"Opo." Sabay tango.

"Ang galing naman.Now,we'll talk business later,ang gusto kong malaman ay kung kailan niyo kami bibigyan ng apo sa tuhod."

"Lola!" si JC.

Nagtawanan ang ibang nasa mesa.

"Excuse me lang, ano? Pero ano'ng nagustuhan mo diyan? Ang dami kayang babae niyan." Ang kapatid nito na si Jesy ang nagsalita. Ito ang unang dumating kanina,at buong akala niya,iyun ang girlfriend ni JC,ngunit nalaman niya kay aling Sol na kapatid pala iyun ng lalake.

"Hoy, kahit ate kita, at kaharap ang matatanda, papatulan kita..."banta ni JC, na tinawanan lang ng babae.Gusto din niyang matawa sa narinig pero pinigilan niya ang sarili.

"Totoo naman, a." ayaw paawat ni Jesy. "But don't worry, Princess Anne...wait what should we call you, ang haba naman kung Princess Anne.Anyway,yung mga babaeng na-link sa lalakeng yan,huwag kang ma-intimidate sa kanila.Puro sosyalan at arte lang sa katawan ang alam ng mga iyun.Pero ikaw,look at you,walang arte sa katawan...and I would say,well done,bro."

"Seryoso na ba talaga ito, bata?" ang Lolo Jesus nito.

"Lolo naman,ipapakilala ko ba naman sa inyo kung hindi seryoso? Of course, I'm serious,we are serious." Hinawakan pa siya ng mabigpit sa kamay.

"Eh, bakit ngayon mo lang siya ipinakilala sa amin, aber?" noon lang sumabad ang panganay na kapatid ng lalake.

"Kung ipinakilala ko ba siya sa inyo noong bago pa lamang kami,what do you think what would happened." balik na tanong lalake.

Siguro kundi lang siya hawak ng lalake at kung hindi lang sila nakaupo, kanina pa bumigay ang tuhod niya.

"Baka agad kayong ipinakasal nina Lola." Sagot nito sabay tawa.

"Exactly.Ayaw naming ma-pressure kaya we took our time.Iyun din ang dahilan kung bakit siya nag-resigned.She always wanted to pursue her culinary skills and prove that she can make it on her own.And she did.Her catering services is doing fine just six months after her graduation."

"But you were dating someone else not so long ago..." ang ate Carla uli nito."Ano'ng nangyari doon sa babaeng wavy ang buhok.?

"She was just one of those women I went out with para hindi ninyo malaman na I'm already in a serious relationship."

"And it was alright with you?" si Carla uli.Sa kanya nakatingin. "Aba kung si Antonio yan,matagal nang putol ang kaligayan niya."

Nagtawanan ang lahat sa sinabi nito.Kahit siya ay napangiti siya sa sinabi ng babae.

Tumango siya. "It was my fault. Nakiusap kasi ako na hindi pa kami puwedeng lumantad hangga't hindi pa stable ang negosyo ko." Gusto niyang palakpakan na may kasamang sigawan ang sarili. Hindi niya alam kung paano niya nagagawang calm and cool sa mga oras na iyun.

"Now, that you met her...puwede na ba tayong kumain uli?" tanong ni JC. "Unless, diretso na tayo sa dessert..."

Umalma ang lahat. Nang kumakain na uli sila, she excuse herself.

"Come on, Anne, you should join us..." ang nanay ni JC.Bussiness associates and contacts call her Princess,pero pamilya at malalapit na kaibigan ay Anne ang tawag talaga sa kanya.Hindi naman siya close sa mga ito,ngunit kung bakit iyun ang isinagot niya noong tanungin siya ni Jesy kung ano ang itatawag ng mga ito sa kanya.

"Titingnan ko lang po sila sa loob..." wika niya kaya pinayagan siyang umalis.

Apat na pares ng mga mata ang sumalubong sa kanya pagpasok niya sa kusina,dahil nandoon din si Jonas.

The Temporary Mrs.MontesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon