"Di pa ba tapos yan?" pag-iiba nito sa usapan na ang tinutukoy ay ang pagpe-pedicure ko dito.
"Malapit na po!"
Pagkatapos ko itong i-pedicure, inaya ako nito sa boutique ng kaibigan naming si Gina.
"Good Afternoon,Gina!" nakangiting bati ni Jade ng makarating kami sa boutique nito. Kasalukuyang nag-aayos ng mga nakasampay na damit si Gina ng pumasok kami. Ang hands on talaga nito.
Bineso-beso namin ito.
"Di man lang kayo nagsabing darating kayo," anito matapos naming magbeso.
"Kasi naman 'tong si Jade. Biglaan kung mag-aya," sagot ko dito.
Napatango-tango naman si Gina sa sinabi ko.
"Nakapag-lunch na ba kayo?" tanong ni Gina.
"Ayon na nga ang dahilan kung bakit kami nandito. Day-off kasi nitong workaholic nating kaibigan. Dinagit ko na. Mahirap na at baka hindi na natin makuhakapag iniirog nya na ang kasama," singit naman ni Jade. Nang-asar na naman ang magaling kong kaibigan. Wala na atang ibang alam gawin kundi ang buyuin ako. Kumindat pa si Jade kay Gina at nag high five pa ang dalawa.
"Exactly," nakangiting sang-ayon naman ni Gina kay Jade.
"Shut up," I said as I rolled my eyes to them. Naisip ko lang, napakamalas ko nga ata sigurong kaibigan ko sila. Lagi nalang kasi nila akong pinagkakaisahan.
Oo nga pala, si Gina, ay isa sa mga kaibigan kong never kong inasahang aasarin ako. Sa pagkakatanda ko kasi,may crush ito kay Axel. Pero heto at kalebel na nang bestfriend ko sa pang-aasar. Second year High school kami nang maging kaibigan namin ito ni Jade. Si Gina iyong tipo ng tao na hindi mabarkada. Actually kaming dalawa lang ni Jade ang pinakidikit at pinakikisamahan nitong kaibigan noong high school pa lamang kami. Hindi naman sa iwas o aloof ito sa iba, ang katwiran nito'y kaming dalawa lang kasi ang pinagkakatiwalaan nito at higit sa lahat, hindi ito ganoon kabilis mag-tiwala sa isang tao. Sociable naman itong tao kaya hindi nakapagtatakang lumago at successful naman ang boutique nito. Tulad ko, hindi rin nito masiyadong pinagtutuunan ng pansin ang LOVELIFE, hindi katulad ng ilang kabataan. Ang pinagkaiba lang nila ay lantaran naman at vocal ako sa mga nagiging CRUSH ko. Tanging kay Axel lang talaga ako nahihiya. Hehe.
Kaya nga laking pagtataka ko at binubuyo pa ako ni Gina kay Axel. Samantalang miminsan lang naman itong magsabi ng crush nito. Tandang-tanda ko pa ang sinabi nito nang minsang komprontahin ko ito para tantanan na ako sa pang-aasar.
"Hindi ko talaga crush si Axel. Dala lang iyon ng alak noh!" ani Gina.
Hay, again. Ang malas ko ba talaga sa mga kaibigan kong ito dahil sa lakas mang-asar ? O swerte pa din kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin naman nila ipinagkakanulo ang aking nararamdaman?
"Wag na tayong lumabas. Order nalang tayo," suhestiyon naman ni Gina. Halatang wala ito sa huwisyong umalis ng boutique nito.
"Tss. Sige. Mainit eh. I want pizza," sabi ni Jade.
"Oo, sige. Pizza nalang," sang-ayon naman ni Gina kay Jade. Magkasundo talaga sila pagdating sa bagay na iyan. Ang dalawang ito kasi, napakahilig sa tinapay.
After 15 minutes, diniliver na yung inorder naming pizza. Walang kiyemeng kumuha kami ng tig-iisang slice.
"Sarap pala talaga ng pizza sa tanghali!" sabi ko habang ninanamnam ang pizza na nginunguya ko ngayon.
Nagkatawanan nalang kami ng sabay sabay kaming mapatingin sa isa't-isa, para kasi kaming mga bata na ngayon lang nakakain ng pizza. Haha.
"Ang weird. Iba tayo mga sis!" ani Jade at nag-high five kaming tatlo.
YOU ARE READING
WRONG SEND (For editing)
Teen Fiction" KAPAG NAWRONGSEND AKO SAYO , MAAARiNG NAMiSS KITA O SA MAS MADALiNG SABi MAHAL NA PALA TALAGA KiTA :) " Kapag nawrong send ako sayo , ibig sabihin MAHAL KiTA :) that was exactly the text message that I received, reason for me to get inspired and w...
Chapter 3
Start from the beginning
