Chapter 41

20.9K 409 67
                                    

"TUMAKBO siya at yumakap sabay sabi ng 'Welcome back, love' tapos..." ngumuso si Justin habang nakayakap sa leeg ni Mara at nagre-reenact sa nangyari sa site.

Napapailing na binato ko sila ng takip ng ballpen. "Tigilan niyo nga ako, kung wala kayo magawa huwag kayo dito sa opisina ko. Nagtatrabaho ako."

Tawa naman ng tawa ang dalawa na umayos sa pagkakaupo sa couch. I was busy reading some reports nang pumasok silang dalawa ng walang pasabi sa office ko para lang mangulit at manginis pala sa akin.

"And mind you, sa harap ng madaming tao. Habang may mga gumagawa sa site, nagchukchakan sila dun." Sabi pa ni Justin wiggling his eyebrows.

"Oh my god! Stop it!" Namula ang mukha ko nang maalala ang ganap.

"Aww! Sana pala sumama na lang ako noon at iniwan ko yung trabaho ko dito. Sayang hindi ko tuloy nakita." Sabi ni Mara na parang nanghihinayang.

"Ngayon ka pa talaga nahiya? Eh ikaw nga unang nag-initiate." Pinanlakihan ako ng mga mata ni Justin. "Anyway, saan kayo nagpunta nun ah? Bigla ka na lang niya hinila paalis, walang sali-salita."

"Oh my gosh! Saan kayo nagpunta? Ano ginawa niyo?!" Mara jump on her seat, eager for the details.

"Nadiligan ka na Kuting?!" Nanlalaki ang mga mata ni Justin.

Mas lalong namula ang buong mukha ko, abot na yata hanggang bumbunan dahil sa pinagsasabi ng dalawang kaibigan.

"What? No! Stop it na nga!" Naitakip ko ang binabasang report sa mukha sa kahihiyan.

"Wala?" Paniniguro ni Justin.

"Wala nga, we just talk." We do make out yes but nothing more than just kissing and well...a little touching but not that they needed to know that anyway.

"Pwede pala yun? A self control like that, I mean men are horny right?" Sabi ni Mara na parang ang dami ng experience sa lalaki eh wala ngang boyfriend.

"I don't buy it." Justin says na nagpatigil sa akin.

"What do you mean?" Kunot noong tanong ko.

"Like what Doll said, he's a guy. And guys are natural horny, hindi sila mabubuhay ng walang sex and imagine for five years na wala kayo, do you believe na walang sumunod sa'yo?"

Napaisip ako sa sinabi niya, and just thinking about it ay para nang sinusundot ng karayom ang puso ko. "I—ah—"

"Why would you think that? Besides Daniel is not like other guy okay?" Sabi ni Mara ng makita ang reaction ko.

"I'm just saying, I may be gay pero lalaki pa rin ako at alam ko ang urges namin."

"Well nasasaktan mo si Kathy!"

Napatingin silang dalawa sa akin, nagbaba agad ako ng tingin. I feel lost, what should I feel? Para akong pinompyang sa magkabilang tenga and I can't think straight.

"Kuting, I'm sorry. I just want you to keep an open mind kaya ko nasabi." Bawi kaagad ni Justin. "Besides ang importante naman yung ngayon di ba? And we don't really know, baka nga tama si Doll na iba nga si Daniel mo."

"Or you can just ask him." Napatingin kami kay Mara. "If it'll give you a peace of mind. Tanungin mo siya kung meron ba siya naging karelasyon after you."

"Or better yet, not. Tara na nga Mara napakadaldal mo talaga kung ano-ano pa suggestion mo." Hinila na siya patayo ni Justin at tinulak papunta ng pinto.

"Bakit ako? Eh ikaw nga nag-open ng topic."

"Oo na, halika na. Bye Kuting! Don't think too much about it."

When You Were MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon