"Anak naman, alam mo naman kung gaano pinag sisisihan ni Wazel ang nagawa niya diba? Halos araw araw siyang nandito, pinagluluto ka niya—"

"Pero hindi pa rin nito kayang ibalik ang anak ko nay." Putol niya at kumalas siya sa yakap ng kanyang ina. "Sabi niya, aalagaan namin ang aming magiging anak. S-sabi niya, mamahalin namin ang baby at hindi niya ako lolokohin. N-nasaan ang mga pangako niya, nay? B-bakit natukso parin siya sa iba?"

"Anak, alam ko mahirap. Pero bigyan mo pa ng isang pagkakataon ang asawa mo."

"P-papaano kung ulitin niya yung pagtataksil niya saakin nay?" tanong niya. "Baka hindi ko na po kayanin."

"Kung wala ka ng tiwala kay Wazel, pagkatiwalaan mo ang puso mo. Ano ba ang tunay na sinasabi nito?" napaisip siya sa sinabi ng kanyang ina. Ano nga ba talaga ang gusto niya? "Magpahinga ka muna, anak. Kapag bumalik rito bukas si Wazel ay kausapin mo ha?"

"O-opo nay," siguro nga kailangan na niyang makausap ang asawa. Yung walang galit sa puso niya. Gusto niyang malaman kung bakit siya niloko nito. Kung bakit hindi ito nakuntento. Kung bakit sa ex pa nito? Kung bakit inilihim na may anak ito sa dating nobya.

Tama ang ina, kailangan niyang bigyan ng pagkakataon ang asawa. Kasal sila, at nangako sila sa harap ng altar na kakayanin nila ang hirap at ginhawa. Hindi siya perpekto, nung una ay nakunan rin naman siya dahil sa katigasan ng ulo niya. Nagtrabaho siya noon kahit pinapahinto na siya ni Wazel dahil delekado para sa baby. Pero hindi siya nakinig.

Oo nga't nagalit noon si Wazel sakanya ngunit dinamayan parin siya nito at napatawad. Sabay nilang kinalimutan ang lahat. Mahirap man sa damdamin, pero susubukan niya pa rin na ayusin ang relasyon nila, bilang mag-asawa.


***


"PWEDE bang matulog muna ako dito?" tanong ni Wazel sa dating kasintahan. Maging siya ay hindi niya maintindihan ang sarili, kung kailan pinapaalis na siya ni Zyrah, saka naman ginusto niyang mag stay dito. Habang nakatingin sa mata ni Zyrah, naaalala niya si Doniella. Napakalungkot tingnan.

Bigla nalang kusang gumalaw ang kanyang kamay at hinila si Zyrah palabas ng kwarto ni Sky. At dinala niya ito sa bakanteng kwarto kung saan din siya dinala nito noong mga nakaraang buwan. Noong may nangyari sakanila dahilan upang mawalan sila ng anak ni Doniella.

"A-anong ginagawa mo Wazel?" nauutal si Zyrah. Maging siya ay hindi maunawaan ang gagawin. Habang nakatitig siya kay Zyrah ay mukha ni Doniella ang nakikita niya. Ano bang nangyayari sakanya? Nababaliw na ba siya? "Wazel!"

Nagulat nalamang siya ng bigla siyang makaramdam ng hilo. Agad naman siyang inalalayan ni Zyrah at pinahiga siya sa kama nito.

"Awww! Shit!" aniya dahil tila kumikirot ang kanyang ulo. Pumikit siya at mukha nanaman ni Doniella na umiiyak ang kanyang nakikita.

"Wazel," ramdam niya ang paghaplos ni Zyrah sa kanyang pisngi. Pero nanatili siyang nakapikit habang pinagmamasdan ang mukha ni Doniella sa kanyang isip. Ang mga luha niya ay kusang dumaloy pababa. Umiiyak na rin siya na parang bata. Humahagulgol na parang nawalan ng paboritong bagay. Mapapatawad pa kaya siya ng asawa?

"Tahan na Wazel," natigilan siya sa boses na iyon. Tila boses ni Doniella. Unti unti niyang idinilat ang kanyang mga mata at nagulat nga siya ng masilayan ang mukha ng asawa. Napangiti siya habang umiiyak. Nananaginip ba siya? Kaharap na ba talaga niya ang asawa?

"I'm okay now," aniya. Hinawakan niya ang pisngi ng kaharap at hinaplos iyon. Kailan niya ba huling nahawakan ang pisngi ng minamahal niya? "I miss you,"

MORRISON SERIES #2:DONIELLA|R-18|COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora