Prologue

70 23 6
                                        

Hello ito ang kauna unahan kong story sana magustuhan niyo

_______________________________________

Haring Fernando's Pov

"Mahal na hari mahal na hari, ang mga MAUVAIS nasa labas ng kaharian, kailangan daw po kayong Makausap." Sabi ni kyline isa sa aking mga royal Guard.

"Ha!!! Bakit daw?" Tanong ko naman dito, halata sa mukha nito ang matinding takot na para bang mahihimatay na ano mang oras

"Ma-mahal na ha-hari di ko po a-alam pe-pero po marami sila sa labas at nakapalibot sa buong kaharian" sabi nito

"A-ano??" Siguro nalaman na nila kaya sila nagpunta dito.

"Tawagin mo ang lahat ng heneral, papuntahin mo sila dito ngayun din. At lahat ng mamamayan dalhin mo sa ligtas na lugar, di ko alam kung anong plano nila pero magkakaroon ng digmaan dito." Sabi ko

"Opo" mabilis siyang tumayo sa pagkakaluhod at mabilis na lumabas sa silid.

Di kaya nalaman na nila, Paano nila nalaman ng ganun ganun nalang, walang nakakaalam nito kundi ako lang at ang aking pamilya. Sino ang nagsabi sa kanila nito.

"Ama" sigaw ng aking mga anak,lumapit ang mga ito at niyakap ako. Kakapasok lang nila sa silid pagkatapos lumabas ni kyline

"Fernando, ano ang naririnig ko sa labas, na nandyan ang mga mauvais?" Tanong saakin ng pinaka mamahal ko na si Reyna floresca

"Oo mahal ko, nandyan sila kaya ipapadala ko kayo sa ligtas na lugar para hindi kayo madamay" sabi ko sa kanila.

"Ama at ina, paano po si Angelo?" Tanong ng aking anak na si Prinsipe Eroll

"Anak kasama nyo siya, kailangan na sa ligtas siya na lugar kasi siya ang habol ng MAUVAIS" sabi ko

"Ha!?? Pa-paano ni-nila nalaman mahal ko. Diba tayo lang ang nakakaalam nun" sabi saakin ng aking reyna floresca. Lumapit siya saakin habang naiyak at niyakap ako

"Tahan na reyna ko" pagpapatahan ko dito.

"MAHAL NA HARI" sabay sabay na sabi ng aking mga heneral

"Heneral Hit, lumapit ka dito." Lumapit siya saakin pero bago siya tumabi saakin lumuhod muna siya tanda ng respeto niya saakin

"Mahal na hari ano po yun?" Tanong niya saakin. Lumapit ako at bumulong sa kanya

"Hit, ikaw na bahala sa aking pamilya dalhin mo sila sa ligtas na lugar na hindi malalaman ng mga MAUVAIS at ingatan mo ang aming anak na si Angelo. Ikaw sa lahat ang pinagkakatiwalaan ko, sana hindi mo ako biguin. Kung may mangyari man, alam ko na kayang kaya mo iyon dahil ikaw pinakamalakas dito. Kaya May tiwala ako saiyo" mahabang bulong ko dito

"Opo kamahalan, hinding hindi ko po kayo bibiguin. Hanggang sa kamatayan ko" lumuhod siya saaking harapan

"Tumayo ka na dyan at gawin mo na ang pinapagawa ko saiyo" sabi ko sa kanya

"Opo mahal na hari"

Lumapit ako sa mga anak ko at niyakap sila at hinalikan sa pisnge. Lumapit din ako sa aking asawa at niyakap ito. Pagkatapos nun humalik din ako sa kanya.

Di ko alam kung anong mangyayari, pero sana makita ko pa ang aking mga anak, asawa at lalong lalo na si Angelo.

"Ma-mahal kong reyna, huwag na huwag mong pababayaan ang ating anak lalong lalo na si Angelo. Mahal na mahal kita." Ito na ang huli kong sinabi at dinala na ni Heneral Hit ang aking pamilya sa ligtas na lugar. Sana
maging ligtas sila dun at gabayan nawa ng Panginoon sila.

PROJECT ONEStories to obsess over. Discover now