"Ano ka ba!" Tinapik niya ako "Pag nakakuha ka ng lisensiya dito, hindi mo na kailangan mag aral mag maneho pag dating sa Pilipinas. Iyon ang ibig kong sabihin."

Binalewala ko nalang ang sinabi niya at um-oo nalamang.

***

Pag uwi ko at agad kong nakita ang kotse ni kuya William kaya masasabi kong nasa loob na siya ng bahay. Nakaramdam na naman ulit ako ng takot. Siguro ay masasanay din ako sa feeling na ganito.

"You're here!" Sinalubong ako ni Gabriella na nakasuot ng polkadots na maternity dress. Malawak ang ngiti niya at tiningnan ang dala kong pakwan na nasa net.

"Omg! Seedless ba yan?"

Tumango ako at hinalikan siya sa noo "Kumain ka na?"

"Nope! Just about to, buti nalang dumating ka na."

Nadatnan ko ang pamilya nila ate Natasha na nakaupo na sa hapag kainan. Bumati naman ako at diretsong umupo sa katabi ni Gabriella. Nagsimula na din kaming kumain.

"Nag aaral ka na daw mag drive report sa akin ni Pio." Panimulang tanong ni kuya William sa akin.

Tumango naman ako bilang sagot "Opo. Kanina lang po kami nag umpisa."

"That's good. How was it?"

Napatingin ako kay Gabriella na nakangiti habang nakatingin sa akin, binalikan ko naman siya ng ngiti "May alam na din po kahit papaano." Sagot ko "Magaling din po kasi mag turo si kuya Piolo."

"Yeah he is." Tumingin siya sa mata ko kaya agad akong umiwas.

Naalala ko si Hens sa pagka kaibigan nila. May ugali kasi si kuya Piolo na gaya kay Hens. Minsan iniimagine ko na, kasama ko nalamang lagi si Hens para hindi ako ma-homesick masyado.

Pagkatapos namin mag hapunan ay pumunta na kami sa kwarto namin ni Gabriella at agad naman akong naligo. Pag labas ko ay nadatnan ko si Gabriella na nakasandal sa headboard ng kama habang nanonood ng TV na may hawak na bowl ng pakwan.

Pagkatapos kong mag ayos ay naupo ako sa tabi niya habang hinahaplos haplos ang tiyan niyang lumalaki na "Kumusta araw mo?" Tanong ko.

"It went fine. Nakipag laro lang ako with the kids and then I attended my yoga class with other preggies." Nakangiti niyang kwento habang kumakain ng pakwan "You know what? I feel like an adult now. Parang hindi ako seventeen years old. It was like, I am destined to be a mother at the age of eighteen talaga."

Napangiti ako "Pano mo naman nasabi?"

"Because I am acting like one. I am not a kid anymore." Humarap siya sa akin at sinubuan ako ng pakwan "Tsaka I have you." saka niya ako hinalikan.

Sana ganito nalang lagi yung uuwian ko lalo na kapag lumabas na ang baby namin. Hindi ko lubos maisip yung saya na mararamdaman ko habang kasama sila pareho.

"Pwede ba tayo pumunta sa amusement park pag day off mo?"

Tumango ako bilang sagot "Oo naman, kapag marunong na ako mag drive ng tuluyan."

"Yehey! We can do whatever we want na kapag marunong ka na mag drive!"

***

Mahimbing na natutulog si Gabriella. Bumangon ako at kinumutan siya saka lumabas sa veranda ng kwarto namin at agad na tumawag sa Pilipinas.

May klase ngayon si Lian at Kiko kaya si inay nalang ang tinawagan ko. Bandang hapon na din doon kaya pwedeng patapos na siya mag trabaho.

["Kent anak ko!"]

Runaway Dad (Under Revision)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin