Part 13 - Love is in the air

6.5K 219 4
                                    

Ang taas ng sikat ng araw. Nakabukas pala yung bintana ng kwarto......

Naalala ko yung kagabi, nasa guest room nga pala ako. At may nangyari smen ni Claire. Pero nasaan nanaman yung babaeng yun? Natauhan nanaman?

Medyo nanlambot ako sa isiping yun, na baka pinag sisihan niya yung nangyari smen kagabi. But it's too late, may nangyari na, parang di ako papayag na dedmahin nalang ng ganun-ganun.

Naisipan ko ng lumabas ng guest room ng hindi pa naghihilamos, ang gulo-gulo pa ng buhok ko.

Namumungay ang mga mata kong lumabas papuntang kusina, syempre madadaan ang dining room.

Nanlaki ang mga mata ko. Shit! Sino sila!

"Good morning Astrid. Saan ka natulog?" Bati saken ng daddy ni Claire. Isang matandang babae at isang hindi katandaan pang babae ang nakatingin sken na parang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. Si Claire naman tahimik lang na kumakain at hindi manlang lumilingon saken.

Aba at itong bruhang ito! Matapos akong pagsawaan! Lagot ka talaga sken! Kakalbuhin kita!

"Mama, ate, siya yung ikukwento ko sa inyo, si Ms. Pedragoza."

Umalis din naman ang tingin saken nung matandang babae na kung hindi ako nagkakamali ay mama ni Mr. Guanzon.

"No wonder. How long will you do charity?"

"Ma, alam mo naman kung bakit ko siya tinutulungan, she saved Claire's life."

"Wala naman akong sinabi."

"Pero sa tono po kasi ng pagsasalita niyo, nakakahiya naman kay Astrid."

Umirap lang ang matanda. Habang yung isa ay walang pakielam sa nangyayari.

Nagulat naman ako ng bigla akong higitin ni Claire. "I'm done eating."

"Claire you're not y-" hindi na natuloy ang sasabihin ng daddy niya dahil nakaalis na kami paakyat ng kwarto ni Claire.

Pumasok kami sa kwarto niya, bigla niyang binuksan yung cabinet niya at kumuha ng damit. Inilapag niya ito sa kama at saka nag hubad. Bigla akong napalunok at nanlamig kaya tumalikod ako.

"Parang di mo naman nakita to lahat kagabi." At tumawa ito ng nakakaloko.

"Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko sa kanya.

"Saving you."

"From where?" Takang tanong ko.

"From them. Can't you see? They don't like you."

Bigla naman akong nalungkot, ewan ko kung bakit, dapat wala naman akong care kung di nila ako gusto, pero a part of me wants to be accepted by them. Pero sino ba naman ako?

"Doesn't matter. I don't need to make them like me."

"I don't care either." She smiled and went to the bathroom.

I was left. Umikot ang paningin ko sa kwarto niya. Ilang beses na kasi akong nakakapasok pero hindi ko pa natititigan ng ganun katagal ito.

Mahilig siya sa abstract paintings dahil sa mahigit limang wall paintings sa kwarto niya, may guitar and piano din siya sa loob, malaki naman yung kwarto niya kaya kahit tatlong malaking piano pa ilagay niya eh magkakasya. Naka display din ang mga picture frames na kung hindi ako nagkakamali ay mommy niya yung isa. Ang ganda din nito, kamukhang kamukha ni Claire.

Nasaan na kaya siya? Hindi ito nabanggit sa page na nabuksan ko eh, wala din namang nakukwento ang tao dito saken. Na-curious tuloy ako.

Habang nag iisip ako biglang lumabas mula sa banyo si Claire ng nakatapis ng tuwalya. Natulala naman ako ng makita ko ang almost kita ng katawan niya ng ganito kaliwanag. Ang flawless niya talaga, and so white.

"Hey honey, just tell me if you want to run your fingers on me."

"W-what?" Nag panic naman ako ng malaman kong napansin pala niya na nakatulala ako sa kanya.

Bigla siyang lumapit to stare at me closer, very close that we're only 1 inch apart from each other.

"I said, let me kiss you."

Hindi na niya ako pinasagot at hinalikan na ako nito agad sa lips.

Kahit nabigla, kahit nanlalamig, i kissed her back, because the sensation is so nice kahit na kinakabahan pa din ako hanggang ngayon. Iba kasi yung kaninang madaling araw, medyo wala ako sa sarili nun. Pero now....

Bago pa kami madala, unatras na ako.

Bigla itong takang tumingin sa akin. "Why? Don't you like it?"

"I do."

"Really?" Mukha naman itong natuwa sa nadinig niya.

Hindi na ako sumagot pero nakatingin lang ako sa kanya.

Ngumiti ito at tumitig saken, but then hinalikan niya ako sa noo. Then, umalis na siya sa harap ko at pumunta sa harap ng mirror para magbihis. Tumalikod naman ako. Yung puso ko, kanina pa tumitibok, para akong hahapuin sa bigat at bumilis na pump nito. Ang sarap sa pakiramdam, para akong mamamatay sa saya.

"I'm done, humarap ka na." Nakinig ko lng tawag nito sken.

Pag harap ko, napanganga ako sa suot nitong mini turqoise dress, walang prints pero sobrang ganda, at dalang dala niya ito.

"San ka pupunta?"

"Tingin mo may karapatan kang mag tanong?" Biglang sumeryoso ang tingin niya sken, kinabahan naman ako.

And tumawa nalang bigla. "I'm just joking. May pupuntahan tayo."

"Ahhhh... W-wait! Tayo?! Nakikita mo ba itsura ko?"

"Oh, wag ka ng maligo."

"Seryoso ka?!!"

"Hahahaha! Joke lang, dito ka na maligo sa c.r ko. Akong bahala sa damit mo."

"Kukuha nalang ako sa room ko." Palabas na ako.

"May binili ako para sayo."

Napatigil ako, tama ba ang narinig ko? Ibinili niya ako?

"Ako? Binili mo?"

"O-oo." Parang nahiya naman ito sa pag sagot sa akin, kasi bigla itong tumalikod at nangalikot ng kung ano.

"Para san?" Tanong ko dito.

"Pwede ba maligo ka na?" Nagulat naman ako dito kasi bigla nanamang sumungit.

"Chill. Ito na nga." Nagtaas pa ako ng dalawang kamay habang pumapasok sa loob ng c.r.

San kaya kami pupunta?

___________________________

Hey guys! Sorry sa walang kwentang update ko. Pero pipilitin kong masundan agad bukas. Thank you for reading! I love you all. Di ko na kinorek mga errors so thank you na agad sa patience. :)

I'm Inlove with a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon