Chapter 8: Ice Paa-ck

31 3 3
                                    

Chapter 8: Ice Paa-ck

“Yan naman lagi mong sagot eh.”

Nakita kong nasaktan talaga si Ace. Di kasi siya yung tipong nagwawalkout eh.

Kaya habang nakikita ko yung likod ni Ace papalayo sa akin, naisip ko kung worth it ba talaga yung hindi ko pagsabi kay Ace ng totoo. Tama naman siya eh. Magkaibigan kami. Kaya he deserves the truth.

Sigh. Napayuko na lang ako. Napapikit at napaisip.

Kaya ko na ba?

Kaya ko na bang harapin ulit ang issue na yon?

Antagal ko ng kinalimutan yun eh.

Binaon ko na sa limot.

Nasanay na nga ko na magsalamin eh.

Nasanay na kong magtago.

Ok na ko eh.

Hindi na siya ganun kasakit.

Di ko na nga madalas maisip eh.

Ibabalik ko pa ba?

 *CRAAAACK*

Hmm? Ano yun?

May parang nagcrack sa may likod ko.

Napadilat ako at dahan dahan napatingin sa likod.

Paa.

Yun ang una kong nakita.

Syempre may sapatos yung paa. Ang ganda nga eh. Halatang mamahalin. Branded eh.

Pero ano yung nagcrack?

Imposible namang magcrack ng ganun ganun na lang yung paa diba?

Kaya tinignan ko ng mabuti yung paa.

Bigla namang inalis nung may-ari yung paa niya.

Lumaki yung mata ko nung nakita ko yung naapakan niya eh.

Basag.

Wasak.

Durog.

Yung salamin.

At hindi lang yun!

Nung tinitigan kong mabuti yung salamin, pamilyar siya eh.

Parang kamuka siya nung salamin…na gamit ko.

Shemai.

Sakin ba talaga yun?

Dahan-dahan napataas yung mata ko eh.

Nacurious, kung sino yung salarin na nakaapak ng salamin.

Lalong nanlaki yung mata ko eh.

Siguro, yung tipong di na ko mapagkakamalang may lahing intsik.

Ganun kalaki!

Sino ba namang di lalaki ang mata!

Alam niyo ba kung sino nakita ko?

Walang iba kung hindi si…

Mr. Isaiah Claude Elliot.

Also known as Mr. Sungit or Mr. Mokong.

Siya lang naman...

_____________________________________________

A/N: And dahil pinalitan ko yung title, I decided na magupload na rin ng chapter. Haha. :))

Eeksena na si Isaiah!!! Hahaha! Namiss niyo ba siya? :))

Kung kayo ang tatanungin, sino gusto niyo gumanap as Jazz? :)

THANKS FOR READING! 

VOTE! COMMENT! ;)

More Than Meets the EyeWhere stories live. Discover now