Nakita Kita

566 13 4
                                    

CHAPTER 1

Caleb

"Aray nam---" Di ko na naituloy ang sigaw na nagbadyang lumabas sa aking bibig. Mayroon kasing walang habas na sumipa sa aking binti.

Natigilan iyong batang lalaki na may kagagawan ng impit kong pagsigaw. Di ko akalain na may dulot din palang mumunting bugbog ang mga paa nitong di pa naman kalakihan para magbigay ng sakit.

Mabuti na lang at napigilan ko ang aking bibig para marinig niya ang aking boses. Subalit, sa hitsura niya, ako ay nag-aalala dahil sa tingin ko ay narinig niya ang aking pagdaing.

"Nandito ka lang palang bata ka! Pumasok ka na sa loob at andun na ang chickenjoy mo." Hinila ng babae ang batang sumipa sa binti ko.

"Mommy, I heard Jollibee talking." Nakatingin pa rin sa akin ang batang lalaki.

"What are you talking about? It is a mascot. It's made of wood and definitely, it doesn't have a voice."

"Mommy, I heard it. It says 'Aray'."

"Hayan ka na naman Simon sa mga imagination mo. Let's go inside, your Ate is waiting na. Later, your Dad will come to fetch us here. Come on." Hinila na ng babae si Simon na kakamot-kamot pa sa ulo nang dahil sa nasaksihan.

Muntik na ako.

Kailangan talaga mas mag-ingat pa ako kung gusto kong makabalik agad sa aking pinanggalingan.

Kung bakit ba naman sa dinami-dami ng mapapasukang katawan e dito pa ako bumagsak sa isang rebulto? Si San Pedro talaga sumasablay na yata ang powers niya. Kung tinotoo na ba niya akong tao e di sana mas mapapabilis ang misyon ko.

Kung sabagay, sa palagay ko ay kaaya-aya naman ang isang ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kung sabagay, sa palagay ko ay kaaya-aya naman ang isang ito. Kanina pa kasi pinagkakatuwaan ng mga bata. May kumukurot o humihipo sa pisngi ko kapag may dumaang natutuwa.

Sino ba naman ang hindi maaaliw sa suot ko? Kulay pa lang ay makatawag pansin na. Medyo may kabigatan nga lang. Pero nakasanayan ko na rin.

Kaya lang, di ko lubos maisip kung paano ko maisasakatuparan ang aking misyon lalo pa at ganito ang hitsura ko. Ilang oras na ako sa loob ng estatwang ito na tinawag na Jollibee daw noong bata. Mabuti naman at may pangalan pala siya. Sa totoo lang nangangawit na ako. Ang hirap pala ng trabaho niya. Palagi lang siyang nakatayo at nagmamasid dito sa harapan habang nakangiti. Sabi sa pinanggalingan ko, masama daw ang magreklamo dahil lahat daw ng bagay ay may magandang rason kung bakit naroon. Iyon ang turo ni Ama sa amin.

Konti na lang at sisikat na ang araw. Nakikita ko ng naghahati ang kulay ng kalangitan. Malamang ay abala na naman sila doon sa itaas. Ilang araw din na mababago ang mga nakasanayan kong gawain doon dahil nga sa misyong ito.

Hanggang kailan kaya ako sa loob ng estatwa? Sana naman ay mabilis kong makita ang taong hinahanap ko.

"Hoy, huwag n'yo ngang sulatan iyang likod ni Jollibee!"

Pwede Rin Ba Akong Magmahal? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon