16: Council Meeting with Outsiders

Magsimula sa umpisa
                                    

Natawa naman si Matteo habang nakatitig kay Titus.

"Fuck off!" binato siya ni Titus ng silyang walang kahirap-hirap niyang kinuha mula sa kanyang tabi gamit ang kanyang kaliwang kamay.

Natatawa pa rin si Matteo nang masalo 'yun at inilagay sa tabi ang silya.

Nagkatinginan kami ni Nadine nang may pagtataka.

Weird people.

Nang mag-break time ay inaya uli ako ni Nadine na tumambay kasama nila ngunit hindi na ako sumama. Nagpunta uli ako sa may likuran ng building at naupo sa malapad na bato. Kinuha ko ang novel na nasa bag ko at nagsimulang magbasa doon.

Naalala ko bigla ang maglo-lola. Kumusta na kaya sila? Na-miss ko sila bigla. Naisip ko ang biloy ni Lorenzo. Napangiti na lang ako saka napapailing na muling nagbasa. Na-miss ko rin ang ingay ni Faizah at mga irap ni Raye kay Max.

"Savannah!"

Napalingon ako kay Nadine na nagmamadaling lumapit sa akin. Kasunod n'ya ang dalawa n'yang mga kaibigan.

"C'mon we have to go," aniya.

Nagmamadali kong inilagay sa bag ko ang novel saka ako nagmamadaling sumunod sa kanila kahit na nagtataka ako.

Mukhang may emergency kaya kinakabahan ako. Agad kong naisip ang mga kapatid ko.

"Ano'ng problema?" tanong ko kay Matteo na kasabay ko. Nasa unahan si Nadine at nasa hulihan si Titus.

"The head of the Turned vampires is here. He wants to have a meeting with the council."

"Tsk. Fucktards," Titus hissed.

At talagang makukulay ang kanyang vocabulary.

Nang makarating kami sa parking lot ay agad akong nagtungo sa truck namin.

"Nichola," napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakatayo s'ya sa tabi ng passenger's seat ng kotse n'ya at nakabukas na ang pinto n'on.

Napatingin ako sa sasakyan ko. "P-Pero..."

"C'mon, guys," ani Nadine na sakay na sa kanyang kotse.

"It'll take you days to reach our mansion with that...moving can," nakangiwi niyang sabi.

Grabe ha. Moving can na pala ang truck namin ngayon? Kung makapanlait 'to parang ang ganda-ganda naman ng sasakyan n'ya.

Grrr. Fine. Maganda ang sasakyan n'ya.

Napahinga ako ng malalim. Sinamaan nanaman kasi ako ng tingin ni Titus. Lumapit na ako at sumakay. S'ya na rin ang nagsara ng ng pinto at umikot sa driver's seat.

Tahimik niyang minaniobra ang sasakyan palabas ng campus at tinungo ang direksyon ng mansyon nila.

"Bakit hindi sa munisipyo?" lakas-loob kong tanong.

"Those bastards went directly to our house," nararamdaman ko ang inis niya.

"So, may organized community ang mga Turned vampires?"

"Apparently, yes."

Hindi na ako nagtanong pa.

Ilang sasakyan ang halos ay kasabay naming dumating. Agad na akong bumaba ngunit natigilan ako nang makitang si Ambrosia pala ang bumaba mula sa driver's seat ng isang itim ding sasakyan. Gulat na gulat ang reaksyon niya habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Titus.

Magsasalita na sana s'ya nang biglang nagsalita ang kasama ko.

"Nichola, let's go."

"A-Ah...oo," patakbo akong sumunod sa kanya at iniwan na ang nakangangang si Ambrosia.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon