Twenty: The Start

148 4 0
                                        

Arden's Pov

The Heck! I think that camping is one of the most worthless events in our school! Like duh halos magstay kami dun sa tapat nung abandoned house na yun! Psh

2 weeks after. Our sched are back to normal, again puro discussions at naghahabol ang mga teachers malapit na ang Christmas break. Hmmm

"Shey, ba't parang balisa ka jan?"

"Ha? wala may iniisip lang ako. Super weird kasi eh as in super weird" ako ba yung kausap niya o yung sarili niya? Parang natatawa pa siyang ewan eh

"Anong weird ba kasi? tell me anong gumugulo sa isip mo malay mo matuwid ko!"

Nandito kami ni Shey sa garden ng school nag re-recess. Ayaw bumaba nung dalawang babae gagawa daw sila ng homework. Tsk kung anu-ano kasi pinag-gagawa kaya napaghuhulihan sila. Hindi sila tumulad samin ni Shey laging may homework.

"Tss. Hindi ka naman ba mawiwindang kung ako at si Khaizer nagkikiss, naghaharutan parang mag girlfriend boyfriend sa panaginip ko! grabe parang totoong nangyari nakakadiri isipin. parang gusto ko masuka now na!"

"Talaga? Hahahahaha nakakawindang nga!" Sabi ko na parang nababalisa parang sakin napunta yung pagkabalisa niya. Ano ba yan Cold sweat bat naman kasi hindi nalang kami sa taas nag recess

"At eto pa nakita ko din kayong tatlo at si Kuya Axel sa panaginip ko. Birthday ko yata nun o Valentines kasama niyo si Khaizer at may dala kayong flowers at kung anu ano pa! Psh iba na to!!" Sabay gulo niya sa buhok niya

"Alam mo Shey napaparanoid ka lang! Siguro sobra mo ng naiisip si Khaizer kaya pati sa panaginip mo naiisip mo siya! Tama na nga yang false dreams mo! Panaginip lang yan it means hindi totoo, tara na nga sa taas! Jusko ako nawiwindang sa mga pinagsasasabi mo!"

"Excuse me? Si Khaizer Tan pag-aaksayahan ko ng oras para isipin. Naku mas gusto ko pa gawing boyfriend yung aso dun sa kanto natin eh!"

"Sus! Salita lang yan Shey! Action speaks louder than words! Baka mamaya kainin mo lang yang mga sinasabi mo!"

"Never, Arden never akong maiinlove kay Khaizer Tan halos lahat ng ayaw ko sa lalaki nasambot niya na, oo masaya naman sila kasama ng barkada niya pero ewan minsan nakakailang rin si Khaizer i don't know why pero hindi dahil sa may hidden desire ako sakanya tsaka papatunayan ko na hindi totoo yang the more you hate the more you love na yan! Tss puro mga salita kulang naman sa gawa at teka lang ulit ha hindi sa lahat ng time action speaks louder than words minsan kabaligtaran ang nangyayari! Marami ng mapagpanggap ngayon hindi natin alam pati pala yung pinagkakatiwalaan natin sila pa yung nanloloko satin. Psh! Tara na nga sa taas time na eh" At nauna na siya papunta sa taas

Bakit ako kinokonsensiya ng ganito! I never felt this feeling in the entire existence of my life

Hindi naman kasi namin ginusto to e, napilitan lang kami kasi we think it's for her sake, it's for her own good. Alam naman namin na malalaman niya din lahat ng mga ginawa namin pero sana wag muna ngayon.

"Sus! Ang drama ko naman!" Napailing ako sa naisip ko makatayo na nga nirerecite ko na pala sa isip ko yung drama na napanood ko kagabi. tsk sobrang affected ako ah

"Hi,Shey, Arden. Musta nabusog ba kayo? Hindi niyo man lang kami dinalhan ng foods how dare you!" Pag-iinarte ni Claire. Eeew pag naiisip ko ulit yung position nila sa balon...no no nakakadistract talaga!

"Hoy, dalawang babae kinakausap ko kayo!" sabi ni claire

"Hindi niyo kami maids no, kaya wag kayo mag assume na may magdadala ng foods dito pwera na lang kung may mahulog sa langit na pagkain para sayo! Payat!"

Relationship Between Your EnemyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora