Baby Don't Cry (One Shot)

Comenzar desde el principio
                                    

SOJU'S POV


Sa kalagitnaan ng paghahalikan namin ni Sasha, may narinig kaming pagpreno mula sa baba. Sh-t! Ano yun?! Napatigil ako sa paghalik kay Sasha. Nagtanong naman siya kung ba't ako tumigil.


"May nabangga ata sa baba. Ano ba yun?!" Sabi ko. Kinutuban kasi ako kanina na parang... Ah basta!


"Just don't mind it! Let's just do it now!" At hinalikan na naman niya ako pero biglang nagring yung telephone ko


"SIR! SI MA'AM YUMI PO!!" Sh-t.


xxx


Dead on arrival.. 50/50.. Imposible nang mabuhay.. Yan ang tanging naintindihan ko sa mga sinabi ng doktor sa akin kanina. Siya pala yung nabangga kanina sa baba. Ang tanga ko, ba't di ko pa tinignan kanina? Di kaya siya yung bumukas ng pintuan kaya siya tumakbo palayo? Kasalanan ko kung ba't siya ganito ngayon.. Mawawala na ba siya sa akin?



Sa kalagitnaan ng pag-iisip, naramdaman kong gumalaw ang kamay ni Ayumi na hawak-hawak ko.


"S-soju..." Narinig ko ang mahina at mala-anghel boses ni Yumi. Tumingin ako sa kanya at nanlaki ang mata ko. Nagising na siya...ibig sabihin ba nito, may second chance na ako para magbago para sa kanya.... o wala na?



"Y-yumi! A-anong masakit sayo? Teka tatawagin ko la--" napatigil ako kasi hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit


"Mahal kita. Mahal na mahal. Wag mong kakalimutan yan ha?" Nangingilid na ang luha niya.. Naiiyak na ata ako. Sh-t.


"Bakit mo sinasabi sakin 'to, Yumi?" umiling siya


"I love you s-so.... much. I'm sorry." At tumulo na nga ang luha niya. I can't help but to cry so hard.


"Baby, please... Don't cry. Hey, Yumi... P-please." Hindi siya sumagot at natulo parin ang luha niya


"Baby don't cry.. Please, hold on." Naiyak na ako, fck.


"I'm sorry, i'm already giving up. I don't wanna cry anymore." And with that, something fell from her eyes again. Tears. Tears from an angel. Tears from my angel. Wala na siya.


Kasabay ng pagtulo ng luha niya ang pagpikit niya ng kanyang mga mata. Wala na siya. Namatay siyang may luhang natulo sa mata niya. I'm so sorry, my angel.

xxx



"Y-yumi.. S-sorry..." Naririnig ko ang iyakan ng pamilya ni Yumi. I can't take it, I'm still crying. Lahat kami, umiiyak at nagsisisi. Bakit ba namin hindi minahal pabalik nang mas maaga si Yumi? Sh-t.


"Ma'am, eto na po yung gamit ni Ms. Ayumi Watanabe," inabot na nung nurse yung gamit ni Yumi sa mama ni Yumi


Tinignan ng mama ni Yumi yung bag ni Yumi. May nakita silang envelope na may nakalagay na description sa likod..


"Yen's Tuition Fee •

Ma, pa, sorry po kung late ko na nabigay yung tuition fee ni Yen. Naghanap pa po kasi ako ng trabaho e at buti nalang po may nahanap akong trabaho kanina. yung sa kuryente at tubig, kunin niyo nalang po yung pera sa alkansya ko. Yun nalang po pambayad natin. Sorry po, ma and pa. Wag na po kayo magalit sakin, please? I love you so much po. Pati si ate at si yen! I love you, I love you, I love you. <3"

Napahagulgol na naman kami.. Ang sakit! Ang tanga naming lahat. Kung kelan nawala na si Yumi, dun na kami nagsisi. Nagsisi kami na bakit hindi namin siya pinahalagahan nang mas maaga pa... Nung hindi pa siya nawawala. F-ck! Ang tanga namin.

"Kuya Soju, sa iyo po ata 'to." Sabi ni Yen sa akin, yung kapatid ni Yumi na 7 years old. Wala siyang alam sa nangyari sa ate niya.. Wala.

Inabot niya yung dalawang cupcakes na galing sa bag ng ate niya. F-ck, it made me cry harder. Why? I'm so bad. F-cking bad. Nakita ko yung nakalagay dun sa cupcakes.


"Happy 1st Anniversary to us, Honey ko! And Happy 24th Birthday to me! <3"


Sh-t. Anniversary pala namin ngayon. And worst, it's her birthday at... Nakalimutan naming lahat yun. We're all so stupid! Bakit ko pa ba kasi siya niloko? Bakit ko pa ba kasi siya hindi pinahalagahan? How could I. I should've realized it earlier.

Sana pala hindi nalang ako naghiganti sa kanya. Back then, I loved her so much. Pero nakita ko siya isang beses na may kahalikang lalaki and that made me so feel angry. Kaya ayun, gumanti ako sa kanya. Hindi ako nakipagbreak sa kanya kasi alam kong mahal ko pa siya, but as time passes by, narealize ko na hindi ko na pala siya mahal. Pero nang mangyari 'to, I'm so stupid to realize that I still love her. Iiyak ba ako at sasabihin ang lahat ng 'to kung di ko na talaga siya mahal? At ngayon, huli na ang lahat para sabihin ko sa kanyang mahal na mahal ko siya. I'm so stupid. I'm sorry, my angel.


"Baby don't cry. I love you." I heard something or maybe someone whispered on my ear. Alam kong siya yun..


My tears are starting to fall down again. F-ck! I can't help it! I'm sorry, my angel. I'm sorry kung ngayon ko lang ulit sinabi to sayo..


I love you. I really do.

Baby Don't Cry (One Shot)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora