Beauty 101 (1) Acne, Pimples, Blemishes, Itchiness!

3.5K 34 3
                                    

First of all, your beautiful already, you just got to have some confidence. Wala namang taong ginawa na panget diba? Iba-iba lang talaga ang itsura natin. Unique ka. Yun ang isa sa pinakamagandang bagay na dapat iappreciate mo. Itong Beauty 101 ay tips lang to help you mantain a beautiful appearance. 

Acne, Pimples, Blemishes, itchiness!

Puberty. Sobrang ayaw ko diyan. Minsan ayoko ng pumasok dahil lang sa pimples o namumula lang yung mukha ko. At kapag sobrang malala na yung acne ko, hindi na ako lumalabas ng bahay. Ayaw mo din nun diba? Eh bakit ba tayo nagkakaroon ng Pimples?

Dust, dirt, smoke, Oily face and etc. Causes yan ng pimples. Open yung pores natin kaya pwede pumasok ang kung anu-ano diyan. Minsan, kapag may trinay ka na bagong face product sa mukha mo, magkakaroon ka rin ng Blemishes dahil sa product na yun. Hindi lang sa mukha ka meron, may Body acne din na tinatawag. Pwede ka magkaroon sa Likod or sa dibdib mo or some other parts. How do we prevent it? How do we get rid of it? 

TIPS:

*Kapag tadtad na ang mukha mo ng pimples, as in sobra na, ipacheck mo na muna sa dermatologist kasi ba ka may allergy ka or something.(It's the best way for very severe acne.)

*Kapag hindi naman malala, try mo na maging hygienic. Try facial cleansers, toners, mask, mist and etc. I suggest to use products for sensitive skin para mild lang sa face at hindi lalala ang acne.

*Wag na wag mong puputukin ang pimple o pindutin ito, magsusugat lang ang mukha mo. Merong mga binebenta na parang small patches na nilalagay sa pimple para maging dry siya at gumaling.(Meron akong nakita sa bench nung small patches.)

*Yung buhok mo, kung may bangs ka, ipitan mo minsan. Kung wala naman at medyo mahilig ka maglagay ng buhok mo sa mukha mo ay try mo iwasan yun. Ang buhok din natin madumi, sa dulo niyan may kumakapit din na dumi.

*For Body Acne, pwede niyo din gamitan ng toner ito kasi skin din naman ito. Lagi lang linisin ng mabuti.

(Prevention)

*Don't touch your face. iwasan niyong hawakan, pisilin, o paglaruan ito. Madumi ang kamay natin at yun ang best way para maprevent ang acne or pimple.

*Wag masyadong pumunta sa mga area na madaming usok, kung andun ka na, cover your face with a clean handkerchief or something.

*Linisin ang kama bago matulog, palitan ang mga bed sheets kung kailangan na. Dapat malinis ang unan, at kapag hihiga na, wag mong daganan yung buhok mo.

*Kung gumagamit ka ng make-up, linisin mo maigi yung mukha mo at wag matutulog na may make-up pa. 

*Maglinis ng mukha sa umaga at sa gabi. Kahit mild soap lang at warm water.

Yun lang naman para sa Beauty 101 no.1 natin, Sana nakatulong ang mga tips na ito sa inyo!! ^^ Remember that you are created by God beautifully and wonderfully ^^

How to be ConfidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon