Chapter 5

848 3 2
                                    

Huling araw na ng exam week. Nagkita-kita ang barkada sa cafe.

"Since it's the last day of exams why don't we unwind in my family's rest house," pag-aaya ni Alex

Pumayag ang lahat. Dumiretso na sila papuntang Batangas. Nang dumating na sila sa rest house ay gabi na. Excited ang lahat pumasok sa bahay.

Pagkapasok ng pinto, sala ang bubungad sa'yo. Nasa dulo naman ang kusina. May dalawang kwarto ang rest house. Sa second floor naman ay rooftop. Mayroong parang living roon rin doon at... Hot tub?

Nagbukas ng Red Label si James. Maya-maya pa ay nagtanggal na ito ng damit at lumusong sa hot tub hanggang sa isa isa na silang lumusong sa hot tub maliban kay Sabrina. Napakalaki ng hot tub na iyon. Aakalain mo bang magkakasya ang walong tao roon.

"Tara na rito Sab," pag-aaya ni Jessica.

"Mamaya na lang ako," iling ni Sabrina

Nagulat na lamang ako nang may humaplos sa likod ko. Si Alex. Inabutan nya ko ng drinks. "Hindi ka ba sasama sa hot tub?," ngiti nya.

"Mamaya na lang," sabay ngiti pabalik kay Alex

Umupo na lamang si Sabrina sa may gilid ng hot tub at nakipagkwentuhan. Samantalang si Alex naman ang nakatokang mag grill.

Lasing na ang lahat. Nakaupo na lamang si Sabrina at pinagmamasdan ang bituin. Napakaganda talaga ng night sky.

"Okaaaaay!! Let's play a game! Truth or dare!!!" sigaw ni James.

"Woooooooh." Sigaw ng lahat.

"Hay nako ewan ko sa inyo. Matutulog na ko," iling ni Kim

Bumaba na siya sa first floor.

Gumawa na sila ng bilog at si James ang nagpaikot ng bote.

Tumapat kay Trisha ang bote.

"Truth or dare?," excited na tanong ni Cass

"Dare!," mabilis na sagot ni Trisha

"Okaay. Make out for five minutes with the next guy on spin-the-bottle," sabi ni Cass.

"Okay. Let's see who's the unlucky guy," patawang sinabi ni James sabay pinaikot ang bote.

Tinapik sya ng mahina sa balikat ni Trisha.

Tumigil ang bote kay Josh. Tumayo si Josh at naglakad papalapit kay Trisha.

Napasigaw ang lahat maliban kay Kevin na napailing na lang.

"Hindi ba magagalit ang girlfriend mo nyan?," natatawang sinabi ni James.

"What happens in Batangas, stays in Batangas" sagot ni Josh. Sabay halik kay Trisha.

Nagsigawan ang lahat.

Nagulat si Sabrina sa kanyang nakita. Hindi lang basta smack yung halik. French kiss. Hindi niya akalain na gagawin nila iyon kahit marami ang nanunuod. Bigla siyang kinabahan. Nanlamig ang kanyang katawan at naramdamang tumaas ang  kanyang balahibo.

Paano kung sa kanya napatapat ang bote.  Wala pa siyang first kiss. Hindi naman isyu sa kanya kung sino sa kanila ang makakahahalikan niya. Lahat naman sila ay gwapo kaya hindi na rin masama. Ang pinag aalala niya lamang ay.. hindi siya marunong humalik!!!

Halatang nawalan ng gana si Kevin. Tumatawa naman sya paminsan minsan pero madalas kasi sya ang pinakamaingay.

Si Mark naman ang nagpaikot ng bote. Tumapat ito kay Jessica.

"Truth or dare?," tanong ni Mark. Parang may ibig sabihin ang titig nito kay Jessica

"Dare" natatawang sagot ni Jessica sabay kagat sa labi habang nakatitig rin kay Mark.

At the Other Side of the GateUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum