Tuwing naiisip ko si Mistaken Guy naiinlove ako. Si Mistaken Guy yung love of my life ko yung nakita ko nung, July 14 , 2013 sa ganap na 8:14 ng umaga.

Hanggang nagyon di ko parin sya nakikita, pero ni minsan di nawala pagmamahal ko sa kanya.

Lumipas ang segundo, minuto, oras, araw, buwan at taon, pero wala pa din.

"Psyche, andami mo nanaman natulungan na lovers ah" sabi ni Chinnie isa sa friends ko.

"Di ka ba nagsasawa? I mean di pa ba naiinlove? Di mo ba gagawin yung ginagawa mo sa iba para sa sarili mo?

"Di ko alam Chinnie" sabi ko ng malungkot.

"Si Mistaken Guy na naman ba? Hay move on Psyche, move on!"

"Sya lang naman ang love of my life ko, ang dream guy ko for-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang dyang nagsalita.

"For 3 years?" Dugtong nya sa sinabi ko.

Tinaaas ko naman ang ulo ko habang sinasabing "oo! For 3 years sya lang!"

"Ewan ko sayo! Basta PSYCHE sabay tayo bukas pagpasok sa campus. MS. CUPID"

"Oo na Chinnie"

Kinabukasan nga pumasok kasabay si Chinnie. Malungkot ako kasi ngayong araw na ito July 14, 2016 kung saan 4 years ko na sya lang talaga.

"Psyche, nabalitaan mo ba?" Tanong sa akin ni Chinnie.

"Ang alin?" Balik tanong ko sa kanya.

"Si Mr. Sungit ng engineering eh babalik na dito! Alam mo kasi nung 2013 ata eh nag-enrol dito tapos umalis din agad!"

"Ano naman?"

"Wala lang gwapo kasi sya at famous"

Tumango nalang ako sa sinabi nya.

Umupo muna ako sa bench kasi 8:00 am palang naman. 8:30 pa kasi ang klase ko.
Habang si Chinnie naman kasama si Collen boyfriend nya. Ako nga rin yung nagmatch sa kanila eh.

Habang nagpapahinga or rather nagpapalipas ng oras, biglang may umupo sa tabi ko.

Nang tingnan ko sya biglang may spark, biglang may kung ano sa sikmura ko, biglang bumilis yung tibok ng puso ko, same thing nung nakita ko si Mistaken Guy.

"Mi-mistaken guy?" Biglang buka nalang ng bibig ko.

Tumingin naman sya akin na parang nagtatanong.

"Ha?"tanong nya.

"Ah-ah so-sorry" sabi ko na nagkandautal na sa pagsasalita.

Pagkatapos nag-iwas na sya ng tingin.
Tiningnan ko ang relo ko as araw na July 14, 2016. Sa ganap na 8:14 ng umaga nakita ko ulit sya after 4 years of waiting.

Natapos ang lahat ng klase ko at ito ako ngayo nakaupo sa bench kung saan nakita ko ulit sya.
Ang saya-saya ko talaga ngayon as in ang saya ko.

"Huy! Huy PSYCHE!" Tawag sa akin ni Chinnie.

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?"

"Nakita ko na ulit sya" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Nakatingin lang sko sa gate, nagbabakasakali na makita ko ulit sya.

"Sino? Si Mistaken Guy ba?"

Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya.

"Talaga ano pang hinihintay mo panain mo narin sya para magkagusto din sya sayo"

"Sana ganung kadali yun, alam mo naman na wala akong powers di ba?"

"Ito naman di mabiro"

Kinagabihan sya padin ang nasa isip ko. At pinangako ko na sasabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi dapat ako maiyak kasi si Ms. CUPID ako di ba, minamahal ng lahat.

The Campus Ms. Cupid (One Shot Story)Место, где живут истории. Откройте их для себя