T2M2: 3

12.7K 369 2
                                    


Chapter three

Isang buwan nang nagtatrabaho si Anne bilang secretary/assistant niya.At sa totoo lang,wala siyang masabi sa work ethics ng babae.Kahit minsan,halata naman niya na pikon na ang babae,pero hindi pa rin siya pinapatulan nito.She was Ms.Efficiency,the perfect 'girl Friday'.

Ang totoo niyan, hindi naman niya talaga gustong magsungit sa babae. Dahil ang totoo,siya ang nag-suggest kay Kristell na offer-an ng permanent position ang babae at ilipat ito sa administration bilang assistant niya.It backfired,because her presence outside his office makes him distracted.At doon siya naiinis.Na nawawala ang konsentrasyon niya dahil sa presensiya ng babae.At ang lalo pang nakakainis,kapag ibang empleyado ang kausap napaka-sweet nito,pero kapag siya na ang kaharap at kausap parang sundalong de numero ang galaw.Tapos bawat pangungusap nito ay may 'sir' sa dulo.Kahit kailan,hindi siya naiiritang tawagin siya ng 'sir' ng mga tauhan niya sa kompanya,pero kung bakit kapag si Anne na ang tumatawag sa kanya ng ganoon,parang sarcastic ang dating sa kanya.Kaya naman kung hindi niya ito napagsusungitan,inaasar naman niya ito.

Sa trabaho, wala talagan siyang maipipintas.Madali ding matuto at may sariling kusa.Na-a-anticipate din nito ang mga pangangailangan niya.Sasabihin pa lamang niya kung anong file o report ang kailangan niya, ay nakahanda na iyun.Nagagawa din nitong ayusin ang kanyang business at social life,sa paraan na hindi iyun nag-o-overlap o nagkakaroon ng conflict.

At sa pagdaraan ng mga buwan, nakita niya kung paanong na-develop ang personality nito.Mula sa tahimik at laging 'yes,sir' na assistant,ay naging assertive at vocal na rin ito sa mga opinion nito.And yes,may mga pagkakataon na sinasagot na rin siya nito,lalo na sa mga pagkakataon na pakiramdam nito ay sobra na siya.Katulad na lang kaninang umaga.Hindi naman niya sinasadyang sigawan ito nang hindi nito nadala kaagad ang file na kailangan niya.Nabuwisit lang siya dahil sa pangungulit ng kanyang pamilya,at iyun nga,kahit hindi naman dapat,sa babae niya naibunton ang inis niya.And boy,that woman is a wild cat pretending to be tame.Pinagalitan din siya nito,at sinabing huwag siyang idadamay sa personal niyang problema.Dinig kasi nito ang halos pagigaw na pag-uusap nila ng Lolo niya sa telepono.

"Pare, we're here to relax. Pero sa hitsura mo, mukhang pasan mo ang mundo." Si Jaiden iyun. Kasama din nila ngayon sa bar ang kambal na sina Jordan at Jordean.Mga barkada niya ang mga ito mula pa noong college.At katulad niya,mga negosyante din ang mga ito.

"Tingnan mo yung dalawa...enjoy na enjoy." Patuloy ng kaibigan.

"Don't worry about me, bro. Sige lang, join Jordan and Dean.Okey lang ako dito."

"Ano ba kasi'ng problema?" pangungulit pa rin ni Jaiden.

Wala siyang planong sagutin ang tanong ng kaibigan, kaya ibinaling niya ang tingin.At napadako ang tingin niya sa isang grupo.

Kumunot ang noo niya nang makilala ang mga ito.

"Kilala mo sila?" narinig uli niyang tanong ni Jaiden.Sa kanilang magkakaibigan, si Jaiden ang pinakamakulit.

"Yeah." Walang ganang sagot niya."Mga empleyado ng Montes,Inc." Grupo ng taga-marketing department ang dumating sa bar-restaurant, at kAsama ng mga ito si Anne,na mukhang enjoy na enjoy.Katunayan ay dinig niya mula sa kinauupuan nila ang tawa nito.

"Cool.Tara,lapitan natin."yakag nito.

"Jacob Aiden, those are my employees.Huwag mo silang idamay sa kalokohan mo." Wika niya.

"Ano'ng kalokohan. Makikipagkilala lang naman." Katwiran nito.

"I know you, so back off."

"Alam mo..." pero hindi nito naituloy ang sasabihin. "Opps, bro, I think your people are in trouble." Nakatingin ang kaibigan sa grupo nina Anne.Sinundan niya ang tingin nito,at eksaktong nakita niya na parang nakikipagtalo si Anne sa isang lalake.

The Temporary Mrs.MontesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon