Fat 5

75 3 6
                                    

Fat 5👄👄👄👄👄



@ Ann


" hindi ako makakapayag na mamamasukan ka bilang katulong sa akin, papayag naman akong dito ka manuluyan pero di kailangang maging katulong hija"


" pero señora nakakahiya ho sa inyo, ano lang po ang gagawin ko dito? Yun lang po ang alam ko at maiaalok ko sa inyo"


" sige, pumapayag na ako, pagtatrabahuhan mo ang pananatili mi dito pero hindi bilang kasambahay"


" kung hindi po bilang kasambahay, bilang ano po señora?"


" hija, maganda ka matangkakad at makinis ang kutis, napakaganda pa ng kulay ng iyong balat"


" ano hong ibig ninyong sabihin señora?"


" aba hija, kailan hindi pa pumapalya ang mata ko pag dating sa ganitong bagay, i am the woman behind VEIGÁ clothing line and WEEMAN MAGAZINE, ang gusto kong gawin mo ay, make your self fit and youll be my model, kailangan mong madoble ang sales, yan ang kapalit ng gusto mo, mapagbibigyan mo ba ako hija?"


" señora, hindi ko po alam kung kaya kong gawin ang gusto nyo pero, kakayanin ko po at susubukan ko din pong magawa ang gusto nyo tungkol sa negosyo nyo, salamat po señora, kakayanin ko po ito"


" pero hija mainipin akong tao, 12 months lamang ang ibibigay ko sayong panahon, pag hindi mo nagawa ang kondisyon ko sa loob ng 12 months..."


" opo señora naintindihan ko po, hindi ko po kayo bibiguin"

" mabuti kung ganoon"

Oh my G,  saan nangaling yung opo senyora hindi ko kayo bibiguin? dapat kayanin ko ito, ako ang may gustong lumayo at hanapin ang katauhan ko, kung ano ang magagawa ko ng wala sila, naging okay naman na kila tito at tita matapos ko silang tawagan nung may nangyari sa resto. Pumayag sila pero kailangan ko silang bisitahin o tawagan lingo lingo, kamusta na kaya si vladimir ngayon? Kumain na kaya sya? Hay ano ba yan, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na alalahanin sya, syempre sya lang naman ang lagi kong kasama tas ako pa ang naghahanda ng lahat ng kailangan nya hay, nakakapanibago lang.

pero mas lalong naka ka stress ang mag papayat, maniwala kayo sa hindi sinubukan ko na mag papayat dati pero every time na nagagalit sa akin si Vlad at dinadamdam ko ang bawat pag aaway namin, ang pag kain lang ang nakaka pag comfort sa akin T,T bakit ba kasi nakaka gaan ng loob ang kumain T.T pag nasobrahan naman ako sa cardio exercise hika ang aabutin.


" hija, halika pupunta tayo sa eskwelahan mo"


ay nandito pa pala si senyora delaila... teka bakit kami pupunta sa school?


" señora bakit ho natin kailangang pumunta sa eskwelahan ko?"


" aba hija, ipapaayos natin ang schedule mo, at ayoko na doon sa bastos mong propesor, hindi maganda ng ginawa nya, nanghihiya sya, alam mo dapat nga ding makausapa ang isang yon, dahil nakakatiriyak ako hindi lang ikaw ang napagdidiskitahan non, kailangan nyang malaman ang kamalian nya"

fatWhere stories live. Discover now