Baby Don't Cry (One Shot)

Start from the beginning
                                    

Kailan ba mawawala ang paghihirap ko? Kailan ba ako titigil sa pag-iyak? Kapag patay na ako?


xxx


"Ms. Ayumi Watanabe! Bakit ngayon ka lang dumating?! Kanina pa naghihintay si Mrs. Cruz sayo dito!" Yan ang bungad na salita ng Principal ng school namin. Hay, ano pa nga ba.. Kapag naumpisahan ang kamalasan sa bahay, dala-dala na yan kung saan-saan.


"Sorry po, ma'am. Nagkaproblema po kasi kami sa bahay. Sorry po."


"Ms. Watanabe, I was really disappointed with you. Sabi mo babantayan mo ang anak ko? Tapos anong nangyari? Sinapak siya ng kaklase niya tapos ngayon natrauma! Napahamak siya ng dahil sayo! Wala kang kwenta! You're so useless and stupid! Dapat sayo tinatanggal na sa trabaho eh! Kasi may taong mas deserving pa jan sa pwesto mo! Get the hell out of this school bago pa kita ipakulong!"


Ang sakit. Masakit marinig nang paulit-paulit ang mga salitang iyon na binabato sa iyo. Masakit isipin na lahat ng taong nasa paligid mo, kinamumuhian ka.



"I'm sorry, ma'am. Hindi na po mauulit."



"Hindi na talaga mauulit Ms. Watanabe because you're already fired. Makakaalis ka na."



Tuloy-tuloy nang tumulo ang luha ko. Ayaw ko nang umiyak.. Nakakasawa na.. Ayaw ko na.



xxx



"Thank you po!" Ang tangi kong nasabi pagkatanggap ko ng sweldo ko.


Oo, humanap ako ng mga bagong trabaho at nag-umpisa na ako ngayon. Hindi bilang teacher pero bilang waitress sa isang restaurant. Tas yung sa isa kong trabaho, isa akong janitress. Sapat na 'to para pambayad ng tuition ni Yen. May pera pa naman ako dito kaya idadagdag ko nalang to mamaya pag nagbayad ako. Kaso pagod na ako. Gabi na. Di na ako nakabayad sa school nang ayon sa oras. Bukas na nga lang. May dadaanan pa ako ngayon eh. Espesyal ang araw na 'to sa akin. Dalawang okasyon ang ipinagdiriwang ko dapat ngayon. Sana kahit ngayong gabi, maging masaya ako.


Soju... Parating na ako. Sana 'di mo nakalimutan.


xxx



"S-soju..." Yan ang narinig ko kaya binuksan ko na ang pinto ng opisina ni Soju. Bakit may babae? Sino yung nagsalita nun?


Nagulat ako nung pagbukas ko... Si Soju, nakaupo sa couch niya habang kandong-kandong ang babaeng kahalikan niya't unti-unting hinuhubad ang kanilang natitirang damit.



Paano niya nagawa sakin 'to? Hindi na ba siya naawa sa akin? Alam naman niyang puro problema na ako tapos dadagdagan pa niya? Ang sakit isipin na lahat ng taong mahal mo, busog na busog sa pagmamahal mo. Pero ikaw, kulang na kulang ang binibigay na pagmamahal sayo.



Naramdaman ko nalang na tumulo na pala ang luha ko. Ano pa nga bang aasahan ko? Lagi naman akong naiyak. Nakakasawa na. Ano nang gagawin ko? Susuko na ba ako?



Lumabas na ako ng opisina ni Soju hanggang sa makarating na ako sa labas ng building nila. Hindi na ba niya ako hinabol kasi hindi niya ako napansin o wala na talaga siyang pakialam sa akin?



"Ma'am! Sa likod niyo!!!"



Sa narinig kong iyon mula sa taong nasa labas ng building nila Soju, may narinig akong napakahabang preno mula sa likod ko at naramdaman ko nalang na may bumangga sa aking napakalaking sasakyan at unti-unting nagdilim ang paningin ko.



Baby Don't Cry (One Shot)Where stories live. Discover now