Chapter 63

12.3K 377 34
                                    

a/n: please read my note sa dulo :)

----

"YOU call me all the way from office para papuntahin dito sa condo niyo because you're hungry?" Kunot noong reklamo ni Mara habang nakaupo siya sa single couch at ako naman sa carpeted floor.

"At ginising ako ng pagka-aga aga para panuorin ka kumain?" Pupungas pungas pa si Justin sa screen ng laptop ko na nakapatong sa center table.

"Gutom nga ako talaga." Sagot ko habang ngumunguya. "Russell! Ang tagal mo naman, yung pagkain ko!"

"Ayan na!" Lumabas mula sa kitchen ng condo si Russell na may dalang plate. "Another batch of fishball and kikiam!" Ibinaba niya ang pagkain sa center table sa harap ko.

"Hmm! Bango!" Tumusok ako ng kikiam sa fork at diretsong subo.

"Mainit pa yan—" warning ni Russell but already too late.

"Hot! Hot!" Pinaypayan ko ang bibig while blowing air para mabawasan ang init ng kinakain.

"Kasasabi lang kasi." Natatawang sabi ni Russell.

Inabutan naman ako ni Mara ng orange juice para makainom.

"Bakit mo kasi iseserve ng mainit?" I said glaring at him nang mailulon na ang nasa bibig.

"Paanong hindi eh kulang na lang umusok ang ilong mo sa kamamadali mo sa akin sa pagluluto."

Inirapan ko lang siya bago tumusok ulit ng fishball but this time I'm careful enough para hipan muna bago kainin. "Yung sauce?"

"Eto na po ma'am." He put the bowl in front of me.

"Thank you!" I beam at him. Yung sauce na gawa talaga ni Russell ang dahilan kaya ko gusto ng fishball and kikiam.

"You're weird." Kunot noong naupo sa Russell sa armchair ng couch na inuupuan ni Mara.

"I told you I'm hungry." Dire-diretso lang ako kumain not bothering na alukin sila. They can cook their own food if they want but not what I'm eating.

"It's good you're eating now. Ang sabi ni Grace lately daw hindi ka nagkakakain." Sabi ni Mara.

Natigilan ako saglit and blink thrice. "Wala kasi akong gana but now I need to eat."

"Hindi ka kumakain Kathy? Pero ang taba mo." Nanlalaki ang mga mata na sabi ni Russell.

I glared at him. "Manahimik ka Russell, nasa bahay kita baka gusto mong itapon kita sa bintana."

"Bakit mo kasi ako pinapunta dito?" Tanong niya.

"Para magluto."

"Wow ah, personal chef mo ako?"

Nagkibit balikat lang ako.

"Wala ka pa bang balak makipagbati kay Daniel?" Tanong ni Russell.

Natigil ako sa pagnguya dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ni Dan bago nagkibit balikat ulit.

"Hindi mo ba siya namimiss?" Tanong naman ni Justin mula sa screen.

Namimiss, sobra. I told myself but instead nagkibit balikat lang ulit ako without stopping eating.

"Of course namimiss niya kaya hindi makasagot." Justin said, smirking at me.

"I need to pee." Sabi ko na lang at tumayo para magpunta sa bathroom ng kwarto.

"Na naman? Ten times ka na yata nagbanyo since I got here." Sabi ni Mara.

"I drink a lot of water."

When You Were MineWhere stories live. Discover now