Chapter 23: If i could just take you right now..

Start from the beginning
                                    

Gagalaw sana ako nang mapahinto agad ako..


"Wag kang gagalaw kung ayaw mong masaktan" may lalaking nagtakip ng bibig ko. Nararamdaman ko din na may matulis na bagay sa tagiliran ko


"Anong gagawin mo?!" nagpapanic na sabi ko. Tinakpan naman niya ang mga mata ko kaya totally wala na akong makita


Nararamdaman kong lumalabas kami. Ang lakas ng hangin at naririnig ko yung lagaslas ng tubig sa beach. This is fvcking nuts! Bakit hinayaan ng security guards ng resort na to na makapasok ang masamang loob?! Ugh, sigurado akong mawawalan sila ng trabaho oras na isumbong ko ito kay Clint!


"Saan mo ba ko dadalhin ha?! Holdup ba to? Wala akong pera!" totoo namang wala akong pera. Maliban na lang kung tumatanggap na ang magnanakaw ngayon ng plastic money.


"Hindi ako holdupper. Manahimik ka na lang. Tsaka hindi naman ako ang may kailangan sayo!"

Naiiyak ako sa takot. Shit. Wala akong maalalang may ginawan ako ng masama para mangyari sakin ang bagay na to. Ugh! Dom! Clint! Nasan na ba kayo?! Gusto g gusto ko sumigaw pero natatakot ako sa pwedeng gawin ng whoever-the-hell he is na to. Letche!


"Eh ano ngang gagawin mo sakin?! Wala namang akong atraso ah! Kanino mo ba ko dadalhin?!"


"Manahimik ka na lang, malapit na din naman tayo"


"Rereypin ba ako?!" mas lalo akong umiyak upon the realization ng maaring mangyari sakin. This cant be! Damn i must be dreaming at anytime alam kong magigising na ko! Oo, Pep relax ka lang maya maya gigising ka na din. Para lang tong panaginip gaya nung kay Hans. Fvck!



"Rape? Ano ako tanga? E di lagot ako sa amo ko! Basta sumama ka na lang!" medyo na ease yung kaba ko. Lintek na kidnapper to! Parang nandiri pa siya nung tinanong ko kung rape ba to! Ang kapal ng mukha!


"E nasaan ang mga kasama ko? Sino ka ba talaga?!"


"Pwede ba manahimik ka na? Bibigwasan kita dyan eh!"


"As if im scared! Sige subukan mo ng malagot ka sa amo mo!"


"Ay oo nga pala"


"TANGA!" sigaw ko sa kanya na medyo natatawa


"Hay ewan ko sayo. Oh eto na nandito na tayo. Kung ako sayo umayos ayos ka. Gwapo ang amo ko kaya baka makunsunada ka nun. Yang damit mo pa naman ang sexy"

Natahimik ako. Naalala kong strapless nga pala tong dress na suot ko! Gusto ko na maglupasay dito sa buhanginan but i'd rather die kaysa makita niyang natatakot ako.

I need a superhero right now. Dominic nasaan ka na ba?

Parang sa isang closed cottage kami pumunta. Binuksan niya yung pinto at hinatak ako papasok dun. Kailangan kong maging alerto sa pwedeng mangyari.


"Sir siya na po yung pinapakuha niyo" sabi nung kidnapper ko. Hindi naman sumasagot yung kausap nito


"Hoy shungang kidnapper! Pag ako nakatakas dito lagot ka sakin!" pagbabanta ko


"Enjoy ma'am, sir" sumara na yung pintuan. Bwisit ayokong tanggalin yung piring ko. Natatakot ako sa pwede kong makita. Baka kasi pangit.. Joke! Baka kasi mapikon ko to at kung anong gawin sakin. Im not going to die tonight. Not in this fvcking way!

Tahimik ang paligid. Tas parang sinisilaban kami. Ang init init! Pakiramdam ko nasa reception room kami ng impyerno


"You're lucky i dont have an AA-12 Sledgehammer automatic shotgun here to blow your brains off you lucky bastard" kahit natatakot na ko syempre kailangan kong ipakita na matapang pa din ako. Para saan ba't nag training ako sa States ng self defense kung wala din akong natutunan. But wait. Hindi ko nga alam kung anong baril yung sinabi ko. Nakita ko lang yun sa internet. Ugh!

How Did I Fall Inlove With You?Where stories live. Discover now