Kabanata 14

190K 2.3K 57




--


Kabanata 14




Pagkadating namin sa isang simbahan, sarado na ito dahil gabi na. Pero mabilis akong hinila ni Drake papunta sa likod ng simbahan kung saan may isa pang daanan.




"Drake hijo! Gabi na ang dalaw mo ah?" Bati saamin ng isang madre na parang mga nasa 50's na, kaagad akong tumungo!




"Go-good evening po!!" Bati ko, narinig kong tumawa ng mahina ang madre.




"Magandang gabi rin sa iyo hija.."




"Sister Jessy, si Kei Marie nga po pala.." Masiglang pakilala saakin ni Drake, tinignan ko siya at mukhang masayang masaya siya na makarating kami ngayon dito.




Tumango tango ang madre at ngumiti..




"Sister okay lang po ba kung ipakita ko sakanya yung loob ng simbahan kung saan kami magpapakasal?" Ngiting ngiting sabi niya! Nag init ang mukha ko at kaagad ko siyang hinampas sa braso niya!




Tumawa si Sister Jessy. "Ikaw talagang bata ka oo, gabi na. Mabuti nalang at may mga sakristan na naglilinis sa loob.. Hala sige pumasok na kayo hangga't bukas pa ang ilaw.." Sabi ng madre at marahan kaming ipinagtulakan sa loob ng simbahan.




"Salamat po sister!"





Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng simbahan hindi ko maiwasan ang mamangha sa ganda nito, kulay ginto ang buong altar at napapalibutan ito ng malalaking poon at maraming bulaklak.. May mga paintings din sa kisame ng mga angels at sa gitna ng altar nandun ang imahe ni Jesus. Sa isang mahabang mesa naman nakapatong ang isang maliit na krus.




Umikot ako at nakita ko sa itaas ang isang piano at tatlong microphones, doon siguro nakapwesto ang mga choir. Ang mga mahahabang upuan naman ay kulay brown at sobrang kintab ng mga ito na halatang araw araw pinupunasan, maging ang sahig ay nagkikintaban..




Sa bawat pader naman ng simbahan nakasabit ang mga paintings ng mga santo habang sa ilalim naman ng mga paintings na yon nakasulat ang mga pangalan ng mga ito maging ang feast day nila. Sobrang gaan ng pakiramdam ko, tahimik at talaga namang mararamdaman mong sobrang blessed ka. Abalang abala naman yung mga sakristan sa paglilinis.




Napalingon ako kay Drake na ngayon ay titig na titig sa reaction ko.


"H'wag kang magulat kung bakit ganito ako." Bulong ko, "Alam mo ba Drake, sa sobrang daming nangyayari sa buhay ko, ngayon ko lang narealize na may importanteng bagay akong nakalimutan." Patuloy ko.




Nakatitig lang siya saakin at halatang nakikinig sa mga sinasabi ko.




"Nakalimutan kong dumalaw at kausapin siya, lalo na nung mga panahong nasasaktan ako. Ngayon alam ko na, kung bakit sobrang sakit nalang ng lahat ng napagdaanan ko, dahil nakalimot ako..nakalimutan ko siya.." Bulong ko habang nakatingin sa gitna ng altar, naglakad ako para mas malapitan ko itong matitigan, naramdaman ko namang sumunod siya saakin. Totoo yon, minsan kasi sa sobrang saya ko nakakalimutan kong magpasalamat sakanya. Kaya siguro ganun nalang kasakit yung mga naranasan ko, para ipaalala niya saakin na nandito lang siya bakit hindi ko siya lapitan?




"Kei Marie.." Bulong ni Drake saakin..




"Dito kinasal ang Mama at Papa ko..dito rin kami nagsisimba tuwing linggo kapag kumpleto kami." Kwento niya.. Tinitigan ko siya, nakatingala siya ngayon at matamang tinititigan yung mga paintings.




"At seryoso ako sa sinabi ko kanina..gusto kong makasal sayo..sa simbahan na 'to."




Napatulala ako sa sinabi niya, tinignan niya ako sa mga mata ko at nakita ko ang sensiridad doon..marahan siyang ngumiti. Huminga ako ng malalim, masarap ngang marinig yung salitang ikaw ang gustong pakasalan ng isang lalaki at sa mismong simbahan niya pa iyon sinasabi saakin.




"Drake..bata ka pa, marami ka pang makikilalang iba diyan." Sabi ko sakanya, hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin kung bakit ako?.. Ang dami namang iba diyan..pero hindi nawala ang ngiti sa labi niya.




"Alam ko. Pero kahit ganun, ikaw yung gusto kong makasama sa araw na ikasal ako. Gusto ko ikaw yung katabi ko sa harapan ng altar na 'to.." Seryosong sabi niya, na nagpainit ng mukha ko.




"Pero paano kung hindi ako?" Tanong ko sakanya, lumungkot ang mukha niya pero hindi niya binitawan ang titig sa mga mata ko.




"Pipilitin ko Kei Marie..pipilitin kong ikaw ang hintayin sa simbahan na 'to sa mismong araw na yon." Aniya at napapikit ako ng maramdaman ko nalang ang labi niya sa noo ko.




Humiwalay siya saakin at tinitigang muli ang mata ko. Napatingin ako sa kamay naming dalawa ng pagsalubungin niya ang mga daliri namin, sandali ko pang tinitigan ang buong simbahan at tahimik na nagdasal, humingi na rin ako ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan.




"Mag wish ka Kei Marie. Sabi kasi ni sister Jessy, kapag first time mong makapasok sa ibang simbahan, pwede kang mag wish ng isa at magkakatotoo daw yon.. Kaya nga nung first time kong makarating dito nagwish kaagad ako." Sabi niya.




"Totoo?" Tanong ko sakanya, tumango siya bilang sagot.. Ipinikit ko ang mata ko at nagsimula akong humiling, naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.




"Tara na.." Yaya ko sakanya pagkatapos kong magwish..



"Anong winish mo?" Usisa niya, ngumiti ako. "Secret.." Sagot ko sakanya saka nauna na akong lumabas ng simbahan, kung ano man yung winish ko, akin nalang yon.. Joke, sasabihin ko sa inyo kapag natupad na.




Nagpaalam na kami kay sister Jessy, hihintayin niya raw ulit kami ni Drake sa susunod na pagbisita namin.




Nasa gitna kami ng biyahe pauwi sa unit ko.




"Palagi ka ba dun?" Tanong ko sakanya.




"Hmm, medyo. Nung bata palang kasi ako madalas na pumunta kami ni Mama sa mga events na ginagawa nila Sister Jessy." Kwent niya.




"Ah..kaya pala mukhang kilalang kilala ka na niya." Sabi ko, tumango tango naman siya bilang sagot.




Pagkarating namin sa unit ko...




"Dito ako matutulog!" Nanlaki ang mata ko! Kaagad niyang ibinagsak ang katawan niya sa couch at pumikit! Lumapit ako sakanya at hinampas ko siya ng unan!




"Hindi pwede! Umuwi ka na nga." Naiinis na sabi ko! Pero ngumiti lang siya at hinila yung unan na hinampas ko sakanya sabay niyakap.




"Good night sweetheart.." Bulong niya ng hindi iminumulat ang mata.




"Bakit dito ka matutulog?!!"




Hindi siya umimik, tinitigan ko siya, napansin ko namang madumi yung damit niya.




"Yuck Drake, matutulog ka ng madumi ka? Tignan mo nga yang damit mo.." Nandidiring sabi ko sakanya, seryoso, hindi ako nakakatulog na may madumi saakin! Nakakapanlagkit kaya, minsan lang pala kapag lasing na lasing ako noon, pero nagigising din ako para magshower.




"Yun lang ba.." Aniya, saka umupo siya at halos manlaki ang mata ko ng hubarin niya yung suit niya saka polo niya sa loob ng suit, kaagad ko siyang tinalikuran! Narinig ko naman ang pagngisi niya.




"Good night sweetheart.. Maninigurado lang ako na walang asungot na papasok dito sa condo mo.. Simula ngayon itong couch na 'to ang kama ko." Tumatawang sabi niya! Ano daw?! H'wag mong sabihing dito siya titira?! Humarap ako sakanya!




"Hoy! Drake! Hindi ito binili ng Papa ko para magpatulog ng lalaking gaya mo!" Sigaw ko sakanya!




"Oh edi kakausapin ko si Papa, sasabihin ko hinuhuli kita sa salang pagnanakaw ng puso ko! Kaya ikukulong kita dito araw araw!" Ngiting ngiting sabi niya, nag init ang mukha ko! Marie? Ikukulong ka daw araw araw? Ayos lang basta ba palagi siyang nakatop less, ah este! Dammit Marie! Kung ano ano nanamang iniisip mo!




"Hoy wala akong ninanakaw sayo!!" Sigaw ko sakanya! Ngumisi siya at tumayo! Natigilan ako dahil dahan dahan niyang tinatanggal ang belt ng pantalon niya! Nakatop less na siya at titig na titig saakin, napanganga ako at pulang pula na ang mukha ko dahil sa ginagawa niya!




"Ninakaw mo ang first kiss at puso ko sweetheart, kaya naman sisiguraduhin kong ikaw at ako hanggang huli.." Nakangiting bulong niya! Pero hindi ako nakapag focus sa sinabi niya dahil sa katawan niya nakafocus ang sistema ko! Ghad Marie!




"A-anong ginagawa mo?!!" Hiyaw ko sakanya at umatras ako! Kinindatan niya ako at dahan dahan naman niyang tinanggal sa pagkakabutones ang pantalon niya! Tanaw na tanaw ko na yung tatak ng boxer shorts niya! Ghad! Napalunok ako ng sunod sunod!




"Mainit kasi sweetheart, hindi ako makatulog ng may suot suot na damit.." Tumatawang sabi niya!




"Hoy Drake!! Tumigil ka!!" Halos lumabas na ang lungs ko sa pagsigaw kaya naman tuwang tuwa ang loko dahil nakikita nanaman niyang naiinis ako! Bigla siyang kumanta at talagang pinasexy pa niya ang boses niya!




"I can't fight this feeling any longer..and yet I'm still afraid to let it flow.. What started out as friendship, has grown stronger.. I'd only wish I had the strength to let it show.." Hinila na niya ang belt niya saka dahan dahang ibinaba ang zipper ng pants niya! Dammit! Drake Cortezano h'wag na h'wag kang lalapit saakin! Napakabastos mong nilalang! Pero dahan dahan siyang naglakad palapit saakin! Yung mga mata niya wagas nanaman makahila! Itinaas ko ang kamay ko!




"H'wag kang lalapit! Ibabato ko sayo 'to!!" Sigaw ko saka hinila ko yung isang picture frame sa gilid ng tv ko! Ngumisi lang siya at pinagpatuloy ang pagkanta!




Mabilis akong tumakbo papasok sa kwarto ko bago ko pa makita yung yung yung buong suot niyang boxer shorts! Nilock ko ang pintuan ko! Narinig kong tumawa siya ng malakas na para bang nag tagumpay siya!




"Ghad.."




Bakit ba ang hilig niyang maghubad? At sa harapan ko pa talaga?! Napalunok nanaman ako ng marinig kong kumakanta pa rin siya sa sala!




"I tell myself that I can't hold out forever, I said there is no reason for my fear.. Cause I feel so secure when we're together.. You give my life direction, you make everything so clear.." Maganda ang boses niya, lalaking lalaki at sobrang sexy.. Aish! Nakakainis! Umalis na ako sa pagkakasandal ko sa pintuan at dumiretso na sa cr para makapag shower na..




"And even as I wander, I'm keeping you in sight.. You're a candle in the window on a cold, dark winter's night, and I'm getting closer than I ever thougth I might..Hmmmm--" Napatigil ako ng mapagtanto ko kung anong kinakanta ko! Geez, ang lakas manghawa ni Drake ng kaadikan niya! Nagmadali na akong magshower at pagkatapos humiga na ako sa kama ko..




Ala una na ng madaling araw at hindi pa rin ako nakakatulog.. My ghad, kapag hindi nanaman ako nakatulog nito dalawang araw na akong kwago. Umikot ako ng umikot sa kama ko, pero natigilan ako ng maalala kong nasa labas lang si Drake, tulog na kaya siya? Dahan dahan akong tumayo at sinilip ko siya sa may pintuan. Napanguso ako, buti pa siya tulog na..dumako ang mata ko sa katawan niya, ehh?? Nanaman? Kainis naman kasi.. Napalunok ako ng bumaba ang tingin ko, nakaboxer short lang siya, yung mga damit niya nakasabit sa isang couch. Ang manyak mo Marie! Nahawa ka na sa kamanyakan niyang Drake na yan!




Napapitlag ako ng gumalaw siya, akala ko naman nagising pero bigla akong natigilan ng mapansin kong ang ginawa niyang unan ay yung gilid ng couch.. Pumasok ulit ako sa kwarto ko at kinuha ko siya ng unan at kumot!




Dahan dahan kong inangat ang ulo niya para malagyan ko siya ng unan, iniiwas ko naman ang mata ko dun lintik na katawan niya.. Tumalikod ako at pinagpag ko yung kumot saka pikit mata kong inilagay sa katawan niya yon!




Sandali ko pa siyang tinitigan, sinong mag aakala na magiging ganyan siya kagwapo? Tsk. Bumalik na ako sa kwarto ko at tuluyan ng nakatulog..



****



Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!