FLASHBACK
Third Person's:
"Shey...hindi ko ito gusto pero...kailangan na kasi umalis ng family namin papuntang Australia nandoon kasi si Papa gusto niya na kaming mag migrate doon...for good... at ayoko sanang makipag break sayo kaya humihingi ako ng favor kung okay lang sayo ang long distance relationship" sabi ni Khaizer na ikinabigla ni Shey, hindi malaman kung ano ang isasagot niya o kung makakasagot pa siya sa favor ni Khaizer
Halos hindi siya makahingang sumagot habang namumuo ang mga luha niya
"K-kelan kayo aalis? Bakit Khaizer a-yokong magkahiwalay tayo,mahirap ang long distance na hinihingi mo,mahirap maiwan,mahirap ng hindi tayo magkasama,mahirap para sa akin ngayon mawala ka,wala ng mangungulit sa akin,Khaizer naman wag naman please!" natatawang niyakap ni Khaizer si Shey
Pagkatapos hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at tinignan ng diretso sa mata
"Hindi naman ako mamatay Shey eh,aalis lang kami ng bansa pero nasa iisang mundo parin tayo,at gagawa ako ng paraan para makabalik agad,sa ngayon susunod muna ako sa gusto nila Papa kasi yun ang kailangan, siguro i-enjoy muna natin ang sarili natin tapos babalik ako dito ng tayo pa rin Shey" at hinalikan niya ito sa pisngi
"Khaizer naman! Panong i-enjoy ang sarili ko kung wala ka naman? mas masaya ako kapag nandiyan ka lang,malapit sa akin na kahit anong oras pwede kitang puntahan pero aalis ka papunta sa mas malayong lugar.Australia yun Khaizer ang layo nun sa Pilipinas,iniisip ko palang parang hindi ko na kaya" humahagulgol na sabi ni Shey,pero pinunasan agad ni Khaizer iyon
"Malayo man ako sayo,pero itong tatandaan mo magkalapit naman ang mga puso natin Ts! Kahit ako Shey ngayon palang hindi ko na kaya,pero siguro test ito kung matibay talaga ang relationship natin kung may trust talaga tayo sa isa't isa" tumango tango lang si Shey na hagulgol na ngayon at tumutulo na medyo ang uhog "Ngayon na kami aalis Shey,I'm sorry kung hindi ko nasabi sayo agad ngayon lang din sa akin ipinaalam nila Mama Im really sorry...I love you. Babalik ako agad para sayo,I Promise,hintayin mo ko babalik ako agad,I love you"
"Promise?" tanong ni Shey
"Promise." ngumiti ito at hinalikan ni Khaizer sa noo si Shey at naghiwalay na sila ng landas
Madaling tumakbo si Khaizer sa pupuntahan niya at si Shey ay napaupo sa kinatatayuan niya na parang mawawala sa katinuan ano mang oras,walang siyang karamay sa pagkakataong ito ng dumating ang tatlong kababata at super friends niya
"S-shey anong nangyari? Bat ka umiiyak?" madaling tumakbo si Arden papunta sa kaibigan niyang si Shey,at yinakap naman agad ito na Shey ng mahigpit
"Shey,umayos ka nga! wag ka diyang umiyak! Girls tingnan niyo nga siya ano bang iniiyak iyak mo diyan?" sigaw ni Arden sa kaibigan at tinanggal ang pagkakayakap ni Shey
Natigilan lalo si Shey at naguluhan
"Pati ba naman kayo!Umiiyak ako kasi iniwan ako ni Khaizer umalis na siya! Tapos sisigawan mo ako kung bakit ako nagkakaganito eh kung ikaw kaya nasa kalagayan ko matutuwa ka ba?Palibhasa wala kang boyfriend!" sigaw niya kay Arden
"O! Yan bulaklak! May nagpapabigay na naman sayo,at wag mo nga saking sinusumbat na wala pa kong bf mas mabuti na yun kesa naman maging ganyan mo kapanget kapag iniwan ka buti nga ikaw kahit may bf ka na marami pa ring nagaadmire sayo o yan! mamili ka sa mga admirer mo ng ipapalit mo kay Khaizer ng tumigil ka na sa kakangawa jan!"binigay ni Arden ng sapilitan sa kamay ni Shey ang pulang bulaklak
"Sino ka para sabihin yan hindi ko ipagpapalit si Khai-"
"O yan isa pang bulaklak ang kapal ng manliligaw mo para ipabigay sa amin yan para sayo! Pwede ba sabihin mo sakanila nakakairita na sila" binigay di ng sapilitan ni Claire yung red na bulaklak kay Shey
YOU ARE READING
Relationship Between Your Enemy
Teen FictionA lovers turned to enemies to lovers again? Can be the end,starts again? (This story is our first story so apologies with our wrong grammars that you'll notice while reading this.Soon that we finished this we will immediately edit this story)
