Hindi rin naman papahuli si Carmela sa mga Achievements. She graduated as Valedictorian both in Elementary and High School, and right now she's taking Political Science. Kapag natapos niya ang course na iyon ay itutuloy niya iyon para mag-aral ng Law. Suportado naman siya ng kanyang Ina. Although ang Tito Santi niya ay sinuggest na rin na sana nag-Business Management na rin siya tulad ni Third para maging parte rin siya ng kumpanya balang araw.

Bagay na agad niyang tinanggihan buti na lang hindi siya nito ininsist at hindi na muli pang binalik ang topic na iyon ng makita nitong seryoso at determinado siyang maging Lawyer balang araw. Hindi pa lang niya alam kung anong klaseng Lawyer ang gusto niya maging, malalaman na lang niya on the way.

CARMELA keeping pacing back and forth in her room. She's running out of ideas para mapansin siya ni Third. Parang walang epekto rito ang mga ginagawa niya, dahil sa tuwina'y bigla nalang itong aalis at parang iniiwasan talaga siya.

Nagpaka-daring na siya na magpakita ng interes dito kahit na ba napakalayo noon sa personality niya. Pero lahat ay kaya niyang gawin para lang makuha niya si Third. Wala naman sanang problema dahil hindi naman talaga sila tunay na magkapatid, hindi sila magkadugo.

Padapang ibinagsak niya ang sarili sa kama. Ibinaon niya ang mukha sa unan at tumili sa abot ng kanyang makakaya. Nang mapagod ay kusa rin naman siyang tumigil. Bigla ang pagbalikwas niya ng marinig niya ang splash ng tubig na mukhang nanggagaling sa swimming pool.

She looked outside her window. She can see that Third decided to take a dip in the pool. An idea popped into her head. Umalis kaagad siya sa bintana at pumasok sa kanyang closet. Nang makita ang hinahanap ay napalunok siya. Kaya ba niya talagang isuot ang red two piece bikina na hawak? Bigay sa kanya iyon ng kaibigan si Karla para isuot sana sa Eighteen birthday nito nang nakaraang buwan, bagay na hindi niya rin isinuot kahit anong pilit ni Karla sa kanya ng araw ng beach party nito.

Pero para kay Third? Kahit todo kaba ang nararamdaman ay pikit matang nagtanggal si Carmela ng damit at isinuot ang bikini. Huminga muna siya ng malalim bago tinignan ang sarili sa salamin. She was shocked to see herself, mas naging define na nga ang hugis ng katawan niya at kahit papaano ang firmer na rin ang kanyang dibdib, hindi tulad noon na talagang flat ang mga iyon. Napangiti naman siya sa satisfaction na naramdaman sa sarili.

Kumuha siya ng isang oversized t-shirt na ginagamit lang niya tuwing matutulog siya at isinuot. Bago lumabas ng kwarto ay inilugay muna ni Carmela ang kanyang alung-alon buhok. Nasa hagdan na siya nang bigla siyang tawagin ng kanyang Mommy.

"Honey, why are you still on your night shirt? it's already noon."

"Uhh... I felt hot. I thought I could use some swim." sabi niya rito.

"Okay. But maybe you could change to a more appropriate outfit for swimming." natatawang sabi nito.

"I already am!" sabi niya rito at tumakbo na siya pababa ng hagdan.

Nang malapit na siya sa pool ay tumigil na siya sa pagtakbo at mabagal na naglakad. Inantay niyang matapos si Third sa swim lap nito bago siya lumapit sa gilid ng pool kung saan rin ito nakatigil.

"Mind if I join you?" she said, showing her perfect set white teeth and her dimple on her both side of cheeks. Tumingala naman ito sa kanya at ngumiti.

"No, not at all. Come on. Nagpapaalam ka pa, we used to do it all the time then." at muli itong lumangoy.

This is it! Wala nang atrasan. She thought. Muli ay huminga muna siya ng malalim para maibsan ang kabang nararamdaman niya. Pero mukhang hindi sapat ang isa pa kaya maka-ilang ulit pa siyang huminga ng malalim. She almost felt like running away. Akala ko ba gusto mong mapansin ka niya? This is the only way. Giit sa kanya ng kabilang panig ng isip niya. For the last time ay huminga siya ng malalim at hinawakan ang dulo ng kanyang T-shirt at unti-unting intinaas ito para tuluyan nang mahubad.

Love Misunderstood (Completed)Where stories live. Discover now