chapter twenty one--atensyon

7.9K 211 2
                                    

A/N: mas maikli. waha. sensya naman. 


IKADALAWAMPUTISA - Atensyon. 



"Hello, bestfriend." bati ni Charlie kay Andie. 

Nasa mall si Andie at may photoshoot na inaasikaso. 

"Hingal na hingal ka ah. Upo ka nga." sabi ni Andie sa dalaga matapos makipagbeso-beso rito. 

Ngumiti lang ito, "Madali na kasi 'kong mapagod." 

"Oh eh what brings you here?" tanong ni Andie habang nagpapalit ng lense ng camera. 

"Magkikita kami ni Jap e." walang ganang sagot ng dalaga. 

"Hmmm. Eh si --" 

"Wala. Busy silang lahat. Si Jap lang ang available. Okay lang ba?" tanong ni Charlie. 

Mula sa camera ay nalipat naman ang mata ni Andie sa dalaga. 

"Anong 'okay lang ba' ang sinasabi mo diyan?" taas kilay na tanong ni Andie. 

"Wag mo kong taasan ng kilay. Kalbuhin ko yan e." umiirap na sagot naman ng dalaga. "Kunwari ka pa. 'Yang mga paakbay-akbay at pangiti-ngiti niyong dalawa, alam kong iba 'yun." 

Nagkibit-balikat si Andie. "Iba nga. Iba sa magkaibigan. Iba rin sa magbf/gf." 

"In between?" 

"Y-Yeah. I guess.." sagot ni Andie. 

**** 

"Kumain ka ng marami." sabi ni Jap kay Charlie. 

Kasalukuyan silang nagdidinner ngayon at kakatapos lang nilang mamili ng gamit. 

"Wala talaga akong gana." mahinang sagot ng dalaga. 

"Hindi. Kumain ka. 'Wag mo ngang pagmukmukan 'yung gagong 'yun." 

"Kasi naman.." nagsisimula ng maluha ang dalaga. 

"Shhh. May Daddy Jap naman e, Daddy Dave, Mommy Andie, at Mommy Elie. Magkakaibigan tayo, ano ka ba." 

At sa sinabing yun ng binata, lalong naiyak ang dalaga. 

"Di ba niya alam yung feeling ng nadedeadma? Ang hirap e." 

"Huwag ka ngang umiyak diyan. 'Kala pa ng mga tao inaano kita." reklamo ni Jap. 

"Ehh." napasapo ang dalaga sa mukha niya. Hikbi lang ito ng hikbi. 

"Bat ba kasi ayaw kang bigyan ng atensyon nung sirang yun. Nakakainis na." iritang sabi na lang ni Jap. 

WANTED: Perfect DaddyWhere stories live. Discover now