Nang makarating siya sa bar ay umorder siya ng dalawang cocktail drinks para sa kanila ni Carmela. Hindi sinasadyang narinig niya ang usapan ng dalawang babaeng nasa bar. Hindi siya nakikita ng mga ito dahil nakatalikod ang mga ito sa kanya.

“Carmela looks stunning tonight.” sabi ng isang babae.

“Have you seen Third? He's so gorgeous!” napapailing na lang si Third at simpleng tumalikod rin sa mga ito. Mahirap na baka mapansin pa na naroon siya. Hindi lang naman iilang babae ang naghahabol sa kanya. Kahit sa Chicago, pero ni isa sa mga ito ay wala siyang pinansin,. He has eyes only for Carmela.

“The question is, have you seen the way they looked at each other?” sabi ng isa pang babae. “who are they fooling, acting like a siblings when in fact they probably been doing more than siblings should.” bigla ang bangon ng inis sa dibdib ni Third. “Sabagay, sino ba naman ang hindi kakapit kay Third? Sobrang yaman nito at ng daddy nito. No wonder katulad ng nanay niya na alam naman ng lahat na inakit lang ang daddy ni Third. Siguradong inaakit din niya si Third.” biglang tinungga ni Third ang isa sa mga shots ng tequila na nasa bar counter kahit hindi niya alam kung kanino order iyon at biglang ibinagsak ang baso.

Bigla ang paglingon ng mga ito sa kanya. Ganun din ang bartender na nasa counter at ang ilan pang mga tao na naroon. Tinignan niya ang mga babae sinisiraan si Carmela at ang Tita Leonora niya. Mukhang gulat na gulat naman ang mga ito at mabilis na lumayo sa kanya.

Alam niyang hindi ganoon si Carmela. Kilala niya ito at hindi nito iyon magagawa ang mga sinasabi ng mga babaeng iyon. Ganoon din ang Tita Leonora niya, alam niyang ayaw nito noon sa Daddy niya. Naging persistent lang talaga ang Daddy niya sa panunuyo kaya napaibig din nito si Tita Leonora. Kahit na medyo naiinis pa ay bumalik na siya sa lugar kung saan niya iniwan si Carmela. Kausap pa rin nito si Karla. Nang nasa ilang hakbang na lang ang layo niya sa mga ito ay napatigil siya ng marinig niya ang sinabi ni Karla kay Carmela.

“So, how's the plan working?”

“What plan?” balik tanong ni Carmela rito.

“Plan about catching Thirds heart? Remember?”

“Oh that plan!” bigla ang ahon ng kaba sa dibdib ni Third, What the -? He thought.

“Yes. The plan of making him fall in love with you? Why don't you just seduce him? Attack him with desire.”

He can't take it anymore. Mabilis ang mga hakbang na umalis na siya sa lugar na iyon. Umakyat siya sa suite niya at doon ay inubos niya ang laman ng maliit na bar counter sa loob ng kanyang suite. Masakit para sa kanya na malaman na niloloko lang pala siya ni Carmela. All along ay plinano nito lahat ng pagkakalapit nila.

Ayaw niyang maniwala ng marinig niya iyon sa mga babaeng nag-uusap sa party. Pero ang marinig ang lahat ng iyon kay Karla at lahat ng sinabi nito ay hindi man lang dineny kahit isa ni Carmela ang mga sinabi ng kaibigan. Ay para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong sakit. At dahil lahat ng iyon ay dahil sa babaeng nagkamali siyang ibigin.

Kahit naubos niya na ang lahat ng alak sa mini bar ay hindi pa rin siya tuluyang lasing. Bukod sa mataas ang alchohol tolerance niya kaunti lang naman ang mga alak na nakalagay roon. Naisip niyang magshower muna at balak niyang bumaba sa bar na nasa paligid ng hotel.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatapat lang sa dutsa ng shower dahil nang isara niya iyon ay narinig niya ang boses ni Carmela na tinatawag ang kanyang pangalan. Kinuha niya ang towel na maayos na nakatupi sa counter ng CR at itinapis sa ibabang bahagi ng katawan.

Love Misunderstood (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ