16: Council Meeting with Outsiders

Start from the beginning
                                    

Para lang akong buntot habang papasok sa mansyon nila. Hindi ko na makita pa sina Nadine at Matteo.

"Akala ko ba nagkabalikan na kayo," bigla kong sabi kaya nakagat ko ang ibabang labi ko.

Napatigil s'ya sa paglalakad at kunut-noo akong nilingon.

"Sorry," I said saka siya nilampasan.

"Bakit mo nasabi 'yan?" aniya sabay hawak sa braso ko ngunit napabawi naman agad na tila napaso.

Hindi ako nakasagot. Hindi lang kasi siya ang nakaramdam n'on. Bakit tila ako nakuryente sa hawak n'ya? Epekto rin ba 'yun ng amulet?

"Nichola?"

"I-I saw you together last week sa coffeeshop."

Tumangu-tango s'ya. "I'm not back with her," aniyang nakatingin sa mukha ko habang napapakamot siya sa batok n'ya na para bang hindi s'ya sigurado kung dapat ba 'yung sabihin sa akin.

Tumango ako. Sa totoo lang ay nakahinga ako ng maluwang sa sinabi n'ya. Bigla na lang gumaan ang pakiramdam ko kahit na kinakabahan pa rin ako dahil sa biglaang meeting na 'to.

"Let's go," aniya kaya sabay kaming pumasok sa malalaking double doors.

Napatingin sila sa amin na nakapalibot sa isang oval at mahabang mesa. Kilala ko na ang mga mukhang naroon maliban sa tatlong prenteng nakaupo sa malapit kay Magnus Bloodworth.

Mukhang vampires ang lalaki at ang isa sa dalawang babae. Ang pangatlo ay mukhang witch lalo na sa suot niyang ilang balabal na similar kay Grams Octavia.

"Is this your son, Rosamund?" nakangising-aso ang lalaki habang tinitingnang mabuti si Titus.

"Maupo na kayo," maotoridad na sabi ni Magnus.

Magkatabi kaming naupo ni Titus. Nasa kaliwa ko si Nadine na mukhang naiihi.

Pumasok na rin si Ambrosia at naupo sa tabi ng kanyang ina. Tinapunan n'ya muna ako ng nakamamatay na tingin bago bumaling kay Magnus na tumikhim.

"These are the people behind the Turned vampires community," panimula ni Magnus. "Alistair Bishop, Florence, his wife, and Lucinda Montgomery, their witch friend."

Nasa mukha ng tatlo ang mockery habang nagsasalita si Magnus Bloodworth.

"Nagpunta kami rito upang pormal na ihayag ang aming pakay. Gusto naming tumira sa Hellville at magkaroon ng equal na karapatan sa mga Purebloods lalo na sa mga founding families," deretsong sabi ni Alistair Bishop.

"We already told you that that will never happen, Alistair," kampanteng sagot ni Magnus. "You will never be our equal."

Nanunuyang ngumiti si Alistair. "Masyado kayong mapagmataas. We are vampires just like you."

"We are Purebloods. You are a Turned. A defective one. There is a big difference," matigas namang sabad ni Mr. Horton.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Alistair Bishop. Saglit niyang sinulyapan si Tita Rosamund na tahimik lang sa tabi ng asawa.

"Oh well, we tried to convince you the nice way..."

"Trespassing and wrecking havoc in our town is not a nice way, Mr. Bishop," narinig ko ang matigas na boses ng katabi ko. Kahit sa murang edad ay nakikitaan na talaga ng qualities si Titus ng pagiging malakas na leader.

"Ohhh... The son of Rosamund and Magnus Bloodworth has a say in this town too?" pauyam na tanong ni Florence Bishop.

"Everyone in this Council has a say in this town," sabi rin ni Matteo. "We may be young but our responsibilities and rights are equal with our parents. Pwede n'yong i-apply sa inyo."

She Was BittenWhere stories live. Discover now