Third person's
For the past two weeks, hindi umalis sa tabi ni Cheol si Jihoon. Ayaw niyang iwan ang nakakatanda at gusto bantayan hanggang sa paggising niya.
Ang mga kaibigan niya at magulang ni Cheol ay nagaalala na kay Jihoon. Hindi ito kumakain nang normal, paminsan minsan lang, Halos pumapayat na ito dahil nagpapalipas ng gutom, at Kulang sa tulog dahil laging binabatayan si Cheol.
Kahit na gusto na itong pauwiin si Jihoon para nakapagpahinga, hindi nila magawa dahil nagpupumilit itong magpaiwan sa ospital. Kaya wala silang nagawa at pinabayaan na lang nila ito at ang magulang ni Cheol ang nagaalalaga rin kay Jihoon.
Ngayon sa oras na ito, nasa tabi si Jihoon ng kama na hinihigaan ni Cheol, nakatingin lang ito sa nakahigang binata.
Hinawakan niya ang kaliwang kamay neto at tinignan sa mukha. "Seungcheol..."
"Alam mo na mimiss na kita..." sabi ni Jihoon habang pinipilit na ngumiti para sa binata.
"Gumising ka na..." pagmamakaawa neto.
"Wag mo naman kaming iwan..." at tumulo ang luhang kanina pa gusto kumawala.
Mahigpit na hinawakan ni Hoon ang kamay ng binata habang ang mga luha niya'y nagsisitulo.
"Please..." mahina niyang sabi. "Wag mo kong iwan..." he said, his voice cracked.
*beeeeeeep*
"NURSE!!!"
~~~~~~~~~~
1 Chapter left
