Smart Entry 5

15 2 2
                                        

A/N: Hi ulet!!! So sana paki vote po itong story. Hankie Thankie!

Mag uupdate ako ng mga dalawa or tatlong entries.

Jullian's Picture!!! Kawaii desu ne?!

-----------
Dear Diary,
           Saturday ngayon diary. It means BORING DAY.  Hayyy. Kahit na pala aral ako, kailangan ko naman ng rest. Pero, UGH. Amboring naman kasi. Hayyyy...

So nagbabasa ako ngayon sa wattpad ng Diary ni Ms. Smarty. Basahin nyo din. Maganda yun, promise. Hindi pa nga lang tapos.

Tapos diary may nagtext.

From: Ej~❤ (sya naglagay ng pangalan)

Jullian! Boring! Tara date tayo! Susunduin kita. Walang angal!!

Alam mo yung reaksyon ko diary? Ganito: (O.O) to (>\\\\< )

Hayyyyy... Ano pa nga bang magagawa ko? Edi nagbihis na ako at hinintay ko sya. After 3.5 minutes (tantyado ah hahaha) dumating na sya.

"Hey, Jullian. Ready for that date?" tss. Feeler talaga kahit kailan. Tch. Hayaan mo na. Crush ko eh. Wala akong magagawa.

"Tss. Hindi to date, okay? Well, let's consider this as a date" lumiwanag ang mukha nya. Awww kawaii.

"BUT! only a friendly date!" medyo nawala yung ngiti nya. Haha

"Okay na yun. Basta maidate kita" huh? Parang double meaning yun ah. Hayaan na nga.

Gamit namin yung kotse nya. Tapos nagdrive, syempre.

Nagpunta kami sa mall. Typical  FRIENDLY date lang. Kulitan. Kain. Laro. Window shopping. Yeah, di ko aakalain na magagawa ko yun.

Gabi na ngayon. Tapos na kami mag dinner Nandito kami sa seaside. Ang ganda talaga ng view dito. Naalala ko tuloy nung dinala kami dito ni mommy nung bata pa ako. Montik na akong malunod non nung tumalon ako. Ansarap siguro maging bata ulit. Di ko namalayan diary na lumuluha na pala ako. Kasi naman ansakit lang na iniwan ka ng mga mauglang mo para sa wala lang. Parang trip lang nila na gawin yun. Na hindi nila alam na nasasaktan ako dito dahil walang magulang na gagabay sakin.

"Hey, okay ka lang?" inakbayan nya ako at umupo kami sa gilid.

"Uhmmm.. Oo, okay lang ako" ngumiti ako pero biglang tumulo yung luha ko. Bakit ba kasi ganun, ang unfair ng mundo?

"Hayyy.. Kahit na peke lang ang relasyon natin, nandito parin ako  para makinig sa problema mo" sinandal nya yung ulo ko sa balikat nya. Inalis ko iyon at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap niya din ako at dun na ako humagulgol.

"B-bakit ba kasi *sob* ang unfair ng m-mundo *sob* nakakai-inis. Bakit ba *sob* kasi iniwan ako ng mga magulang k-ko *sob* may n-nagawa ba akong m-mali? *sob* " pinaglalaruan lang niya yung buhok ko at pinapagaan ang loob ko. Nakakatuwa lang kasi nakilala ko si Ej.

"Ej, gusto ko nang umuwi. Pwedeng ihatid mo na ako?" diary nakakapagod ang araw na ito. Hayyyyy

Hinatid nya ako hanggang sa loob ng condo ko. Hiniga nya ako sa kama at hinalikan ang noo ko.

"aalis na ako. Matulog kana, pagod lang yan. Tawagan mo lang ako kung kailangan mo ako ha?" nginitian nya ako at umalis na sya sa condo ko. Pagkalabas nya ay nangiti nalang ako at natulog na.

Good night,

Jullian~❤

P.S. Ansarap sa feeling pag hinalikan ka sa noo ni crush.

Diary Ni Ms. SmartyМесто, где живут истории. Откройте их для себя