- Francis


"Game, ikaw na ang magpaikot ng bote Patty."-Ako


Inikot naman niya yung bote...



Omaygahdd... Malapit na saakin.. Kala ko saakin. Buti na lang nagstop kay Nash.. Whoooo..!



"Ooowww.. Si nash!"- Lahat.


"TRUTH OR DARE"- Ako


"TRUTH.."-Nash


"Sinong nagugustuhan mo na babae dito sa room natin."-Jai


Gulat ko dun sa tanong ni Jai..


Pero alam ko naman ang isasagot diyan ni Nash.. Si lexa.. Kasi may something talaga eh.



Lalo na nung isang araw yung nagpunta ako sa kanila.. Remember? Nakita ko silang dalawa ni Nash naguusap.. Ehem ehem..


"Si Shar....."-Nash


HA??!! ANO?? AKO?


Huwaw!! O_O

"Ha??"-Lahat


"Bakit si Shar"-Jai


Staight na straight na tinanong ni Jai


"Kasi bestfriend ko siya.. Special siya saakin.."-Nash


"Oo alam na namin yun Bes.. Ang tanong bukod sa bespren mo ako.. Sino talaga yung pinakagutso mo na babae sa ating grupo, yung nagagandahan ka.."-Ako



Chinange topic ko.... Woo. Ayoko kasi ng ganon eh. Yung pabigla bigla.



"Ahh.."-Nash


"Yieee. Sino yan? Feeling ko si Lexa! Dude, sabihin mo na! Tanggapin mo na si lexa. Tagal na niyang nangliligaw saiyo eh.."-Francis


Ha ano raw?



"Hoy! Bes at bebe! Ano to, bakit di ko yun alam. May something na pala sa inyo ha! Ikaw ha bebe (kinurot ko si bebe, pero hindi masakit.)"-Ako



Sabi na! May something talaga!



"Ano ka bebe, wala no..."-Lexa


"Oh.. Dali. Nash.. Sagutin mo na!!"-Mika







*NASH POV*


Truth or Dare kami.


Grabe, yung tanong saakin...


Ano isasagot ko??



Kung sasabihin ko yung totoo, baka iwasan na ako ng bespren ko.. Ayoko nang ganon..



Sa totoo lang kahit ano pang itanong nila saakin, Tungkol sa ganyan..


Anlaman naman talaga ng puso ko ay si Shar..


Shit! Shit! Shit! Ano to. So? Totoo nga na may gusto ka na kay shar?


Nash , ano ka ba? Bawal to eh.. Baka malayo saakin ang loob ni Shar.!


Sinasabi ko lahat to sa isipan ko..


Ng?


"Oh.. Dali. Nash.. Sagutin mo na!!"-Mika


Grabe, natataranta na ako..


Sinabi ko na lang



"Si Lexa.."-Ako



Kahit di totoo. Napilitan na lang ako sa kanila...


Tas tumayo si bes..


"Oh bes, palit tayo, dito ka sa tabi ni Lexa. Nanakistorbo ata ako sa inyo eh.. Di niyo naman agad sinabi na meron palang something kayo.."-Shar



no! No! Shar! Okay na ako katabi ka!


Actually, hundi totoo yun.. SHAR!!


Pinatayo niya ako at nagpalit kami ng pwesto.. So yun, katabi ko tong si lexang to!





*LEXA POV*

Pasingit ah. Ilalabas ko lang to... Hahah!


Ha? Nagtataka ako.. Diba sinabi na niya saakin noon na hindi siya magkakagutso saakin. ? Ang gulo niya ah!

-refer to chapter 2 kung gusto niyong balikan yung moment na sinabi yun ni nash kay alexa.-



Pero kinikilig ako.. Hihihihi...


Unexpected yun ah.


Si Nash naman ang katabi ko ngayon, kasi nagpalit silang dalawa ni shar eh.


Yun oh.. Emerhgehd.. Kilig lang ako.. ❤️❤️❤️


Cge bye na.. Thanks.






*JAIRUS POV*

Tinuloy na namin yung game..



Pinaikot na ni Nash yung bote.


Tumapat naman kay Mika...



"truth or dare?"-Paul



"Dare"-Mika



Bigla namang sabat ni Shar.


"Magbihis lalaki ka in one day."-Shar


"What??!!-Mika


"Yun yung dare, kailangan sa bago matapos tong week na to, dapat makapagsuot ka ng damit na parang panglalake."-Shar


Ano na naman kaya ang binabalak ni shar?


Bakit yun yung dare? Alam naman niyang girl na girl to eh.. Ala..



"ARE U KIDDING ME!! I CAN'T WEAR THAT! That's so unfair....... Shar!"-Mika



"Pero ang cool nun, kasi diba puro na lang pang girl ang suot mo, magtry ka naman ng panglalaki."-Francis


"See.. Tingnan lang natin kung makakapagsuot ka.."-Shar



Bigla naman pinuntahan ni Mika si Shar.


"ALAM KONG MAINIT ANG DUGO MO SAAKIN SHAR! KAYA PWEDE BA LAY OFF! DI KO GAGAWIN YUNG DARE MO, DI KO KAYA YUN.. Yung iba na lang pwede.."-Mika



Sinabi niya yun ng paggalit kay Shar at parang aawayin si Shar..


Kaya lumapit ako...

Tumayo si shar at sinabing:

"Ang unfair naman yan Mika, diba guys... Siya lang yung di gagawa ng dare na yun.. Diba sabi natin kanina bago magstart tong game na to, dapat walang KJ. Kahit ano pang Dare yan gagawim dapat.. At tsaka guys, okay lang yung Dare diba?"-Shar


Tinanong ni shar saamin..


"Oo naman."-Lexa


"Try mo lang naman Mika eh, paarte ka pa."-Francis


"Yun na yung dare mo Mika!"-Nash


Di naman ako nakapagsalita. Halos lahat sila umuOO sa dare na ginawa ni Shar.


"See? Agree lahat sila Mika"-Shar, mahinahon niyang sinabi.



Bigla namang tinulak ni Mika si shar at sinabing "NO! DI KO GAGAWIN YUN!!SOBRA KA NA SHAR ah!!"


Nahulog naman si shar sa floor..


Kaya pinigilan ko na talaga si Mika.


"Mika ano ba?!! Tama na yan!"-Ako


"Bebe! Hala, okay ka lang"-Lexa



Nagsitayuan naman yung iba at pinuntahan si Shar. Pero si Paul hinawakan naman si Mika sa kabilang kamay niya..



Hmm... Parang may something sa dalwang to ah..


Samantalang ako.. Nakahawak kay Mika sa isa niyang kamay.. Pero gusto ko rin pumunta kay Shar....



Kasi kapatid ko rin naman siya eh. Diba?



Pupunta na rin sana ako kay Shar ng hinawakan naman ako ng mahigpit ni Mika.


"ALAM MO SHAR! ALAM KONG TUTOL KA SA RELASYON NAMIN NG KAPATID KO! KASI AYAW MO SAAKIN KASI MAARTE AKO DIBA? MALANDI AKO?? Diba?? PERO WALA KANG MAGAGAWA SHAR KASI GANON TALAGA AKO AT WALA KA RING MAGAGAWA KASI AKO ANG MAHAL NG KAPATID MO AT IKAW IKAW! KAPATID KA LANG...... HINDI KA NIYA MAH..........."-Mika



"MIKA! ANO BA! TAMA NA!!"-Ako



Nakita ko naman na tinayo nila si Shar..


"ANO BABY, IPAGTATANGGOL MO PA YANG KAPATID MONG YAN! HA! EH SIYA NGA ANG SUMISIRA SA RELASYON NATIN KAYA TAYO NAGKAKAGANTO!!"-Mika


"Sorry ah... Sorry! Hindi ko naman talaga intensyon na sirain ang relasyon niyo sa isa't-isa. Pero tandaan mo kapatid ko si Jai, kaya may karapatan ako na makipagusap at makasama siya. Hindi lang naman ikaw ang minamahal ni Jai ah! May mga pamilya at kaibigan pa yang minamahal. Kaya wag na wag mo sasabihin na ang mga yun ang sumisira sa relasyon niyong dalawa. DAHIL Ikaw lang naman ang sumisira sa relasyon niyo dahil naiinggit ka sa pagiging close namin.! ah.."-Shar habang umiiyak siya..


Aww.. Ano ba to...


"GANON BA! HA! GANON!!"-Mika


Inalis niya ang kanyang kamay sa aming dalawa ni Paul at sumugod kay Shar..


Sinampal ito ni Mika........



Kaya! Nasigawan ko na talaga si MIKA!!


"MIKA ANO BA TAMA NA! SOBRA KA NA!"-Ako


Sa totoo lang naawa na ako kay shar, kasi iyak siya ng iyak..


Pinoprotektahan naman ni Nash at Francis si Shar kay Mika.. At nakikita ko yun. Kaya nga sobrang THANK YOU na lang sa kanila..



Bigla namang lumabas si Shar..


"Bebe! Wait san ka!??"-Lexa


Sinundan ni Lexa si Shar papalabas ng pinto..


Kita kong susunod din sina Nash at francis pero sabi ni Patty na wag na daw, hayaan na lang daw na si lexa ang tumulong kay Shar.


Kaya nagstay na lang sila dito sa room...



Binaling ko naman ang lingon ko kay Mika.



"Mika, ano to? Bakit mo sinampal si Shar??!!"-Ako


"Gusto mo talaga malaman? HA!!"-Mika



Napatingin na lang ako sa kanya, kasi galit na galit siya...



"KASI NAGSESELOS NA AKO SA INYONG DALAWA!! SOBRA ANG ALAGA MO SA KANYA!! SOBRA NA!!-Mika pagalit niyang sabi.


"Kailangan ko siyang alagaan kasi kapatid ko siya, ako ang kuya niya, tungkulin kong maging isang mabuting kapatid."-Ako


"Ala!"-Mika


"Mika (hinawakan ko ang muka niya) , kailangan mong intindihin iyon, na hindi lahat ng oras ko na sa iyo."-Ako


"So sinasabi mo na BREAK NA TAYO, KASI DI KA MAKAKAPAGLAAN NG ORAS SAAKIN! Ganon ba yun JAI!"-mika



"Ha? Ah-ah.. Di mo talaga magets.."-ako



"OO di ko talaga magets. kaya BREAK NA TAYO.. DAPAT NGA DATI PA AKO NAKIPAGBREAK SAYO EH. KASI SA TOTOO LANG PINAGSASABAY KO KAYO NI PAUL! ALAM MO BA YUN! PERO MAS PIPILIIN KO SI PAUL KESA SA IYO KASI SIYA MAY LAAN NG ORAS PARA SAAKIN.!"-Mika



"ANO HINDI LANG AKO ANG BF MO?!!"-Ako



"Oo! At yan! MASAKTAN KA SANA! DI NAMAN TALAGA KITA MAHAL EH! Tabi nga!"-Mika


Umalis si Mika saakin kasama yung traydor na Paul yun. Kaya pala may nasesense na ako nung nagpunta kami sa Mall eh!


Nagdate sila non!! Ay!!


"Bro..."-Nash



"Magiging okay lang din ang lahat bro."-Francis



"Ansakit.. Alam mo yun bro.. Yung pinagsasabay kayo.. Minahal ko din naman siya kahit papano ehh.."-Ako


Medyo napapaiyak na ako..


Sinuntok ko yung pader.. Aray!!!!




"ANG PINAKA MALALA PA DUN, SINAKTAN NIYA YUNG KAPATID KO! BWISIT NA BABAE YAN!!"-Ako


"Broo.. Tama na, okay lang yan... Wag mo na suntukin ang pader. Namumula na kamay mo eh."-Nash


Pinigilan naman ako nina Bro..


Umupo na lang ako sa kama ko..


:'(




----END OF CHAPTER----


Medyo, intense ang nangyari ngayon..


Abangan na lang sa mga susunod na chapter ang mangyayari kay shar at jai..

"MY BROTHER IS MY LOVER" COMPLETED (JaiLene)Where stories live. Discover now