Chapter 11

48.4K 924 11
                                    

Chapter 11

I'll choose you

Alas diyes na ng gabi at nasa may seaside pa rin kami, mas dumami ang tao kumpara kanina. Karamihan ay mga magjowang nagde-date at naglalambingan. Medyo masakit sila sa mata kapag tinigna. Kaya nga inabala ko na lang ang aking sarili na pagmasdan ang payapang dagat kahit na dilim na lang ang natatanaw ko.

Kanina biglang may tumawag kay James na tingin ko ay mula sa kaniyang trabaho, akala ko nga pagtapos ng tawag na 'yon ay uuwi na kami ngunit hindi pa pala. Nagmamadali kasi siyang sagutin ang tawag at medyo lumayo. Hindi na rin ako nagtanong kung sino 'yon dahil hindi ko alam kung nasa lugar ba ako para magtanong.

"Dimple..." tawag niya sa akin kaya napalingon ako sa kaniya at hinintay ang sunod niyang sasabihin. "Will you tell me something about your family?"

Natigilan naman ako at nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung anong dapat ikwento sa kaniya tungkol sa pamilya ko pero kung ano man ang gusto niyang malaman ay iyon ang sasabihin ko. Alam kong medyo unfair ako sa part na wala siyang masyadong alam tungkol sa pamilya ko kaya ngayon bibigyan ko siya ng karapatang alamin ang gusto niyang malaman. In a first place, alam kong dapat alam niya rin ang kwento ko.

"Ano bang gusto mong malaman?" tanong ko.

Hindi ko alam kung may gusto ba talaga siyang malaman tungkol sa akin o naghahanap lang siya ng bagay na maaari naming mapag-usapan dahil kanina pa kami tahimik. Hindi kami nag-uusap ng tamang kwentuhan lang. Nag-uusap lang kami kapag may gustong itanong ang isa sa amin at kapag nasagot na ay mananahimik na ulit. Gano'n lang, kahit saang bagay naman yata.

Ramdam ko ang panandalian niyang pananahimik, tila nag-iisip ng marapat na itanong.

"What was your life before we met?" tanong niya.

Natawa ako nang mahina dahil sa itinanong niya. Sa lahat ng tanong na maaari niyang itanong ay iyon pa, kung saan alam niyang hindi gano'n kaganda ang pagkikita at pagkakakilala naming dalawa. Kung saan lubos ko siyang kinamuhian ng araw na 'yon. Kung saan ilang beses ko siyang sinumpa sa utak ko at hiniling na sana hindi na lang siya nag-exist sa mundo.

Kung tutuusin ayoko na sana ulit isipin kung ano ba 'yong buhay ko noon dahil malayong malayo na ito sa nararanasan ko ngayon, pero dahil iyon ang itinanong niya ibibigay ko ang sagot na gusto niya.

"Simple lang..." tipid na sagot ko at inalala ang buhay ko noon. "Nagtatrabaho ako sa isang department store bilang cashier. Normal na buhay ng isang simpleng tao," ani ko.

Hindi ko maiwasang hindi malungkot na muling alalahanin ang parteng 'yon sa buhay ko. Walang masyadong problema at ang tanging nagiging problema ko lang ay kung paano makikipagsisiksihan sa bus para makarating sa trabaho, dahil kahit naman hindi kami gano'n kaasenso sa buhay, pagdating sa pera ay nagagawan namin ng paraan. Hindi kami nangungutang sa ibang tao para sa ipangkakain namin, iyon kasi ang turo ni Mama.

Gigising sa umaga, kakain, mag-aasikaso para sa trabaho, aalis ng bahay, magtatrabaho, uuwi, gano'n lang ang nangyayari sa araw-araw ko noon. Ibang-iba sa buhay niya at sa nararanasan ko ngayon. Kaya nga hindi ako sanay na walang ginagawa lalo na kapag nandoon ako sa bahay nila, pakiramdam ko pabigat akong tao, palamunin at walang mararating sa buhay.

"Did you ever regret about having me in your life?"

Nilingon ko siya at payak na ngumiti.

"Sa totoo lang, oo," sambit ko habang nakatingin sa mga mata niya saka ako nag-iwas din agad. "Umpisa pa lang kasi gulo na ang dulot mo sa buhay ko. Pero sinubukan kong intindihin lahat, gusto kong maging positibo sa lahat ng bagay na baka may rason kung bakit nangyari 'to."

The Casanova's Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon