-HERSHEY-
Umuwi akong umiiyak ng hapong iyon habang tinatahak ko ang mabatong daan patungo sa amin.
Kainis lang. Kainis talaga! Sa dami- dami ng taong makikita ko bakit sya pa? Letche talaga to the Nth power. Kaya nga ako umuwi dito sa Bulacan para makalimot eh, tapos makikita ko sya dito?
It's a small world after all...
Ika nga sa kantang pambata na aminin nyo man sa hindi ay kinanta nyo noong kindergarten kayo.
It's a small, small world!!!
"O Hershey bakit mugto na naman yang mata mo?" Tanong ni kuya Toblerone sakin pagdating ko. Oo na. Tama kayo ng narinig. Yun ang pangalan nya, yung tsokolate. Buti nga yung akin maganda-ganda, pang tao.
"Wala kuya, ang hirap kasi ng pagkuha ng schedule sa school. Agawan sa time slots!" Sabi ko pagkalapag ng aking bag sa may sofa.
"Sus. Ikaw talaga. Parang yun lang eh. Akala ko umiiyak ka na naman ng dahil kay Carlo." I bit my upper lip. As usual tama na naman si kuya. Pero syempre ako ang dakilang denial queen.
"Hindi kuya Tob. Hahaha. Move on na kaya ako." Nakapamewang ko pang sabi.
Maya maya pa, sumingit ang magaling kong ate. Kakagaling nya lang siguro sa banyo.
"Hoy Hershey basta siguraduhin mo lang ah. Sabunot abot mo sakin sige." Hinila nya ng marahan ang buhok ko.
"Yuck! Ate Kisses naman eh! Kakagaling mo lang sa banyo tapos hinawakan mo ang buhok ko!" Nagsmirk naman si ate tapos pinaamoy nya sakin ang kaliwang kamay nya. Litsi! Nalasahan ko pa!
"O yan amuyin mo pa! Arte-arte mo naman!" Tinanggal ko ang mabaho nyang kamay sa mukha ko at kaagad na lumayo kay ate.
"Ppsssshhh. Ang baho ng kamay mo! Bakit ba napakaboyish mo kasi Ate Kisses?"
"Yuck. Enough of that name Hershey. It sucks you know? Bakit ba kasi tayo ipinangalan ng mga magulang natin sa chocolates eh. Di pa ba sapat yung Tsokolate ang apelyido natin?" And yeah. You heard that right. Ganun kapanget ang pangalan namin. Hahahaha.
"Ok lang yan ate. Pinakapanget pa rin naman ang pangalan ni Kuya." Napatingin naman samin si kuya Tob.
"Ano masama sa pangalan ko?" Ani nya.
"Toblerone Tsokolate." Sabay naming sabi ni ate Kisses sabay tawa. Namayani ang tawanan naming magkakapatid kaya nakalimutan ko sandali ang kalungkutan na nadarama ko.
Umakyat na ko sa taas pagkatapos ng tawanan session naming magkakapatid. Haaaayyyss.. Buti na lang talaga at ganyan silang dalawa kun'di matagal na kong nabaliw.
Pero sabagay, matagal na kong baliw eh. Hahahaha
Chineck ko ang cellphone ko at may hindi pa pala ako nababasang text message. Hmm. Galing sa bestfriends kong sina France at Andorra. Kambal nga po pala sila. Iba naman yung trip ng mga magulang nila sa pagpapangalan sa kanila at alam nyo naman na siguro ngayon kung ano yun. Tsk. Tsk. May sapi sigurong kung ano yung mga parents namin.
From Andy:
Hey Sissi! Kamusta sa bago mong school? By the way di ko na nga pala namamataan si Carlo dito sa subdivision namin malamang patay na. Hahaha
Nireplyan ko naman agad si Andy.
To Andy:
Wish ko lang na namatay na yun noh.
YOU ARE READING
Omegle To Forever
Teen FictionFrom strangers to lovers, the internet finds it's ways.
