Special 17

12.5K 131 19
                                    

(Daniel Padilla Jr.)


"Anong meron at ang higpit ng yakapan niyong dalawa?"tanong ng boses na kilalang-kilala nila. Napalingon ang mag-asawa sa pinto at nakita nila sina Tita Min at Tita Karla kaso ngayon kasama ang apat na kolokoy (Seth, JC, Lester at Kats) pati na rin sina Magui at Lelay.

"Oo nga, Don't tell me nagse-seks kayo habang nakatayo?"walang hiya na bulalas ni Lester kaya agad siyang binatukan ni Kats at Seth habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sina Tita Min at Tita Karla kay Lester.

"Walanghiya Les! May mga babae oh! Kalibugan mo talaga ano?"asar na sabi ni Kats at ngumuso na lang si Lester habang hinihimas ang batok niya.

Naka-pokerface naman sina DJ at Kath habang nakatingin sa kanila sa pinto. Lalo na kay Lester na walang hiya.

"K-Kanina pa kayo diyaan?"sabay na tanong ni DJ at Kath tapos nagkatinginan silang dalawa.

"Actually kararating lang namin nakalimutan niyo ba? Kukunin nga namin ang kambal hindi ba?"tanong ni Tita Min at napanganga ang dalawa. Oo nga pala kukunin ang kambal sa kanila tapos nag-away pa sila.

Hinanda nila ang kambal at ang mga gamit ng kambal bago ibigay kay Tita Min at Tita Karla.  Pagkakuha ay umalis din agad din sila except kay Lester, Kats at Seth na tumambay pa ng five minutes.

"Sige bro, Kath wag masyadong mag-PBB teens baka mamaya kambal ulit ang lumabas sige kayo."asar ni Lester tapos tinapik sa balikat si DJ nang magpa-paalam na sila.

"Sige lumayas na kayong apat pero na saan nga pala si Mycko?"tanong ni DJ sa apat na bulldog este itlog.

"Ah may bagong sports na kinahihiligan."sagot ni JC tapos napa-role eyes naman si Seth.

"Sports? Anong sports?"tanong ni DJ tapos si Kath naman umupo sa Sofa at nagbasa ng magazine.

"Manghuli ng Flying Ipis."boring na sabi ni Lester at lalabas na nang tanungin siya ni DJ.

"Oh ikaw saan naman lakad mo?"tanong ni DJ kay Lester at nilingon siya ni Lester, Slowmo para raw magmukha siyang gwapo.

"Ahh.. Manghuhuli ng gamu-gamo? Sige alis na ko bye."sabi ni Lester sabay labas tapos sumunod naman ang tatlong itlog.

"Oh kayong tatlo ano naman gagawin niyo?"sita ni DJ sa tatlo.

"Manonood kami ni Daezen ng Fireworks, Ngayon na kasi ang alis niya papuntang Japan."sabi ni Kats na halatang malungkot.

"Manonood ng The Conjuring at Sadako 3D tapos kukuhanan ko yung mukha ko habang natatakot. Nakakatawa kaya ang mukha ko kapag natatakot."sabi naman ni Seth sabay tawa.

"Tatambay sa kanto manonood ng basketball."casual na sabi naman ni JC kay DJ.

Napa-payspalm na lang si DJ tapos lumabas na ang mga ugok. Napatabi na lang si DJ kay Kath na nagbabasa ng magazine.

"Anong tinitignan mo Kath?"tanong ni DJ sa asawa na tinitignan kung anong klaseng magazine ang binabasa ni Kath.

"Tumitingin lang ng magandang pangalan ng baby.. Nakita mo ba itong page? Ang ganda ng mga pangalan."sabi ni Kath tapos napatingin din si DJ.

"Tignan mo ito Katherine Andrei, Ganda kung babae iyan na lang."sabi ni DJ tapos napa-hmm na lang si Kath.

"Tapos paglalaki tignan mo ito Gian Ford."sabi ni DJ kaso natawa naman si Kath at umiling.

"Tinitignan ko lang naman ang magandang pangalan pero may pangalan na ang baby natin, Kanina ko lang naisip nung naiinis ako sa iyo."sabi ni Kath saka ngumuso kaya naman ninakawan siya ng halik ni DJ.

"Ano ba yan?!"sigaw ni Kath kay DJ natawa lang si DJ sa reaksyon ni Kath.

"Oh sige ano name ng anak natin?"tanong ni DJ kay Kath ngumiti naman ng malapad si Kath tapos hinawakan sa kamay si DJ.

"Kapag babae, Riella kapag lalaki naman isusunod ko sa pangalan mo. Daniel John Ford Padilla Jr."nakangiting sabi ni Kath napa-shrug naman si DJ. Hindi niya gusto yung name nung hule. Ayaw niyang maging Senior.

"May problema ba?"tanong ni Kath kay DJ kaya naman agad na umiling si DJ kaya lang..

"W-Wala naman kaso Kath yung Jr? Trip mo lang ba talaga o gusto mo?"tanong ni DJ kay Kath kasi parang nag-aalangan siya.

"Ano ka ba? Maganda kaya 'yun. Little Daniel di ba? Kaya nga hinihiling ko na lalaki kasi kapag lalaki iyon ang ipapangalan ko, Bakit ayaw mo ba?"tanong naman ni Kath kay DJ. Ayaw masaktan ni DJ si Kath kaya naman niyakap niya ang asawa.

"Hindi naman sa ayaw ko pero Kath alam mo.. Wag muna natin problemahin ang pangalan di pa naman masyadong malaki ang tiyan mo saka hindi pa naman natin alam kung boy or girl di ba?"sabi ni DJ tapos tumango na lang si Kath.

"Okay."simpleng sabi ni Kath at napangiti siya. Talagang umaasa siya na lalaki ang magiging anak nila ni DJ na pangatlo.

=======
=======


"Kath parang ang awkward naman sa side ni DJ kung may Junior yung anak niyo."sabi ni Julia kay Kath at umismid.

"Awkward? Paano naman? Masaya kaya iyon."sabi ni Kath at sinawsaw ang cookies niya sa suka.

"Pero Kath isa lang ang masasabi ko, Hindi kaya maging weird ang anak niyo ni DJ dahil sa pinagkakain mo?"sita ni Zharm napa-role eyes naman si Kath.

"Mabuti pa ihatid na natin si Kath sa bahay nila."biglang sabi naman ni Kiray na kinakalikot ang phone niya.

"Ha? Bakit naman? Ang KJ mo naman Kiray kita mong minsan na nga lang tayo makapagbonding di ba?"sabi naman ni Aria.

"Eh kanina pa kasi text ng text si DJ na i-uwi na raw natin si Kath."sabi ni Kiray tapos napa-tsk na lang ang mga babae ang KJ kasi talaga ni DJ.

-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Someone's POV

Di ako naniniwala na may asawa na si DJ Ang sabi niya sa akin noon bago umuwi ng pilipinas ay babalikan niya ako sa States kaso hindi na siya bumalik kaya nga dito ako nagpa-assign as a Nurse eh tapos malaman-laman ko na nag-asawa na pala siya? Aba hindi pwede iyon!

"Hey na-ready mo na ba yung mga gamit sa pag-papaanak."sabi niya kaya naman tumango ako.

"Oo na ready na.. Tara na sa Room."sabi ko tapos pumasok na kami sa paanakan. Yes Nurse ako at napag-alaman ko din na Asawa pala ni DJ yung kasama niya. Ugh! Buntis pala pero kapag pinatay ko yung baby na yun pwedeng hindi na mag-sama si DJ at yung asawa niya. Tama ganoon ang gagawin ko sa ganoong paraan babalik ulit si DJ sa akin at kami ang bubuo ng isang Happy Family.

SLH (The Special Book)Место, где живут истории. Откройте их для себя