A/N: Ayan nagpakilala na siya. Sa dulo nga lang hahahaa XD
Supportnessssss!
(Ms. Author ang bobo mo -_- )
Gagita! Di ako bobo noh!
---------
Dear Diary,
Nagising na ako. Tinignan ko sa cellphone ko kung anong oras na. 6:28 a.m. Hmmm maaga pa. Naligo at nagbihis ako agad dahil pupunta ako sa library ngayon.
Tapos bumaba na ako para kumain. Charing. Condo po ito. Di kasi ako mahal ng parents ko kaya pinatapon ako dito sa condo na pagmamay- ari namin. Sinusustentuhan pa naman nila ako.
Okay, back to reality. Nagluto na ako. Bacon and egg lang ang niluto ko. Kumain na ako and off to go!
Bumaba na ako at pumasok sa kotse ko. Oy may kotse ako ah! Mini cooper nga lang. Anyway, nagdrive na ako papunta sa school.
As usual diary, nakatitig nanaman sila sa akin dahil DAW maganda ako. Tch. Boys are pervert. Kasi ang tinitignan nila sa akin ay yung mukha at dibdib ko. Tch. Buset.
Alam mo diary buti pa ikaw hindi dirty ang mind mo. On second thought, wala kang mind kasi you' re just a paper, but you're the one that i trust the most.
So, pumunta na ako sa library. Ang aga aga, andami na agad tao. So hindi ko na sila pinansin at nagbasa na ako ng encyclopedia.
Narinig kona na nagring yung bell. Kaya pumunta na ako sa room. First section. Pagpunta ko sa room, grabe diary ah. Ang ingay at ang gulo nila. Ugh. First yet worst section.
Kaya alam mo ba ang ginawa ko diary? Sumigaw ako ng "QUIET PLEASE!" kaya... Natahimuk sila. Good. Pumasok na ako at umupo sa may gawing bintana. Aish. Hanggang pag upo ba naman nakatitig sila sa akin?! Pati yung girls! Ugh.
"What are you all looking at?!" yan diary ang pinakamataray na word para sa akin.
Nagsi ilingan sila at nagsipag ayos. Good.
Dumating na yung prof. As usual, regular class lang. Hanggang uwian diary wala ding nangyari. Usual din naman.
Hanggang dito nalang diary ha? Tulog na ako.
Haggard much,
Jullian~❤
YOU ARE READING
Diary Ni Ms. Smarty
RandomIto ang diary ng isang babae na tinaguriang Ms.Smarty sa kanilang school dahil sa nakamamanghang katalinuhan nito. Maganda din ito at sporty. Parang almost perfect na sya at siya ang pangarap ng bawat lalaki. Pero, nameet niya ang lalaking bubulabog...
