Special 27

12.5K 138 14
                                    

(Hindi pa panahon..)

Masayang nagbe-breakfast ang mag-anak, Medyo matamlay ang kambal dahil nga hindi sila excited pumasok parang na-trauma.



"Uh gusto niyong wag munang pumasok?"sabi ni Kath, Ayaw niyang biglain ang kambal na ita-transfer nila ang dalawa sa DRU.



"Talaga Ma?"nae-excite na sabi ni Francis, Si Mikay naman nag-sparkle ang mata. Ngumiti naman si Kath at tumango.



"Francis, Mikay.. Ano sa tingin niyo kung ilipat namin kayo ng Mommy niyo sa school nila Tammy?"singit ni DJ, Nanlaki naman ang mata ni Kath at siniko ang asawa.



"Talaga Daddy? Ililipat niyo na kami ng school at kayna Tammy pa?"excited na sabi ni Mikay at natawa naman si DJ pati na din si Kath sa reaksyon ng anak.



"Yes gusto niyo ba yun?"tanong ni DJ sa kambal nila.



"Payag na payag Pa! Kailan ba?"sabi ni Francis kay DJ, Nagkatinginan naman si DJ at Kath.



"Pinapaayos ko kay August yung papers niyo para sa pag-transfer kaya binalak namin ng Mommy niyo na wag muna kayong papasukin kasi may Quick Interview kayo sa DRU."sabi ni DJ at nagtatango naman ang kambal, Sabay pa!



"Sure Daddy! Kaya yan di ba Kuya?"sabi ni Mikay at nag-apir pa ang kambal. Natuwa naman si Kath dahil halata sa kambal ang care sa isa't-isa. They are twins, Connected sila.



"After breakfast maligo na kayong dalawa tatawagan ko muna yung kaibigan ko na may-ari ng DRU."nakangiting sabi ni DJ sa kambal. Na-amuse naman ang kambal dahil friend ng Daddy nila ang may-ari ng DRU.



"Talaga Daddy friend mo yung may ari ng school nila Tammy?"sabi ni Mikay at uminom ng gatas dahil ubos na ang pagkain niya.



"Yes Baby, Sige na umakyat ka na sa room mo at maligo ka na. Ikaw din Francis."sabi ni DJ at nagtakbuhan ang kambal, Naglaro pa sila ng mauna-una.



"Francis! Mikay! Wag tumakbo malaglag kayo sa Hagdanan!"sigaw ni Kath at natawa naman si DJ bago halikan sa pisngi si Kath.



"Tawagan ko lang si Patrick."sabi ni DJ at tumayo sa Dinning table at kinuha ang phone niya para tawagan si Patrick. Ilang ring lang ng phone ay may sumagot na.



"Hello, Patrick Dela Rosa speaking."sabi ng nasa kabilang linya at ang boses nito ay malamya pa at halatang tulog pa si Patrick.



"Tanghali na logtu ka pa rin? Nag-decide na kami ni Kath na i-transfer ang kambal namin sa DRU."sabi ni DJ kay Patrick, Napabalikwas naman ng kama si Patrick na katabi ang asawa na si Ella.



"Patrick naman eh." "Teka lang Wifey, Ano sabi mo ililipat mo na yung kambal niyo sa DRU?"sabi ni Patrick kay DJ at natawa naman si DJ dahil sa narinig niya ang boses ni Ella na nagising ata.



"Bingi lang Patrick? Oo nga ipinahanda ko na kay August yung mga papers nila saka di ba sabi mo tawagan kita kapag okay na para mai-ready yung Quick Interview?"sabi ni DJ at natawa naman si Patrick sa kabilang linya.



"Sige-sige, Ako na bahala."sabi ni Patrick sabay baba ng linya umiling na lang si DJ sabay harap kay Kath at binack hug ang asawa saka inamoy ang batok nito.



"Uy DJ ano ba? Baka bumaba yung mga bata."sabi ni Kath at tumawa na lang si DJ at kumalas sa yakap at humarap sa asawa niya.



"Oh kamusta raw yung transfer procedure sabi ng kambal?"tanong ni Kath kay DJ. Hinawakan ni DJ ang kamay ni Kath at hinalikan ang knuckles.



"Ayos lang, Pupunta tayo sa DRU para sa Quick Interview."sabi ni DJ at ngumiti naman si Kath saka yinakap si DJ.



"DJ nag-aalala ako sa kambal."sabi ni Kath at mas humigpit pa ang pagkayakap niya sa leeg ni DJ habang si DJ naman ay napa-yakap sa waist ni Kath.



"Ha? Bakit naman Kath? Ililipat na nga natin sila sa DRU di ba?"sabi ni DJ saka hinalikan ang temple ni Kath.



"Oo nga pero paano kapag na-bully din sila doon?"nag-aalalang sabi ni Kath at napatawa naman si DJ ng mahina at tinignan siya ni Kath.



"Kath nandoon naman sina Tammy saka yung mga anak nila Zharm."pag-aasure na sabi ni DJ kay Kath at tumango na lang siya sa asawa. Yinakap ni DJ si Kath at aakmang hahalikan na niya ito ng may sumingit sa dalawa.



"Yiee kiss!"sigaw ni Mikay kaya naman napabitaw ang dalawa at natawa naman si DJ saka binuhat si Mikay na may maliit na ribbon sa ulo.



"Sino naglagay sa iyo ng ribbon, Princess?"tanong ni DJ kay Mikay. Nag-giggle naman si Mikay at saktong bumaba si Yaya Monic kasama si Francis.



"Si Manang, She dress my hair. Ang cute nga po eh."sabi ni Mikay at natawa naman si DJ sa ka-cutan ng anak. Kamukhang-kamukha nito si Kath.



"Tara na sa Car."sabi ni Kath sa kanila at lumakad na sila papunta sa Garage.





=======
=======


"No, August. Cancel all my appointments today, May lakad kami ng pamilya ko."sabi ni DJ habang nagda-drive, Si Kath naman pailing-iling na nakatingin kay DJ.



"Ipakausap mo ko kay Natasha, I thought ayos na yan kagabi? She informed me na ayos na daw at si Nathan na ang bahala diyaan."sabi ni DJ sabay let go ng deep frustration niya. Si Kath naman hinawakan sa balikat si DJ para medyo mawala ang stress nito habang nagda-drive.



"Hello Sha! What the hell is wrong with the factory? I thought okay na yan?! What? Damn! Anong kinalaman ng bagyo diyaan? Do you think may powers ako para pahintuin ang bagyo?! Sinabi mo ayos na yan at si Nat na ang bahala tapos sasabihin mo may problema sa Factory? Sha! Listen to me! May lakad kami ng pamilya ko."madiin na sabi ni DJ sa kausap sa kabilang linya. Hinimas-himas naman ni Kath ang braso ni DJ kaya naman nilingon saglit ni DJ ang asawa at ngumiti dito.



"I can't cancel my appointment to my Family, Sha. Look biktima ng bullying ang kambal ko and i want to focus to them first."pagkasabi ni DJ nun napatingin ang kambal kay DJ, Nilingon ni Kath ang kambal at halata ang guilty sa mukha nila dahil parang sila pa ata ang Destraction sa Daddy nila.



"Don't worry baby, It's okay."kath mouthed to the both of them. Napayuko naman ang kambal ng sabay na parang pinag-praktisan.



"Sige bukas na lang i-discuss iyan and i am sorry kung nasigawan kita, Sige bye."sabi ni DJ sabay tanggal ng earphones sa tenga niya at ilalapag sana sa pinagkuhanan niya ng kinuha ito ni Kath at siya ang naglagay sa lalagyan.



"Ano bang nangyari?"tanong ni Kath kay DJ, DJ take a glimpse to her beautiful wife. Medyo nawala ang stress niya, Nginitian na lang ang asawa.



"Nothing, May maliit na problema lang sa Factory but it will be okay."sabi ni DJ sabay park sa Parking Lot ng DRU. Bumaba na ang dalawa at pinagbuksan ang kambal.



"Daddy, Are we distracting you?"tanong ni Mikay kay DJ, Kapag nag-english si Mikay nagpapa-awa siya kay DJ kung sakaling galit man ang Daddy niya.



"Of course not, Bakit mo naman naitanong yan Princess?"tanong ni DJ kay Mikay, Umiling na lang si Mikay at naglakad sila papasok sa Office.



"Uy DJ and Family."bati ni Patrick kay DJ at sa pamilya nito.



"Yuck! We sounded like Barney and Friends."sabi ni Francis kaya naman nasiko siya ni Mikay. Luckily hindi narinig ni DJ at Kath ang sinabi ni Francis.



"So sila yung kambal."tanong ni Patrick.



"Hindi Patrick, Triplets sila invisible yung isa. Halata naman dalawa sila di ba?"sabi ni DJ kaya naman nabatukan ni Kath si DJ.



"Oo sila yung kambal and kukunin niyo pa ba sila? Middle of the year na eh."sabi ni Kath at tumango naman si Patrick.



"Sabi ko kasi tatanggapin ko sila since kaibigan ko naman itong si DJ, They may take a test."sabi ni Patrick at pumasok ang isang magandang babae.



"Pat pinapatawag mo ako?"tanong nito.



"Nga pala pinsan ko DJ, Kaye si Mr. and Mrs. Padilla yung nabanggit ko sa iyo pwede bang paki-assist yung dalawang bata for their exam."sabi ni Patrick at ngumiti naman ang teacher sa kanila.



"Tara sama kayo."sabi nito at hinawakan ang kambal palabas ng room. Naiwan si DJ at Kath sa room with Patrick habang ang kambal naman dinala sa isang room na konti lang halos ang students, Yung mga natirang students kumakain.



"Miss where are the other students and bakit po sila kumakain dito sa room?"tanong ni Mikay kay Miss Kaye.



"Ah, Recess kasi nila. Dito kasi sa DRU pwede kayong kumain sa Cafetiria o dito sa loob ng room as long as hindi kayo magkakalat kasi may multa."sabi ni Miss Kaye sa dalawa at nagtatango naman ang kambal. Pinaupo sila sa harapan ng Desk ni Miss Kaye sa may gilid.



"Since transfer kayo in the middle of year, Sure akong naka-kuha na kayo ng Second Quarter Test niyo? Kaya niyo bang sagutan ito?"sabi nito habang inaabot sa kambal ang isang test paper. Tumango naman ang kambal at sinagutan ang test. Naki-usyoso naman ang ilan sa kanila.



"Miss bago po naming classmate?"tanong ng nasa likod habang kumakain ito ng Cake pie.



"Oo Jao, Bago niyong classmate."sagot naman ni Miss Kaye dito. Inutusan kasi ni Patrick na si Miss Kaye na ang bahala sa dalawa.



"Miss Tapos na po."sabi ni Mikay at nagulat naman si Miss Kaye kaya naman dagli niyang kinuha ang paper at chineck-an.. 1-40 ang item ng test and 39 out of 40 items ang tama ni Mikay. Natuwa siya dahil matalinong bata si Mikay.



"Antayin mo na lang si Kuya dito ka muna."sabi ni Miss Kaye, Tumango naman si Mikay at nilibot ng mata niya ang buong room. Sa likod ng klase may Locker ang mga bata napukaw ang atensyon ni Mikay sa Locker sa likod na may Batman sticker at may pangalan na Gerald.


Naisip niya agad ang batang nagbigay sa kanya ng Batgirl Figure, si Gi o Gerald. Tatayo na sana si Mikay nang may dumating na bata at pawis na pawis ito, Naghahabol pa ng hininga.



"Miss! Miss! Si ano po.."sabi nito at napahawak pa sa tuhod dahil sa sobrang hingal.



"Oh Jacob anong nangyari?"tanong ni Miss Kaye sa student.



"Miss si ano po napaaway sa playground."sabi ng bata at dagli naman napatayo si Miss Kaye at tumakbo palabas kaya naman sumunod si Mikay ng palihim papunta sa playground.


Naabutan niya ang nagkukumpulan na mga bata at halatang may nagsusuntukan doon, Pumaawat si Miss Kaye sa dalawang batang nagsusuntukan hindi niya maaninag ang mukha ng isang bata dahil sa bukod sa nakatalikod ito, Nahaharangan pa ang mukha nito ng mga studyanteng nakapaligod.



"Mikay anong ginawa mo dito?"tanong ni Kath kay Mikay ng makita niya ito. Kasama ni Kath si DJ at si Patrick na tumakbo papunta sa mga nag-aaway.



"Tara-tara puntahan natin si Francis."sabi ni DJ at binuhat si Mikay. Habang nakapulupot ang maliliit na braso ni Mikay sa leeg ng Daddy niyang si DJ, Nakatingin naman si Mikay sa batang lalaki na pinapagalitan ng lalaking kasama ng kanyang Daddy kanina.





=======
=======


"Ang ganda ng school niyo Tammy! Doon na kami mag-aaral."pagmamayabang ni Mikay kay Tammy at tinignan lang ni Tammy si Mikay saka ito inirapan, Nakita naman ni Julia ang ginawa ng anak sa nakababatang pinsan.



"Tammy, Wag mo namang ganyanin ang pinsan mo."sabi ni Julia sa anak pero nag-role eyes lang si Tammy sumama kayna Kiko na busy sa paglalaro. Napa-yuko naman si Mikay, Talagang ayaw sa kanya ng mga pinsan niya. Napatingin siya kay Francis na kalaro sila Kiko, Umakyat na lang siya sa kwarto niya at nagkulong kasama si Batgirl.



"Batgirl, Tayo na lang ulit ang maglalaro."nakangiting sabi ni Mikay habang may luha na tumulo sa mata niya at pumunta sa veranda ng kwarto niya saka umupo sa may mat doon. Napatigil sa paglalaro si Mikay ng may kotse sa labas at parang naglalagay sila ng mga maleta sa may trunk ng kotse.



"Julia! Bilisan niyo diyaan! Oh anak nandyan ka na pala tara pumasok ka na, Si Julia?"sabi ng isang babae sa batang lalaki, Tumingin naman si Mikay sa may raillings ng veranda niya.



"Batgirl may kapitbahay pala tayong bata?"inosenteng sabi ni Mikay na parang inaantay ang sagot ng laruan, Pumasok na lang siya sa kwarto niya at nilapag si Batgirl sa shelf at bumalik ulit sa Veranda para umupo sa may railings.



"Ayaw naman nila sa akin eh."bulalas ni Mikay na nakatingin sa kakambal niya na kalaro sila Tammy sa may Garden malapit sa pool. Habang nagdadrama si Mikay ay nasa Dinning naman sila Kath at DJ with Barkada.



"Oh asaan si Mikay?"tanong ni Kath na hinahanap ang anak dahil napansin niyang wala si Mikay sa mga bata sa may Garden. Kita ang Garden sa may Living Room dahil sa Glass Window.



"Kasama lang kanina ni Tammy ah."sabi ni Diego pero si Julia naman napa-iling sa sinabi ni Diego.



"Cous, Gusto kong humingi ng sorry. Sa inyong dalawa ni DJ."sabi ni Julia kaya naman napatigil si Kath sa pag-hahanda habang si DJ naman ay napatigil sa pagkain.



"Ha bakit naman?"tanong ni Kath kay Julia.



"Si Tammy kasi sinusungitan si Mikay."sabi ni Julia at natawa naman ng sabay si Kath at DJ pati na rin ang barkada natawa.



"Ano naman Julia? Bata pa naman sila saka normal lang yan. Malay mo maging katulad din natin sila di ba? Solid!"sabi ni Kath at natawa naman silang lahat sa sinabi ni Kath.



"Tignan mo si Ella at Francis di ba? Madalas mag-away yang dalawang yan baka magkatuluyan."sabi ni Zharm sabay tingin kay Kiray at EJ pati na kayna Kath at DJ at sumubo ng pasta niya.



"Hay naku ang malilisyoso ng utak ha! Ang babata pa nila eh."sabi ni Kath at umiling sabay tingin sa mga bata sa labas na naglalaro habang si Ella umiiyak na naman. Umiling na lang silang lahat sa nakita nag-aaway na naman sila at tumakbo na ang mga ina sa labas para awatin sila.





=======
=======


"Anong ginagawa mo Kath?"tanong ni DJ kay Kath na naka-upo sa may gilid ng pool habang nakasawsaw ang mga paa sa gilid ng pool.



"Wala iniisip ko lang kung ano kaya kung nabuhay si Baby Daniel? Tumatawa din kaya siya tulad ng ibang bata? Nakikipag-away tulad ng ibang bata.. Umiiyak tulad ng ibang bata.. Nakikipaglaro tulad ng ibang bata at Kasama natin siya."sabi ni Kath at binack-hug naman ni DJ si Kath saka binaon ang mukha niya sa leeg ng asawa.



"Don't be sad Kath, Binabantayan tayo ni Baby Daniel for sure at sure akong ayaw niyang malungkot at umiyak ang Mommy niya tulad ng ibang bata."sa sinabi ni DJ nakalma ang sistema ni Kath at sumandal kay DJ.



"I love you DJ, Thank you at hindi mo ko sinukuan."simpleng sabi ni Kath at tumingin sa asawa.



"Hinding-hindi kita susukuan kasi mahal na mahal kita Kath, I love you so much."sabi ni DJ at yinakap ng mahigpit ang asawa sabay halik sa temple ni Kath, Savoring their sweet moments.



"Gusto mo gawa tayo ng Baby Daniel ulit para hindi ka malungkot."biro ni DJ kaya naman pinalo siya ng mahina ni Kath.



"Ano ba yan? Ang sweet na nga eh."sabi ni Kath at tumawa na lang si DJ habang binabaon ang mukha sa leeg ni Kath.



"Bakit ang bango-bango mo pa rin?"bulong ni DJ at natawa naman si Kath sa nakakalokong tanong ni DJ.



"Hay naku, Tara na nga remember kailangan nating pumunta sa Cemetery bukas. Death Anniversary ni Baby Daniel."bulong ni Kath kay DJ, Humigpit naman ang yakap ni DJ kay Kath.



"Don't be sad.. Ayokong nalulungkot ka Kath."sabi ni DJ at hinarap sa kanya si Kath na umiiyak na pala. Pinunasan niya ang luha nito at hinalikan sa labi.



"Stop crying na ha?"sabi ni DJ at tumango naman si Kath habang nakangiti.



"Tara."sabi ni DJ sabay buhat ng pa-bridal style kay Kath.



"Wah! Saan tayo pupunta?"sabi ni Kath sabay kapit sa leeg ni DJ.



"Sa kwarto gagawa ng baby."biro ni DJ at natawa naman si Kath sa pinagsasabi ng asawa.



"Ewan ko sa iyo DJ puro ka naman biro eh."sabi ni Kath at umakting naman si DJ.



"Sinong nagsabi sa iyo na nagbibiro ako?"sabi ni DJ kay Kath at ngumiti naman si Kath sabay pressed ng labi niya sa labi ni DJ hanggang makapasok sila sa kwarto nilang dalawa. She wants to gave DJ a little treat..

SLH (The Special Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon