~16~ Behind His Coldness

Magsimula sa umpisa
                                    

Sinamaan niya lang ako ng tingin tapos lumapit siya sa akin dito sa couch. Umupo siya sa tabi ko kaya umusog naman ako sa dulong bahagi ng couch. Uh oh… Yung kinakabahan na naman ako ng bonggang-bongga >////////<

“That’s what I like about you. You accept me for who I am.” He said, smiling.

 

*Dug! Dug! Dug! Dug! Dug!*

 

Lumunok ako. Tapos lumunok pa. Okay, lunok ulit. Natutuyuan ako ng lalamunan. >.<

“Aahh… Uhmm…” Tinanggal ko ang braso niya sa likuran ko. Nakapatong kasi sa headrest ng couch eh. Para tuloy inaakbayan niya ako. Enebeyen. >//////<

“Sorry…” =____=

“May paakbay-akbay ka pa kasing nalalaman eh!” I interjected.

“Tss,” lumayo siya ng konti sa akin. “Akbay ba yun? Sandalan yung inakbayan ko, hindi ikaw.”

Inirapan ko siya. In denial talaga ‘tong lalaking ito kahit kailan.

“Ows? Oo nalang.”

SILENCE. Wala na. Awkward silence na ang naghari sa pagitan namin. Magsasalita pa sana ako nang maunahan niya ako.

“I started collecting all these stuffs when I was 5 years old.” Tumingin ako sa kanya. Napansin kong may hawak-hawak siyang isang maliit na Doraemon keychain at yun lang ang tinititigan niya. “Like any other ordinary kids, I used to play outdoor games with my friends. My friends used to collect robotic figures. It just happened that I’ve been into Doraemon eversince.”

“Hindi ka naman ba inaasar na ganyan yung kinokolekta mo?” Tanong ko. Err… Bakit biglang naging seryoso naman ang atmosphere? >.>

He looked to me expressionlessly. “May nang-asar sa akin noon, pero hindi na yun naulit. Binasag ko kasi yung pinagmamalaki niyang Voltes 5.” Sabay ngisi niya.

Wow, bad kid. -__-

“I’d want to tell you a story about this key chain. You just have to listen. Don’t talk, okay?” Seryoso niyang sabi sa akin. Napa-oo nalang ako kahit medyo nag-aalangan ako. Ano kaya yung ikukwento niya about sa Doraemon keychain na hawak niya? :3

Ngumiti muna siya sa akin bago niya ulit balingan ang hawak niya. “Ito ang kauna-unahan Doraemon stuff na nakuha ko. It was given by my Mom when I was 5 years old. Napansin kasi niya na paborito kong panuorin si Doraemon kaya binigay niya sa akin ito.”

I saw a small smile curves his lips. He’s smiling yet his eyes tell otherwise. Siguro, sensitive topic itong pinag-uusapan namin. Pero bakit niya pa ito inopen sa akin?

“Simula nun, lagi na niya akong binibigyan ng ganito. Until one day, we went out for shopping. Binili na naman niya ako ng ganito.” He paused abruptly and then sighed, “5 years old ako noon pero alam na alam ko ang nangyari.”

Hinintay ko siyang ipagpatuloy ang sinasabi niya pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin siyang sinasabi. Dun na ako nag-alala.

“Dustin, okay lang na hindi mo na sabihin sa akin yan. Mukhang sensitive itong topic na ito eh,” sabi ko at tumayo na. Nag-fake pa ako ng tawa para mawala yung seryosong aura ng kwarto. “Ang mabuti pa, uuwi na ako. Tara na?”

Hala. No reply. Nakayuko lang siya at nakatitig dun sa hawak niya. Anong gagawin ko? :/

Haaaaayyy… Naku, iiwan ko nalang siya dito. Kaya ko namang umuwi mag-isa. Wala nga lang akong pera na pamasahe. Sus, madali nalang gawan ng paraan yun. Magtataxi nalang ako at dun nalang babayaran sa bahay.

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon