Chapter 37

15.5K 355 41
                                    

a/n: i needed a break from my thesis defense kahapon and exams on thursday-sunday, ayoko pa ma-stress and writing has always been my stress reliever sooo ayan, may update ako. Ayoko na muna magbasa ng notes ko nakakaantok  :D

-----

"YOU'RE leaving again?" Hindi ko maiwasan na lagyan ng panunumbat ang tono ko pero nangingibabaw pa rin ang takot na aalis siya at baka hindi na bumalik.

He inhaled and give me a small smile. "Sandali lang ako, may a-attendan lang ako na seminar sa Singapore."

Unti-unti ay naibuga ko ang hangin na hindi ko namalayan na pinipigil ko pala at nakahinga ng maluwag.

"Babalik ka naman di ba? Sandaling sandali ka lang dun di ba?" Panic was evident in my voice.

"Of course, I promise this time babalik agad ako at hindi ako magtatagal." Still cupping my face he dried my tears. "And I'm giving you time, I'll give you space habang wala ako para makapag-isip ka nang hindi nasha-shadow dahil lang nandito ako."

Napakagat labi ako at tumango sa kanya.

"So will you come with me even just for now?"

"Where?" Paos kong tanong.

"Back, to us."

Lumunok ako, looking straight to his eyes and nodded.

"Thank you." He kissed my forehead bago umayosng upo at nagpatuloy sa pagdrive palayo sa magulong kami at pabalik sa dating kami kung saan walang sakit.

SA TAGAL ng byahe ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at naalimpungatan na lamang sa mabibini at magaang halik na napapaligo sa buong mukha ko.

A soft warm lips touch mine, it was just a simple brush of our lips but enough to awaken my thought. "Wake up love." He whispered.

Slowly I open my eyes and got caught in his soft dark eyes. "Dan... Where are we?" I moaned and stretched my arms. He was sitting beside me sa passenger seat sa nakabukas na pinto ng kotse niya.

"Back." Simpleng sagot niya.

"Hmwhat?" Ikinurap kurap ko ang mga mata para alisin ang antok.

Unti-unti ay inilibot ko ang paningin sa madilim na paligid na tanging ilaw at buwan lang ang lumiliwanag. I gasped upon realizing where we are. "Oh my gosh."

Napalingon ako kay Dan with a soft smile on his lips. "Welcome back, love."

Lumabas na siya ng kotse at inalalayan ako na makababa. Isinuot rin niya sa akin ang hinubad niyang suit jacket paibabaw sa backless long dress na suot ko.

"We're... Back..." Inilibot ko ang paningin sa pamilyar at espesyal na lugar para sa amin, the lake water was glittering, reflecting the moon and the stars, the same old dock was still there but now maintained and a small yacht was anchored by the dock but what really caught my attention was the large rest house build on where the tent was supposed to be.

The rest house was mostly made of wood and glass, a staircase leading to the porch kung saan may naka-set na couch in front of a built in bonfire paharap sa lake and the swimming pool creating an illusion of infinity pool.

"Let's go." Lumapat ang mainit na palad ni Dan sa likod ko para igiya paakyat ng hagdan.

Still in awe ay sumunod lang ako sa kanya. Pagpasok namin sa loob ay namangha rin ako, minimal lang ang interior niyo, simple but classy.

"How—what—" hindi ko matuloy ang mga tanong sa isip ko.

"You want to change first? I'll tell you everything then."

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon