No Boyfriend Since Birth

38 2 2
                                    

Panget.

Hindi yan ang dahilan kung bakit kahit kelan hindi ka pa nagkakaroon ng boyfriend. Pwede namang matiyaga ka lang na naghihintay sa taong para sayo. O kaya naman hindi mo pa makita ang characteristics na hinahanap mo sa isang lalaki. Minsan, sadya lang talagang strikto ang tatay mo na isang tingin pa lang sa manliligaw mo eh naplano na niya ang dahilan ng pagpantay ng mga paa nito.

Kung ang una ang dahilan mo, well marami kang kaparehas diyan. Na kahit may mga lalaking dumadating sa buhay mo, wala ka pa ring mapili sa kanila. Siguro dahil hindi mo makita ang sarili mong siya ang kasama hanggang sa tumanda ka na.

Commonly, ikaw yung taong matured na mag-isip. Gusto mong siya na ang first and last boyfriend mo. Kaya ang mantra mo ‘patience is a virtue’. Which is good kasi kahit ang daming outside influences, hinding-hindi ka pa rin magse-settle for less.

Wala siyang sense of humor. May namumuo pang laway sa gilid ng labi niya habang nagsasalita. Hindi siya magaling mag-basketball. O kaya mas maliit siya sa’yo. Isa siguro sa mga yan ang dahilan kung bakit wala ka pang natitipuhan sa kanila. Well, nasa second reason ka.

Ikaw yung tipong mataas ang standards, na planado na lahat hindi lang ang gusto mong itsura ng soon to be boyfriend mo, kundi pati na din ang ugali niya. Hindi naman sa choosy ka, gusto mo lang talagang pag dumating na siya wala nang dahilan para ma-turn off ka pa.

Strikto ang parents mo. Eto ang pinaka-crucial sa lahat. Mahirap ‘to kasi kahit may nakilala ka nang lalaki na sa tingin mo ay para sayo, hindi mo pa rin siya nagawang sagutin dahil takot kang mapalayas sa bahay nyo. Kahit pa may naramdaman ka nang sparks and signs tuwing kasama mo siya, hindi mo pinansin at iniwasan na lang siya dahil alam mong hindi yun magugustuhan ng tatay mo.

Marami tayong ganito lalo na sa gantong stage kung saan hindi pa natin kayang tumayong mag-isa. Ano nga bang mapapala mo kung susuwayin mo ang magulang mo? Wala, diba.

Kung iisipin, related ang tatlong dahilan sa taas. Dahil lahat sila, ang ending ay ‘waiting’. Kapag hindi mo nakita sa isang lalaki yung katangian na gusto mo, maghihintay ka uli sa susunod na darating. At dahil naman sa strikto mong tatay, hindi mo nagawang ipaglaban yung lalaking mahal mo. Dun na papasok yung iisipin mong ‘Til the time says it’s right’ at handa kang hintayin ang tamang panahon na yun kung san lahat ay sang-ayon na.

San ka diyan sa tatlo?

Ako kasi, all of the above.

Inside The Mind BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon