Chapter 28

46K 744 25
                                    

Chapter 28

Sorry

Naiinis ako... at 'yong inis na nararamdaman ko ay hindi mawala-wala. Hanggang ngayon paulit-ulit na nag-eecho sa tainga ko 'yong sinabi ni Mrs. Mellissa. Naiinis ako dahil ang lakas ng loob niyang pumunta rito para lang sabihin ang mga bagay na 'yon. Naiinis ako dahil wala akong nagawa para kay Mama. Kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko, malamang sa malamang nakalimutan ko ng mas nakatatanda siya sa akin. Wala kasi siya sa lugar at wala siyang karapatan para pagbawalan ako sa gusto ko.

Ngayon naiintindihan ko na, ngayong alam ko na ang lahat ay nauunawaan ko na. Base na rin sa naging kuwento sa akin ni Mama, si Mrs. Mellissa ang unang nagkagusto kay Mr. Oliver ngunit si Mama ang gusto nito. Nasira ang pagkakaibigan nila dahil do'n. Hindi ko naman masisisi si Mama na tinanggap niya ang pagmamahal ni Mr. Oliver, lalo pa't kita ko rin kung gaano niya ito minahal. Ang hindi ko lubos maunawaan ay kung bakit hinayaan ni Mrs. Mellissa na may mamagitan sa kanila ni Mr. Oliver gayong alam niyang kasal na ito?! Hindi sapat na gusto o mahal niya si Mr. Oliver para gawin 'yon! Hindi sapat na dahilan 'yon para gantihan mo 'yong kaibigan mong ginusto ng taong mahal mo! Kung ganti nga ba 'yon dahil iyon ang nakikita ko.

Ngunit may panibagong tanong na umusbong sa isipan ko. Bakit hiniwalayan ni Papa si Mama noong nalaman niyang nagbunga ang nangyari sa kanila ni Mrs. Mellissa? P'wede naman niyang panagutan ang dinadala nito habang nasa amin pa rin siya 'di ba? P'wede namang kami pa rin ang pamilya niya kahit may kapatid kami sa ibang ina 'di ba? Bakit hindi iyon ang ginawa niya? Bakit mas pinili niyang iwan kami? Bakit?!

Dati sabik ako sa katotohanan. Sabik na sabik akong malaman ang lahat dahil pakiramdam ko itinatago sa akin ang kalahating porsyento ng pagkatao ko na tungkol sa Papa ko, pero ngayon? Sana pala hindi ko na lamang nalaman ang lahat. Sana hindi na lang lumabas ang totoo, dahil sa totoo lang mas lalong naging mahirap ang sitwasyon. Mas lalong naging komplikado at nakakabaliw. Sana pala nabaon na lang ang lahat ng iyon sa limot at alaala ng kahapon. Tila hindi kasi magandang balikan, hindi masayang malaman.

"Ate, okay ka lang?" tanong sa akin ni Disney dahil tingin ko'y natulala na naman ako.

Agad akong tumango, "Oo, ayos lang ako."

Nandito kami ngayon sa sala at sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko. Si Mama ay binalewala ang lahat at umakto na tila walang nangyari. Si Kuya ay hindi ko alam kung saan nagpunta, malamang nandoon sa kuwarto niya. Habang si Neigel ay dumating saktong pag-alis ni Mrs. Mellissa. May dala pa siyang maraming pagkain at mukhang excited na magpunta rito tapos ganito ang madadatnan niya. Akala ko naman kasi walang eepal sa araw na 'to. Bakit ba kasi hindi maubos ubos ang epal sa mundo? May dadagdag pa ba? Kung mayro'n man ay dumating na, nang sa gayon ay matapos na ang problema ko.

"Ang lalim naman kasi yata ng iniisip mo..." Napasandal si Disney sa sofa at humalukipkip. "Iniisip mo pa rin ba 'yong nangyari kanina? 'Wag kang mag-alala at tingin ko'y hindi naman na mauulit 'yon."

"Ano ba 'yang iniisip mo? Share mo naman para alam din namin." Batid ko ang pagbibiro roon ni Neigel ngunit hindi ako natuwa.

May gumugulo kasi sa isipan ko na gusto kong gawin ngayong araw. Tutal ay ang dami ko na rin namang nalaman ngayon araw, bakit hindi ko pa lubusin 'di ba? Bakit hindi ko pa alamin ang lahat kung magagawa ko naman ngayon? Ayoko nang ipagpabukas dahil ayokong mabaliw kakaisip ng mga posibleng sagot.

"May tatawagan lang ako, excuse me..." paalam ko kay Disney at Neigel saka tumayo.

Nagtungo ako sa kuwarto namin ni Disney. Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang kaniyang numero. Hindi naman gano'n katagal ang hinintay ko at sinagot na niya ang tawag.

The Casanova's Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon