t2m2: 6

11.2K 338 2
                                    


Chapter six

Pini-fill up-an ni Anne ang paubos ng ulam nang marinig niyang nagsalita si JC.Totoo nga, wika niya sa sarili.Mag-aasawa na talaga ito,katulad ng sinabi ni aling Sol.Kaagad niyang tinapos ang ginagawa para makabalik na siya sa kusina.Nakakahiya naman kapag may nakahalatang masyado siyang affected sa announcement ng kanyang dating boss. Ngunit tila na-estatwa na siya nang marinig na magsalita ang mga kamag-anak ng lalake.

"Niloloko mo ba kami Jesus Carlo?" narinig ni Anne na wika ng isa sa mga Lola ni JC, na sinegundahan ng isa pang Lola nito.

"Where is she by the way?" tanong naman ng mama nito. Inilinga-linga pa nito ang tingin. "Wala namang ibang tao dito..."

"Bata," mahinahon na wika ng Lolo nito. " Kung gumagawa ka ng kuwento para tigilan ka na namin, siguraduhin mo lamang na convincing ang kuwento mo."

"Everybody," putol ng lalake.Hindi inaasahan ni Anne ang sumunod na ginawa ni JC.Halos patakbo itong lumapit sa kanya sa buffet table."Meet the future Mrs.JC Montes," wika nito at mahigpit na hinawakan siya sa kamay. "Princess Anne Chua.She preparaed the food you are enjoying right now." Malakas na wika ng lalake pagkatapos ay binulungan naman siya. "Please, help me out." Pakiusap niya. "I'll explain everything later."Nag-mukha tuloy na para siyang hinalikan ng lalake dahil sa pagbulong nito sa kanyang tainga.

Natahimik ang lahat.Kahit nga siya,hindi alam ang sasabihin niya.Kung ano ang dapat na maging reaksiyon niya.Lalo't nakahawak pa rin sa palad niya ang palad ng lalake.

Si Antonio ang bumasag sa katahimikan."I know you." Wika nito. "Ikaw yung dating secretary-assistant ni JC."

"That's right." Segunda ni Lolo Jesus, matapos nitong titigan  siya sa mukha.

"Secretary-assistant? At ngayon ay cook?" ang mama naman ni JC ang nagsalita.

"'Ma..." pagkatapos ay napatingin ang lalake sa kanya.

"What? Kinukumpirma ko lang naman, a." katwiran ng mama nito. "Halika, iha..." tumayo na ang babae at nilapitan sila pagkatapos ay hinawakan siya sa kamay at hinila pabalik sa mesa. "MAupo ka dito sa tabi ko...ikaw talaga, Jesus Carlo...dapat kanina mo pa siya ipinakilala sa amin. Don't get me wrong iha, hindi sa minamaliit ko ang pagiging cook mo,ang totoo niyan,I'm impressed.Masasarap lahat ang mga pagkain na inihanda mo.Ako,kahit ano'ng gawin ko,taong gutom lang ang nakapagtitiyaga sa mga luto ko.So,tell us, did you really worked with JC at the company?".

"Opo." Tipid na sagot ni Anne.There's no way she could get out of this very soon, kaya wala siyang nagawa kundi ang magpatianod na lamang sa agos.Ngunit kahit gaano pa kalaki ang pagkagusto niya sa lalake,huwag itong pakakasiguro na walang kumpruntasyon na mangyayari.And she will make sure that he will pay big time for throwing her into the lion's den. "Bale two years po.Eighteen months bilang SA niya,at yung unang six months sa marketing department."

"At doon kayo unang nagkakilala?" isa sa mga Lola.

"Opo."

"Teka..." lumapit ang isa pang Lola at tinitigan siya. Kung kaninang tinitigan siya ng patriarch ng Montes family,ay naasiwa na siya ,lalo na ngayon. "Alam mo pamilyar ang mukha mo."

Lumapit na rin ang isa pang Lola. "Matanong nga kita, iha, nandoon ka ba sa birthday party ni Barbara Andres?".

Tumango siya. Siya ang nag-cater sa ika-70 na kaarawan ng dating Justice Secretary.Pagkatapos kasi ng catering project niya noon kay Mrs.Bettina Alfonso, sunod-sunod na ang mga bigatin na naging kliyente niya.

"Tingnan mo nga naman. Noong isang araw lamang ay binabalak kong tawagan si Barbara para hingin ang contact number ng nag-cater sa party niya.Tama ba ako,na ikaw ang nag-cater sa party niya?"

The Temporary Mrs.MontesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon