Chapter 23: If i could just take you right now..

27.4K 393 23
                                    

Pepper's POV


Ang weird ng mga tao. Kanina normal naman tapos ngayon eto. Si Dominic bigla na lang umalis, speaking of him.. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa din yung mga labi niya sa labi ko.

So that's how to be kissed by him. Oo hindi ito ang unang beses na naghalikan kami pero iba yung kanina. With frustration at may pagpipigil. Ganun din kaya siya humalik sa ex girlfriend niya? Malamang ganun din nga.. Knowing boys his age? Baka nga what they're doing is more than kissing. Ugh!

Nagkulong lang ako sa room na in assign ni Clint samin. Share kami dito ni Daine tapos si Dominic ang sa sofa. Si manang mag isa sa kwarto pero narinig kong doon matutulog si Selene.

Hindi ko maintindihan ang ginagawa na to ng bestfriend ko. I mean, oo Selene is the greatest. Wala akong maipipintas sa kanya. Pero hindi man lang niya naisip ang pwedeng epekto ng ginagawa niya.

Matindi ang security namin sa bahay, Clint is a very private person pagdating sa sarili nitong buhay pero may mga chances pa din na ma invade kami ng paparazzi, or worse baka kapag may nakakita sa kanila sa labas, ambush interview naman.

At alam kong hindi pa handa si Selene sa ganon. Katunayan para ngang hindi pa din siya sanay sa relasyon nila ni Clint. Kungsabagay, maluho din kasi talaga ang bestfriend ko. Teka nga bakit ba ang pakiilemara ko?! Yan kasi ang effect kapag naboboring ako!

*knock knock*


"Pasok!" sabi ko dun sa kumakatok

Si manang ang pumasok at may dala siyang pink dress. Tumayo ako at sinalubong siya na may malaking pagtataka.


"Oh manang para saan yan?" tanong ko na hindi inaalis ang tingin dun sa dress


"May biglaang meeting kayo. Nandyan ang kliyente ni Clint at gusto niyang isulat mo ang minutes ng meeting" inabot niya na sakin yun. Infairness, maganda ang tabas kaso strapless. Feeling ko pang formal party ang ganito. Usually kapag sinasamahan ko si Clint palaging pencil cut skirt at blazer ang pinasusuot niya sakin. Hindi katulad ngayon. Pero ayos na din to..


"Anong oras po ba?"


"Within 20 minutes anak" nanlaki ang mga mata ko. Ang bilis naman!


"Bakit ang bilis naman manang?!"


"Nagmamadali yung tao eh. Mag aabroad kasi yun, napadaan lang dito sa Batangas para kausapin si Clint"


"Ganun po ba? Sige manang" lumabas na si manang. Ni lock ko ang pintuan at nagsimula na magbihis. Buti na lang at nakaligo na ko kanina pagbalik ko dito. Ugh walangya naman tong bestfriend ko! Wala siyang nabanggit sakin tungkol dito!

Naalala kong may dala akong high heels. Buti na lang pink yun. Nabili ko yun sa isang thrift shop sa Tagaytay nang papunta kami dito. Actually si Dominic pala ang bumili dahil hindi niya ako pinapalabas. Good timing.

Hinayaan ko na lang yung buhok ko na nakalugay. Hindi ko kasi maitali. Naglagay lang ako ng powder at lipgloss. Kinuha ko ang phone ko. Siguro naman nakapag improvise si Clint ng steno pad. Nakalimutan ko na kasing secretary niya ko dahil hanggang ngayon wala pa kong mabigat na trabaho bukod sa pakikinig sa usapan nila ng mga ka meeting niya.

Paglabas ko nabigla ako dahil madilim. "Manang?" sigaw ko pero nag echo lang ang boses ko. Parang ang bilis naman ata mawala ni manang? Ugh parang kanina lang inabot niya pa sakin yung damit.


"Daine, Selene, Clint, Dom? Yoohoo.." wala pa ding sumasagot. Napahawak ako sa dibdib ko. Unti unti na kong nakakaramdam ng kaba. Ano bang nangyayari? Bakit ang dilim dilim at walang tao? Damn! Takot pa naman ako sa dilim! (/___\) mabuti na lang may lamp post sa labas kaya yung liwanag medyo pumapasok dito.

How Did I Fall Inlove With You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon