Story Two: Take My Heart

112 6 4
                                    

I was assigned na gawin ang story ni Jasmine, 15 at bahala na ang name nung partner. xD This is your story, sana magustuhan mo. <3

©sourandcreamy 2013

-----------------------------------------------------------------------------------

Maaga akong pumasok sa school di dahil exams, di dahil may warning na ako sa tardiness ko, kundi dahil may gagawin ako ngayong araw na ‘to. Pagdating ko sa school bumungad kaagad sakin ang hugis puso na mga decorations, halos buong paligid ng school ay may nakikita akong kulay pula - pulang rosas, pulang sticky note, pulang balloon, pulang ribbons, pulang shirt, pulang palda, pulang lipstick, pulang sapatos, pulang headband.. Ha? Teka, sa iisang tao ko to nakikita lahat at papalapit siya sakin.

“OH MY JASMINE! SAYANG! DI MO INABUTAN ANG PAGBIGAY NI ROB SAKIN NG MGA BULAKLAK NA TO KANINA!”

sigaw ni Zia, bestfriend ko, sabay pakita ng mga mapupulang rosas na bigay daw ni Rob, boyfriend niya.

“uy, Zia! Huminahon ka nga! Parang bulaklak lang eh naghuhuramentado ka na.” sabi ko at inirapan siya pero di niya batid ang ginawa ko.

I continued walking towards our classroom at sumabay siya, walang tigil pa rin sa kakadaldal tungkol sa napakaromantic na gesture ni Rob.

Oh? Gets nyo na? Bitter ako, slight. Tuwing Valentine’s day lang naman kasi may naalala ako sa araw na ‘to na nakakabuwiset, na nakakafrustrate. PSH! Iniisip ko pa lang nag-iinit na agad ulo ko pano pa kaya pag ikinwento ko na?

“Hay naku Jasmine, ang bitter mo talaga! Don’t tell me di ka pa nakapag move on sa nangyari sa inyo ni Josh last year?” natatawa niyang sabi.

Tinignan ko lang siya ng masama at di na umimik. “Sorry! Pinapatawa lang naman kita, girl.” Aniya at nagpout. Saan banda ang nakakatawa sa sinabi niya? Ugh! Di ko alam pano ko naging bestfriend ang babaeng to.

“Ewan ko sa’yo.” Sabi ko at tumayo. “sige punta lang ako kina Ed.” Paalam ko. Mabilis akong naglakad patungo sa grupo nina Ed na nakapalibot sa teachers’ desk, nagja-jamming. “Andito na pala si Jasmine guys, tara practice na tayo.”

Aniya at umupo ng maayos hawak ang gitara. Nagsimula kami sa pagpractice, tuwing Valentines kasi ay may tradition ang student council na mang-harana, fund-raising din to para makalikom kami ng pondo for our future projects. A week before Valentines ay dagsaan ang mga kalalakihan at ibang babae sa pagpapalista. Kasama kasi sa harana ang pagbigay namin ng bulaklak at card na may nakasulat mula sa nagpaharana. Bentang-benta ito kasi P50 lang ang babayaran, kami na ang bahala!

Matapos ang practice ay nagsimula kaming magdoor-to-door sa mga classrooms, hinahanap yung babae o lalaking haharanahan. Tinignan ko ang listahan. LESHE! Paulit-ulit yung mga kantang nirequest pero umaabot ng 45 katao ang haharanahan ngayong araw. Di kaya mamaos ako nito? Huuuuuuu.

“Oh, jasmine? Kaya pa ba? Last one na lang to.” Sabi ni Ed sabay ngiti.

“Last one na lang nga eh, kakayanin! Ano yung kakantahin?” tanong ko, wala kasi sa listahan eh.

“ahh.. Iris by Goo goo dolls” aniya at nag-iwas tingin.

Ha? bukod kasi sa lalaki ang kumanta nito ay ganito rin ang kinanta sakin ni.. Josh last year.

Pumasok kami sa classroom namin, walang tao. Buong akala ko lalabas ulit kami pero nagsimulang tumugtog si Ed ng gitara niya kaya sumunod na lang rin ako.

And I’d give up forever to touch you

‘cause I know that you feel me somehow

You’re the closest to heaven that I’ll rather be

And I don’t want to go home right now

First stanza pa lang di ko na maiwasang maiyak, kaya pumikit na lang ako para makapag-pigil pero nagkamali ako. Naalala ko yung nangyari noon, he was singing this song while I was sitting right in the middle of the room. Konti lang yung tao, halos kaklase ko lang lahat. Joshua’s a year older than me, pogi, matipuno, mabait, matalino lahat-lahat na, almost perfect kaya lang may flaw pa rin.

And all I can taste is this moment

And all I can breathe is your life

But sooner or later it’s over

I just don’t want to miss you tonight

Kinanta niya ito sa harap ko na may bitbit rosas. Kilig na kilig ako noon, yung tipong maiihi na ako at maiiyak sa sobrang tuwa. Nililigawan kasi niya ako, iilan lang ang nakakaalam kaya sobra-sobra na lang ang tibok ng puso ko nung hinaranahan niya ako. Totohanan na nga ito.

Lumuhod siya sabay sabi “Can I have your heart, Jasmine?”

And I don’t want the world to see me

‘cause I don’t think that they’d understand

When everything’s made to be broken

I just want you to know who I am

Pero matapos niyang sambitin yun ay may sumigaw na babae, galit na galit siya at nagawa niya pang sampalin si Josh sa harap ko. “How could you do this to me!” sigaw nung babae na di ko kilala pero alam kong nasa higher level “Sabi mo ako lang mahal mo di ba?” at umiyak. Di ko kinaya ang mga nangyari kaya umalis ako, nagulat ako pero mas nasaktan ako. Masakit sakin yung mga narinig ko. Na two-time na pala ako, ang tanga ko. Second stanza na kami ng kanta nang may narinig akong pamilyar na boses na sumabay, napadilat ako ng aking mga mata at agad hinanap ang pinagmumulan ng boses. Di ko alam kung magugulat ako, magwa-walk out o ano sa nakita ko. Si Josh yung kumakanta at ngayo’y papalapit siya sakin, na may dalang puting bulaklak. Shems! Ganito rin dati ang set up, pinagkaiba lang konti lang yung tao tsaka kulay puti na yung bulaklak na bitbit niya. Natulala ako, di makapaniwala. Ang lakas ng pintig ng puso ko, parang mailuluwa ko na nga eh. “Di ko alam kung bakit ako nahumaling sa bulaklak na ‘to nung una ko itong nasilayan..” aniya at tumigil saglit para titigan ako sa mata 

“pero nung nalaman ko na Jasmine din ang tawag dito ay nalaman ko na agad ang sagot. Patawad, kung naghintay ako ng gan’to katagal Jasmine bago ulit sumubok. Nahiya kasi ako pero sana di ka naniwala sa kanya. Walang katotohanan lahat ng sinabi niya. Ikaw lang talaga gusto ko, ikaw lang talaga gusto kong mahalin. I won’t ask you to take my heart this time instead, I’ll ask you to take mine…” 

tumigil siya saglit para lumuhod sa harap ko. Leshe! Natameme pa rin ako at unti-unting pumatak ang mga luha ko. 

“Please take my heart, Jasmine.”

The Story MakerWhere stories live. Discover now