Chapter 8

19 1 0
                                    

CHAPTER 8: Sickness

KIANA'S POV

Kakauwe lang namin nila Ate Leah galing ng airport. Inihatid namin si Kuya, sa Australia kasi ang agency niya. Iyak nga ng iyak kanina si Ate Leah, well naiintindihan naman namin sya kasi pati naman kami mamimiss ang kuya. Naalala ko kanina bago umalis Kuya yung usapan nila ng Tito Luis

FLASHBACK

Kuya: Yes Tito, ang plano ko po sana pakasalan na ang anak niyo. Magpopropose po ako sakanya pagkadating ko, at gusto ko po sana na bago ulit ako umalis makapagpakasal na kami.

Tito Luis: naniniwala naman ako, na magiging masaya sa piling mo ang anak namin. At gusto ko yang plano mo, susuportahan ka namin

Tita Elle: Welcome to the family Klein. Wag mong papabayaan ang Anak namin.

END

Masaya ako para kay Kuya, ang swerte niya kay Ate at syempre blessing din ang kuya ko kay Ate Leah noh.

Ako: Ate? Ayos ka lang ba?

Leah: Oo, medyo sumasakit lang ang ulo ko. Pero ayos lang ako. Sige magpapahinga nalang muna ako. Pahinga kana rin muna.

Tumayo na si Ate at halata sa lakad nitong pagewang gewang na di maayos ang pakiramdam niya.

Ako: Mabuti pa ate, ihahatid na kita sa kwarto mo. Tapos ipagluluto narin kita ng soup tsaka ka uminom ng gamot.

Nginitian niya ako. Inalalayan ko syang maupo si Ate sa kama. Wala ang parents niya may important gatherings na dinaluhan si Kara naman may klase. Iniwan ko muna sya para magluto narin ng soup.

Malapit ng maluto ang soup na ginagawa ko ng bigla akong makarinig ng nabasag kasabay nun ang pagsigaw ni Ate Leah.

Dali dali akong pumanhik sa taas at doon nakita ko si Ate sa paanan ng kama niya na umiiyak sa kirot na nararamdaman habang nakahawak sa ulo niya. Nabasag din yung basong nilagyan ko ng tubig para inumin niya. Nilapitan ko si Ate.

Ako: Ate? Ayos ka lang ba?

Halos maiyak na ako sa kaba. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo kasing lumalakas ang sigaw niya na parang lalong sumasakit yung ulo niya. Akala ko kanina ordinaryong sakit lang ng ulo pero hindi.

Tinawagan ko agad si Tita Elle, at sinabi ang nangyayare kay Ate Leah. Pagkarating ni Tita Elle, agad na niyakap niya si Ate at hinilot-hilot yung ulo niya. Pinainom niya rin si ate ng pain reliver na nakapagpakalma sakanya. Nakatulog na si Ate Leah ng lumabas si Tita.

Ako: Tita, kamusta si Ate Leah?

Tita Elle: Ayun nakatulog na. Pasensya na kung nag-alala ka sakanya, nagkakaganyan talaga sya kapag stress sya at maraming iniisip. Siguro na-stress sya sa pagalis ng Kuya mo kaya nangyare nanaman.

Ako: Anong sakit po ba ni Ate? Anong sabi ng doctor?

Tita: Honestly Hija, ayaw magpakunsulta ng Ate mo sa doctor. Natatakot kasi sya na malaman kung anong sakit ang meron sya. Kaya, sa tuwing nagkakaganyan sya nagiging alisto nalang kami at pinapainom sya ng pain reliever.

Naaawa ako kay Ate. Bakit ba ayaw niya magpagamot? Para malaman ang tungkol sa sakit niya.

Everlasting Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon