Tumango s'ya at hindi na sinunod ang sinabi ko. Tahimik kami hanggang sa gate ng subdivision namin.

Kumaway ako sa guard na nagbabantay at tinaas ang gate barrier, alam na ni Johansson kung saan ang bahay namin kaya hinayaan ko na s'ya.

"Thank you sa paghatid." sabi ko at lumabas na agad sa kanyang MUX.

Nag-doorbell ako atska ko palang hinarap si Johansson na nakababa na ngayon ang bintana ng kanyang sasakyan.

"Thank you for forcing me to join the event, I enjoyed it until..." tumigil s'ya at umiling na lang

"You worked for it so dapat mo talagang mag-enjoy doon." sabi ko, biglang bumukas ang gate at nagpakita si Manang Lucy.

"Ingat ka." sabi ko

"Thank you." sabi nya at once in a lifetime ay ngumiti sya.

Umalis na sya at ako naman ay natulala sa ngiti nya. That genuine smile that suddenly changed my thought of him, it makes me want to make him happy so that I can see it more often.

How can an anti-social, cold and expressionless person deserves that precious smile? It was like you've been received a compliment whenever he smile.

"Tiara?" napatalon ako ng tinawag ako ni Dad

"Dad!" sabi ko at tumakbo papasok para salubungin sya ng yakap. They were out of the country for two weeks at hindi ko man alam na ngayon ang uwi nila edi sana mas maaga akong umuwi

"I miss you, baby. How's the event?" tanong nya habang papasok kami ng bahay

"Everything went smooth, Dad." sabi ko at nilingon ang sala kung nasaan ang nakatatanda kong kapatid na si Xena.

She's a second year college student and has a condo unit na malapit sa university na pinapasukan n'ya. She's an alumna of SCSU pero lumipat ng college dahil most of her friends are in Ateneo kaya doon nya piniling mag-aral.

She usually stay in her condominium pero dahil narito ang parents namin ay umuwi sya. I'm glad that she's here, lagi kasi akong mag-isa dito kapag wala sina Mommy at Daddy.

Nginitian ko sya at alam kong nakita nya iyon pero hindi nya iyong pinansin, binalik lang nya ang tingin nya sa kanyang laptop.

We used to be best buds years ago pero simula noong nag-grade 7 ako at grade 9 naman s'ya ay hindi na kami gaano nag-uusap. Naiinis s'ya kapag napupunta sa akin ang mga damit na kahit kailan ay hindi n'ya nasusuot.

"Baka insecure lang 'yang si Ate Xena kasi ikaw nasa Top Students habang s'ya wala." sabi noon ni Maxxine noong tinignan ako ng masama ni Ate Xena pagkatapos ng announcement ng mga Top 10 bawat level

"I don't know, Max. She's just like that..." sabi ko at ininom ang aking shake

I remember na lagi kaming terno ng damit noong mga bata pa kami, we looked like twins because of our clothes pero natigil lang iyon nang nag-highschool s'ya.

"Tiara?" biglang lumabas si Mommy sa kusina at sinalubong ako ng yakap

"You're late huh?" sabi n'ya at hinarap ako

"Sorry, Mom. May event po kasi."

"I know, kinabahan lang ako nang nitext mo si Manong Carding na hindi ka magpapasundo." sabi n'ya at pumasok ulit sa kusina kaya sinundan ko s'ya.

"Johansson insisted to drive me home." sabi ko habang tinitignan kung ano ang bini-bake n'ya. Lasagna, hmm...

"Johansson?"

"Zeeyan Johansson, My." sabi ko at natigilan, I'm not really used to calling him using his first name. Parang ibang tao iyong tinutukoy ko kapag Zeeyan ang sinasabi ko

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now