Who is SHE?

3.9K 42 1
                                    

'Sa dinami-dami nga naman ng pwedeng tamaan ng pana ni kupido, bakit sakin pa naligaw yung palaso? Palasong nagdulot ng pasakit sa buhay ko. Pambihira! Anak ng tadhana nga naman. Osige, oo, inaamin ko naman sa sarili ko na hindi ako interesado sa mga buhay pag-ibig na yan. Na hindi ako naniniwala sa forever nilang pinag-iinteresan. Pero anak ng tokwa! Dumating sa point na di ko nakayanang pigilan yung nararamdaman ko, na nalilito na ako sa kung ano man tong nararamdaman ko. Na-realize ko nalang na unti-unti na pala akong nahuhulog sa taong akala ko hindi ko pwedeng mahalin. Hindi nga ba pwede o ayaw ko lang talagang aminin sa sarili kong sobrang mahal ko na pala siya?'

Siya si Kathryn Francheska Bernardo – mas kilala sa pangalang Kathryn Bernardo. Family relatives call her Kath or Cheska. Nag-iisang anak at tagapag mana ng BUM (Bernardo Universal Magazine) Corporation sa UK. Kasalukuyan siyang nagsasanay sa kilalang Fordilla Building. 21 years old – a fresh graduate from International University of the Philippines. She's kind of rebelious, pero hindi tulad ng ibang bagets ngayon na pakalat-kalat. Siya yung tipong tatakasan ang isang bagay pero sa huli hindi naman niya binibigyan ng halaga at da-daanin niya nalang sa pag-inom ng alak. A typical daughter in a different way - I should say.

Kung siguro iniisip niyo siyang tanungin tungkol sa buhay pag-ibig? I must warn you, wag niyo nang subukan, dahil baka pagsisihan niyo pa kung bakit niyo nai-tanong. Si Kath kasi ang taong di naniniwala sa pag-ibig, yung tipong wagas-wagasan. Yung fairy tales ang peg, happy ever afters, ang e-echos. Sa sine lang daw kasi nangyayari ang mga bagay na yan and we were placed in reality. Wala siyang paki sa mga sasabihin ng iba tungkol sa kanya. Basta kung ano yung ginagawa niya na para sakanya ay tama, she won't hesitate to still believe and follow in her perspective.

Mapagmura, lumalaban, nanununtok, namamahiya at walang paki – mga pangkaraniwang ugali ng isang tao. Believe me or not, all of the following could apply to her personality. Pero sa kabila ng mga bad sides na nasa kanya, her good and kindness were still overflowing in her well-being. Walang kung sino ang nakakaalam maliban nalang sa kanyang mga kaibigan, pamilya at mismo sa kanyang sarili.­­

She's simple, maganda, has a strong charms and hotness. Mabait sa mga taong nagmamahal sa kanya at minamahal niya. Tahimik sa paningin ng iba, but when you get to know her? You'll see, may pagkamadaldal din pala. She'll just transform and be the most polite, bubbly and funny person when she's comfortable with you. Hindi nakikita ng iba, dahil ayaw niya ipakita yung totoong siya. She's not plastic nor pretender, in fact she's a very straight-forward human being. Ma-aasar ka lang.

Sometimes you can't deny the fact that you actually thought – rich people are elitists. Pero ibahin mo siya, she's different from most rich people you thought they were. She's like an angel - literally an angel who never fails to help others with their wealthiness. A very down to earth person and that's the good thing about her. At kahit saan pa man siya mapadpad, her beauty is nothing less than perfect. Hindi ma-iwasang may mga humahanga sa kagandahan niya. But to her? It's nothing – all is just nothing. She won't thank you for those praise and compliments. Maybe because she's not comfortable. Seriously, even I, can be uncomfortable with that.

She's a Daddy's girl. Yung Mommy naman niya, masyadong busy sa business nila sa ibang bansa, kaya mas madaming oras ang Ama niya sa kanya kesa sa Ina. Parehong nag-a-out of the country ang dalawang magulang, pero umuuwi naman ang mga ito kapag tig-buwan, minsan ilang buwan pa o kaya taon. Masyadong okupado ang oras nila sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Pero mahal na mahal naman siya ng mga ito. Lagi nga siya sinusurpresa eh. Mahal niya rin naman ang magulang niya ang kaso 'through spirit' ang peg.

Julia Montes, Miles Ocampo, Aria Clemente and Kiray Celis – mga kaibigang may mga kanya kanyang pag-uugali na minahal at tinanggap ni Kath ng buong puso. Mga kaibigan na tinuring niyang parang tunay na kapatid. Tulad ni Kath, may mga yaman at lakas sa bansa ang dinadalang pangalan ng mga ito. Mga taga-bulabog at taga-aya ni Kath sa pag-gala, lalo na kapag tig-inuman. Hindi niya naman matanggihan ang mga ito, kaya minsan pumapayag nalang siya. Mas gusto ni Kath na nasa bahay lang lagi, pero dahil sa mga kaibigan niyang sobra kung lumabas at mag-gaga-gala.. wala narin siyang magagawa.

Yan si Kathryn Bernardo.

YOU ARE MINE (KathNiel Presents)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon