M: Woah. Psychic ka ba? Paano mo nalaman?

A: No. I'm a psychotic.

M: Lols. Funny funny funny, very very very.

A: Location?

M: Paanong location? Asa bahay ako kaharap ang laptop ko.

A: No. I mean taga saan ka Miss?

M: Just call me Sweet. Hmm. Noon sa Pasig ako nakatira pero umuwi na ako ngayon sa Bulacan para mag aral ng college.

HAHAHA! Nagpatawag lang akong Sweet dahil ang tamis masyado ng pangalan ko.

A: Ah ok Sweet? Hahaha. Ako man somewhere in Bulacan na. Dito na nakabili ng panibagong house yung daddy ko pag uwi namin.

M: Ah. Ok. San galing?

A: Sa tyan ng nanay ko.

M: Buset! Hahahahaha. Ahm Siomai?

A: Yes Sweet?

Shocks. Para po kaming magjowa sa tawagan namin. Hahahaha!

M: Sorry kung ano. Ahm. Sa tingin mo ang kapal ng mukha ko ah. Pwede bang mahingi ang... ano. Hahaha.

A: Sure. 09213456789

M: Wow! Paano mo nalaman yung gusto kong hingin?

A: Haha. Yan lang naman pwede mong hingin sakin bukod sa puri ko. Sa dalawang yun, number ko lang ang pwede kong ibigay.

M: Ay grabe sya oh. Hindi ko hihingin yang puri mo dahil meron din ako nyan. Still intact.

A: Haha. Joke lang. Pero seryoso. Ibibigay ko lang kasi talaga to sa babaeng mapapangasawa ko. Hindi lang ang best gift ng babae ang virginity nya. Pati dapat ang lalaki ganun din ang mindset.

M: Woah! Slow clap with matching standing ovation for you Siomai!

A: Thank you. Thank you. Hahaha. Hmm. Usap naman tayo tungkol sa interests natin. What else are you doing aside from studying?

M: Hmm. Matulog, kumain, matulog ulit, magbasa ng story sa wattpad. Hmm. Ano pa ba? Magmove on? Hahaha. Ikaw?

A: I'm into sports in Lottie Academy. Saka ano. Haha. Freelance model.

M: Wow! Ang gwapo mo siguro noh Kuya? Nako. Hahanapin kita sa Academy. Hahaha

A: Magkikita rin tayo dun kaso baka magkasalubong lang ganun.

M: Tama nga naman, paanong mapapansin ng isang something na katulad mo ang isang nobody na katulad ko?

A: Grabe ka naman. Di naman ako ganung tao.

Nakangiti ako habang kachat si siomai nang biglang umepal si ate Kisses.

"Uy! Ano na namang kababalaghan yang ginagawa mo?" Biglang gulat nya sakin sa may bandang likuran.

"Tss. Wala. Bakit ka ba nandito?" Hinarap ko sya at miniminimize ko muna ang laptop ko.

"Aba. Bumaba ka kaya ng makakain na kami. Alam mo naman na gusto ni kuya Tob na sabay sabay tayo kumain di ba? Kanina pa ko nagugutom." Reklamo ni ate at hinimas himas pakunwari ang tiyan na wari'y gutom na gutom.

"Mauna na kayo kumain." Pagkasabi ko nun, kaagad naman akong nakatikim ng batok sa ate kong parang lalaki.

"Nakakajirits kang bata ka! Kakasabi ko lang na ayaw magsimulang kumain ni Kuya Tob ng wala ka tapos di ka kakain? Pati ako idadamay mo? Wag ganun kapatid!" Nginusuan ko sya tapos ay bumaba na rin ako ng walang sinasabi kay ate. Sakit ng pagkakabatok nya sakin eh. Pati baba ko tuloy tumusok sa dibdib ko sa sobrang lakas ng hampas nya.

"Hershey bakit ba ayaw mong kainin yan. Yung nguso mo parang si donald duck na sa haba." Dinuro duro pa ni kuya Tob ang nguso ko. Di lang dinuro, nahawakan nya pa. Bakit ba yung nga tao dito ang hilig ipatikim ng kamay nila?

"Eh kasi Kuya Toblerone nabatukan ko yan kanina, ayaw pa kumain." Sinamaan ako ng tingin ng dalawa, syempre ginantihan ko rin ng matalim na tingin.

"Oh ano na naman ang inaatupag mo dun sa taas at ayaw mo pang bumaba?"

"Sus. Nakita ko may ginagawa sa laptop nya." Napatayo naman si kuya sa sinabi ni ate.

Sus. Ang OA.

"Nanunuod ka ng porn?" Hysterical nyang sabi. This time siya naman ang binatukan ni ate Kisses. Buti nga sa kanya.

"Aray! Bakit mo naman ginawa yung Kisses?"

"Gagu. Ang OA mo kuya! Ginagaya mo pa sayo tong si Hershey. Nakikipagchat lang sya." Mukhang nagbago na naman ang mukha ni kuya. #feeling relieved

"Ah akala ko kung ano ng kababalaghan ang ginagawa mo dun. O sya kumain ka na."

"Di ka nagagalit kuya Tob?" Tanong ko.

"Hindi. Ano namang masama? Kung 'yan ang makakapagpasaya sayo at magpapakalimot kay Carlo sige lang. Alam ko namang nagtanda ka na." Nangiti na lang ako sa sinabi ng kuya ko habang si ate Kisses naman ay hindi na nakikinig at nakaconcentrate sa pagnguya nya ng pagkain.

Pag-akyat ko sa taas, kaagad kong binuksan ang laptop ko at nagoffline na pala si Siomai pero, may iniwan naman syang message.

A: Sweet mukhang nawala ka na. Salamat sa time na binigay mo para kausapin ako. Itext mo ako mamaya para malaman ko number mo. Sige! Until next time!

Dahil sa kerengkeng ako, tinext ko si Siomai kaagad. Ok, hindi naman sa desperado akong magkaroon ng textmate pero ewan. Ang gulo ko talaga madalas.

Ganito talaga kasi ang mga bida. Masakit masyado sa bangs!

Inabangan ko ang reply ni Siomai hanggang gabi at hindi naman ako nabigo sa pag iintay. Nagtext kaming dalawa hanggang sa inabutan na kami ng antok kaya hindi ko na masyadong matandaan ang mga nangyari.

Isa lang ang alam ko,

Nakatulog ako ng may ngiti sa mga labi.




AN: Nagalit sa akin ang kapatid ko 'nung inunpublish ko ito. Paano kasi ito lang inaabangan nya sa mga sinusulat ko. Hahaha.

chix101316

©K.R.A.

Book cover by: shawol_key

-Guys, paggawa kayo ng book cover sa kanya. Haha. Wala syang magawa ngayon sa buhay nya.

Omegle To ForeverWhere stories live. Discover now