Special 15

12.8K 156 14
                                    

(DJ, DJ The Explorer)

Nasa sasakyan si Kath habang si DJ naghahanap ng mangga sa palengke. Lakad dito.. Lakad doon.. Kulang na lang ang mapa at isang back pack sa likod habang sumisigaw ng "Where are we going.. ?" kay Boots dahil konti na lang malapit na siyang maging si Dora.



"May manggang hilaw po kayo?"
tanong ni DJ sa nagtitinda ng prutas sa isang stall.



"Iho bulag ka ba? Sige nga maghanap ka ng manggang hilaw diyaan kung meron."sabi ng tinderang nakasibangot kaya napa-sibangot na lang din si DJ para matalo ang kasibangutan ng nakasibangot na tindera. Pero seryoso wala nga kasing manggang hilaw.. Manggang kulay itim meron pa! Bulok nga lang..


Nag-libot pa siya hanggang sa tumapat siya sa isang tindahan na puro manggang hinog.



"Ale may manggang hilaw po kayo?"tanong ni DJ sa babaeng tindera. Nang makita nito si DJ ay agad nitong tinanggal ang pagkapanali ng buhok niya, May tumalsik pang kuto. Madali rin itong nagpulbo kaya nagmukha siyang espasol dahil pawisan tapos nagpulbo.



"Ay meron pogi! Ilan ba?"tanong nito kay DJ at ibinaba pa ang t-shirt niya hanggang balikat para makita ang kanyang maitim na balikat. Napa-kunot na lang si DJ ng noo niya saka ibinaling ang tingin sa mga mangga.



"Yung kakayanin ng asawa ko na naglilihi."sagot na lang ni DJ, Natunganga naman ang babae akala niya jackpot na siya kay DJ na gwapo't mukhang mayaman tulad ng mga leading man sa mga palabas sa telebisyon na napapanood niya.


Tulad ng Banyerang Kuba (Banyera at Kampanerang Kuba), Gulong ng Pangako Sa'yo (Gulong ng Palad at Pangako Sa'yo), Maging Sino pa ang Kahapon (Maging Sino ka man at Bukas pa ang Kahapon) at Got to Puso (Got to Believe at Mula sa Puso).


May asawa na pala ang lalaking kaharap niya, Ayaw naman niyang gayahin si Nicole ng The Legal Mistress. Gusto niya tulad siya ni Lufe.. Teka sino si Lufe? Di ba 'yun yung sa One Piece? Si Lufe? Lol.



"Walang manggang hilaw! Hinog marami! Lumayas ka nga sa harap ko huhuhu."iyak nito napasimangot naman si DJ. Akala niya makakabili na siya ng manggang hilaw para kay Kath. Babalik na sana siya sa kotse nila nang makita niya ang tindahan ng Hilaw na mangga sa tabi kung saan niya pinark ang kotse nila.

Napa-facepalm siya dahil naglibot pa siya sa buong palengke samantalang sa bungad lang meron pala!



"Manong magkano po manggang hilaw?"tanong ni DJ sa lalaking nagbebenta. Tinignan siya ng tinderong lalaki pero napanganga siya nang magsalita ito..



"Ay pogi para sa iyo mura na lang 20% Off! Pili ka na hilaw ba? Ay marami sige na pili ka na."sabi nito at napangiwi si DJ dahil bakla pala nag-taasan tuloy ang mga balahibo niya sa katawan. Aalis na sana siya kaso para kay Kath ang mga mangga kaya pumili na siya.



"Tol, Saan ba may malapit na KFC dito?"tanong ni DJ sa bakla, Kinilig naman ang bakla dahil hindi pa kasi ito nagtatanghalian ililibre siguro siya ni DJ sa pantasya niya.



"Ay meron diyaan sa may Kanto."sabi nito at ngumiti naman ng pagkatamis-tamis, Kita ang bungal na ipin sa harapan.



"Wala naman akong nakita eh."sabi ni DJ habang pumipili ng mga hilaw na mangga at napatingin sa kanto.



"Meron Kanto Fried Chicken."sagot nito at malagkit na tinignan ang gwapong si DJ. Di na lang pinansin ni DJ ang sinabi ng bakla at pumili.



"May libreng bagoong para sa iyo pogi tutal gwapo ka naman libre na ang bagoong ipang-sasawsaw."sabi ng bakla at inabot na ni DJ ang bayad niya kaso hinarass pa ng bakla ang kamay niya nandiri naman siya bigla at hinatak ang kamay niya.



"Wala hindi na kailangan ng sawsawan! Para sa asawa ko naglilihi."sabi ni DJ sabay alis tulad ng babae napanganga din ang bakla may asawa na pala.


Pagpasok ni DJ sa kotse naabutan niyang tulog na ng mahimbing ang asawa nilagay niya sa backseat ang mangga at bibili na lang siya ng Gravy sa KFC. Bago mag-drive hahalikan sana ni DJ si Kath ng inilayo ni Kath ang mukha ni DJ gamit ang palad niya.



"Wag ka nga! bumili ka na ba ng Manggang may Gravy?"tanong ni Kath kay DJ. Nag-salute naman si DJ kay Kath habang nakangiti.



"Yes mam! May mangga na pero wala pang gravy bibili palang tayo."sagot ni DJ at nag-drive na akala niya makaka-score siya.


Bumili lang ng KFC Chicken Streetwise si DJ at nag-fill na lang ng Gravy-all-you-can (Libre lang 'yun hindi ba?)


At bumalik sa kotse, Tuwang-tuwa si Kath ng maka-uwi dumiretso agad ito sa kusina at nag-talop ng mangga sabay sawsaw sa gravy. Nandiri naman si DJ dahil ang weird ng kinakain ni Kath.



"Masarap?"tanong ni DJ kay Kath habang ang mukha niya gusot at parang hindi makapaniwalang nakatingin sa asawa niya na sarap na sarap sa pagkain nito ng mangga na sinawsaw sa Gravy.



"Oo gusto mo? Kaso wag na kulang sa akin ito."sabi ni Kath at kain lang ng kain. Napangiwi na lang si DJ sa sinabi sa kanya ni Kath.



"Nang-alok ka pa!"bulalas ni DJ kaya sinamaan siya ni Kath ng tingin kaso saglit lang kasi nga natutuwa ito  sa manggang may gravy.



"Hinay-hinay lang mabulunan ka diyaan."sabi ni DJ at siya yung kumain ng KFC Streetwise habang si Kath ayun inuubos mag-isa este silang dalawa pala ng baby na sarap na sarap sa mangga na may KFC Gravy.



"Kath."tawag ni DJ sa asawa at tinignan siya ni Kath na may hawak na mangga.



"Hmm?"hum ni Kath na may tonong patanong.. Halata naman di ba? May Question Mark oh! Back to the story.. Saglit lang tumingin si Kath kay DJ at bumalik agad ang focus niya sa manggang kinakain na sinawsaw niya sa Gravy.



"May.."sabi ni DJ at siya na ang nagtanggal ng gravy sa may gilid ng lips ni Kath gamit ang hinlalaki ng kanyang kamay niya. Nanlaki ang mata ni Kath sa ginawa ni DJ..



"May Gravy."patuloy na sabi ni DJ at ngumiti sabay subo ng daliri niya. Nalasahan niya ang creamylicious at chickenlicious ng KFC Gravy. Namula naman agad si Kath kasi kahit na mag-asawa na sila ng ilang taon kapag naaalala niya ang mga gestures ni DJ noong hindi pa sila eh kinikilig pa rin siya.



"Uhm.. Teka lang."sabi ni Kath sabay tayo, Pinunasan niya muna ang kamay niya ng tissue bago lumabas sa Garden para palamigin ang pag-init ng cheeks niya. Naaalala niya kasi yung mga pinaggagawa ni DJ sa kanya noong hindi pa sila.



"Grabe, Nag-init cheeks ko doon! Whoo!"sabi ni Kath na nag-fefeeling dalaga, May nalalaman pa siyang pag-paypay sa sarili gamit ang kamay samantalang may pakwan na siya sa tiyan.



"Wah!! Oh my God DJ! Ginugulantang mo pa rin ang puso ko!"sabi ni Kath at napahawak sa tiyan na parang perstaym mag-bubuntis. Huminga ng malalim si Kath pero namumula pa rin ang pisngi niya at kinikilig pa rin siya.


Naglakad pa siya sa Garden ng mahagip niya si DJ na may malapad na nakangiti habang nakasandal sa may sliding door sa may poolside na naka-connect sa kitchen.



"Crush mo pa rin ako noh?"tanong ni DJ na inaasar si Kath habang nagtataas-baba pa ng kilay. Inirapan na lang ni Kath si DJ bago sinagot ang asawa niya.



"Anong Crush ka diyaan? Tigilan mo ko DJ."pagsusungit ni Kath at back to sunget mode na naman si Kath kaya lumapit sa kanya si DJ.



"Alam ko hindi mo ko crush kasi mahal mo ko."sabi ni DJ sabay pa-cute sa asawa pinisil na lang ni Kath ang cheeks ni DJ.



"Sige na ikaw na Cute!"sabi ni Kath at pinanggigilan ang mukha ng asawa niya. Hinihiling na sana kamukha ni DJ ang anak nila. Nakaisip tuloy siya ng pangalan kung sakaling lalaki. Daniel Junior para maganda dahil mahal niya ang asawa niya.

SLH (The Special Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon