Stalker ka?

427 15 3
                                    

CHAPTER 2

Sydney

Ang sarap talaga ng kape lalo pa at kaulam ng peach mango pie!

Ito ang paborito kong dessert pagkatapos kong mag-breakfast bago umuwi ng bahay galing hospital. Kahit nakakapagod at palaging toxic ang night duty bilang isang nurse ay nakasanayan ko na rin.

Kalahating taon na rin ako dito sa Maynila at kahit paano ay nakapag-adjust na rin naman. Masyadong mabilis ang buhay dito kumpara sa bayan namin sa Legaspi. Kung hindi lang talaga kailangan kong umalis doon at iwan sina Mamang at Papang ay di ako magpipilit magpaka-independent dito.

Sa totoo lang malungkot. Hindi ako sanay na mag-isa. Sa bahay namin ay palaging maingay kumpara sa bahay ng Tita ko dito sa Evangelista na palaging tahimik. Well, okay din naman na tahimik kasi tulog ako sa araw, gising sa gabi. Ang mga katulad naming mga nurse ay parang mga paniki. Pero di naman ako mukhang paniki. Di naman siguro ako magiging Miss Lakambini ng Legaspi kung copycat ng face ng bat ang face ko.

Off ko ngayon. Wednesday. Pagkakain ko ng breakfast ay magsisimba ako sa Baclaran. Sayang at na-miss ko ang unang araw ng simbang gabi. Sa probinsiya naku-kumpleto ko iyon. Di pa naman kasi ako nagtatrabaho noong isang taon. Naghihintay pa ako ng result ng board exam.

Saktong nakapasa ako sa board, sakto rin na nalaman kong dalawa pala kaming girlfriend ni Ramir. Ang lupit lang ng kapalaran ko pagdating sa pag-ibig.

Noong high school ako, na-in love ako sa bestfriend kong si Daniel. We're okay naman, sweet-sweet-an. Hindi naman kasi mahigpit ang parents ko pagdating sa pagbo-boyfriend granted na di bababa ang grades ko. Kaso, pumasok siya sa seminaryo. Sino naman ako para ipagkait siya kay God? Tinanggap ko na lang ang lahat dahil iyon ang gusto niya. Mga bata pa nga lang kami ay palagi niyang sinasabi na magpapari siya. Akala ko joke joke lang pero totoo pala.

That was my first heartbreak.

Nakilala ko si Ramir noong college na ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakilala ko si Ramir noong college na ako. He was a medicine student. Ahead sa akin ng dalawang taon. Typical boy meets girl. Boy courts girl then in a relationship na.

Who wouldn't fall in love with Ramir? He has the looks, the brains and the attitude. Aside from being a star basketball player, vocalist pa siya ng banda. Girls were all over him. Known playboy rin.

Ayoko sana siyang sagutin pero pursigido siya at naipasa niya lahat ng pagpapahirap na pinagawa ko. Added factor na rin na crush ko siya kaya the rest is history.

But then, once a playboy always a playboy.

May pa-propose-propose pa siyang nalalaman noong graduation ko! Iyon naman pala nagmimilagro na sila ni Astrid. Kaya hayun nakabuntis. Ang lupit talaga! Buti na lang di ko sinuko ang Bataan sa damuhong iyon. Kaya umalis na lang ako ng Legaspi, dahil palaging nagku-krus ang mga landas namin. Nasasaktan akong makita silang dalawa... na masaya.

Pwede Rin Ba Akong Magmahal? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon